Chapter 36

129 4 14
                                    

* 2 years later*

Ayu's POV

Ang bilis ng panahon.. Dalawang taon na rin pala ang nakalipas.

2nd year college na kami. At oo nasa Lux University pa rin.

Wala. Mahal ko na tong eskwelahan na to kaya ayoko ding umalis. Besides, dito sigurado ang scholar ko.

Sa dalawang taon, marami yung nangyari. Maraming pagsubok ang dumating pero thank God dahil nakaya namin yun.

Oo kami pa rin. Stay strong ano? Wala e. Mahal na mahal kotong lalaking to. Pero parang dati lang kulang nalang isumpa koto.

Dati akala ko sinira na niya ang lahat. Yung buhay ko.. Pero hindi pala. Sinira niya yung alam niyang mas makakasira sakin.

So im a BEED student, Bachelor of Elementary Education. Hmm Yeah gusto ko magteacher.. Si Red? Gusto niya talagang magengineer. Kaso ayaw ng parents niya. Kaya hes taking Business. Yung iba nag business din. Yung iba nag engineer. Yung iba? Aba malay ko. Jokee hahaha.

Si El at Jae.. Sila na. Yup. 1 year ago pa.

Si Taeran? Okay na kami. Balik na kami sa dati. And guess what? Sila na ni KI. I mean ni Assisstant Manager. Kae Icy. Lahat nga nagulat e.

At sila parin hanggang ngayon.

Imagine ayaw ni KI sa maingay pero nagboyfriend ng makulit hahah. Love nga naman. And im happy for him. For the both of them.

Kami ni Red? Okay lang. Madami ng beses muntik kaming maghiwalay kasi matoyo to. Dejk. Trials. Challenges. Pero wala. Kami pa rin.

Pero magkaaway kami ngayon. Balasiyadiyan-_-///

"Hon" tinatawag niya ko. Di ko siya pinapansin.

"Honey" tumigil ka rion etoile.

"Mahal" sh*t.

"Wife" damn it.

"What?! " irita kong sabi pero di ko pa rin siya tinitingnan sa mata.

Anak ng... Galit ako e. Pero bakit kinikilig ako sa.. Err never mind. He really knows kung paano ako suyuin.

"Im sorry" sabi niya.

Eto kasing lalaking to, aba text ako ng text . Tawag ako ng tawag. Alalang alala nako pero wala. Wala respond. Tapos makikita ko kasama niya yung team mates niya. Nasa bar tapos may babae? Nakatabi pa sa kaniya.

Tapos meron pako ngayon. Nadodoble inis ko bahala siya.

"Hey. Im sorry Hon. I swear they hide that fcking phone at pagdating ko dun andun na yung mga babaeng yun. Swear Hon. I love you. Sorry na" paliwanag niya.

"Papayagan naman kita e. Team mo naman kasama mo kaso walang paalam? Tapos my babae pa?! Psh" sabi ko. At tumalikod sa kaniya.

"Sh*t" narinig kong sabi niya.

Naramdaman kong umalis siya.

Ayan! Tapos ngayon magwawalk out? Ibang klase Rion. Ibang klase.

Nanatili lang ako sa inuupuan ko. I need to calm down. Yeah.

"Ayu" narinig kong tawag sakin. Paglingon ko nakita ko sila Rey at Din. Nasa likod nila si Red na nakacross arms.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

"Papataying kasi kami ni Cap--este magpapaliwanag kami" sabi ni Rey.

Tiningnan ko lang sila.

"Okay ganito kasi yun. Ahm. Ano kasi. Kami nagaya kay Captain. Oo tapos kami rin nagtago nung phone niya. Tapos ako yung my dala ng babae" paliwanag ni Rey.

Lucky DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon