Author's NOTE: Yung huling word sa Chap 19 .. Eto po translation " Im just here for you"
Okay yun lang. Haha. Di ko sana ilalagay para pati kayo clueless kaso wala. Nilagay ko na. K bye:*El's POV
"HI BEST FRIEND! HI TAERAN! GOOD MORNING PIPS:* " Hyper na sabi ng best friend ko..
Anak ng.. P- ut-ek. Lol.
Ilang buwan tong nagmukmok tapos ngayon hyper na?
Seryoso. Dumaan yung ilang buwan na parang hindi si Ayu yung kasama namin.
I mean not the jolly Ayu.
Sa ilang buwan na yun, nagtayo siya ng pader .. Pader na nakaharang between sa kaniya at sa ibang tao.
Si Kuya at Ako lang ang kinakausap niya..
Ginawa niyang busy yung sarili niya..
Langya. Baka magvaledictorian na to. Aba. Ginugol yung oras sa pagaaral e. Daig pa nerd..
.Pero bilib ako sa kaniya. Bakit? Kasi sa ilang buwan na yun. Never ko siyang nakitang umiyak.. Ewan ko lang kung sa bahay umiiyak yan pero sakin? Hindi. Hindi siya umiyak.
Pero madalang narin siyang ngumiti.
Wala siyang ginawa kundi ipakitang maayos siya. Na okay siya. Ipakitang masaya siya kahit alam kong hindi naman talaga.
The past months, ngayon ko lang ulit nakita yung dating Ayu.
Nagtataka man, pero masaya ko para sa kaniya.. Tama ako. Shes really a strong person;)
"Hoy berat! Anong nakain mo? Wala naba yung sanib mo? Okay kana? Balik kana?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.
Malawak ang ngiting lumapit siya sakin. Niyakap niya ko.
"Thank you bessy. Thank you kasi inintindi mo ko" sabi niya at humarap sakin.
Binatukan ko naman siya.
"Gaga! Nagtiis lang ako ..! " sabi ko. OA na kung OA. Pero naiiyak ako. Sht. Kasi naman masaya ko para sa kaniya.Hays.
"Huwag kang umiyak ano ba! Si Veen oh!" Sabi niya. Mabilis ko namang pinunasan yung luha ko.
"Asan?" Tanong ko.
"Sa puso mo. Wahahahah" sabi niya at tatawa tawang tumalikod sakin.
Psh. Baliw talaga.
Congrats best friend :)
Ayu's POV
Finally! Nagawa ko na. Maybe sasabihin ng iba, parang andali ko lang makalimot. Hindi po ganun yun.
Naging sobrang hirap sakin na gawin to. Nagmahal ako ng sobra. Kaya nasaktan din ako ng sobra.
No one knows kung gaano kahirap yung pinagdaan ko na sa nakalipas na buwan.
School- bahay lang yung lugar ko sa ilang buwan.
Ginawa kong busy yung sarili ko. Nagfocus ako sa ibang bagay.
Ang sakit na iniisip ko parin sya kahit gaano ko kabusy.. Gustong gusto kong umiyak pero nangako ako. Nangako akong hindi na iiyak pagkatapos ng araw na yun..
Hindi ko pinakitang mahina ako. Kahit gustong gusto ko ng sumuko. Kahit sa bahay? Di ako umiyak..
Kinimkim ko lahat..
Unti unti lumuluwag yung nakabara sa dibdib ko. Unti unti natatanggap ko na. Unti unti, nagiging okay nako.
Hanggang sa isang araw, nagising nalang ako ng may ngiti sa labi at nasabi ko nalang , "i did it.!"
BINABASA MO ANG
Lucky Destroyer
Genç KurguCold Destroyer.. not until He met his Vowels.. Lol He changed what were gonna happened. He destroyed it. She changed him. We have both changes. But what are going to be the end?? It will turn good? Or worst?