Khloe's POV
Pagkatapos ng practice sa oral com ay nagsiuwian kami agad dahil aayusin ko pa yung official script.
Habang abala ako sa pagtype ay tumunog ng tumunog yung cellphone ko at puro chat sa gc namin.
Cramming ang karamihan samin dahil sabay sabay na nagbigay ng assignments at project ang mga teacher. Pati din naman ako cramming. Di ko lang pinapahalata. Dahil tapos nadin ako.
---
Araw na ng presentasyon namin sa oral com. Sobrang kinakabahan ako. Umabot sa point na nanlamig kamay ko at pinagpawisan.
"Mukha kang abnormal." Humalakhak si James habang tinitignan ako. Pinupunasan ko yung kamay ko gamit panyo niya. Gamitin ko daw e.
"E kinakabahan ako eh!" Nasa labas kami ng room at hinihintay namin na maayos yung room. Kailangan daw kasing nasa gilid lahat ng upuan.
"Ano bang role mo diyan? Mukhang ikaw gugulo sa roleplay niyo." Sabi ko kaya sumama ang tingin niya sakin. Tinawanan ko siya dahil sa kilay niya. Nakataas kasi yung dulo kaya matatawa ka kahit di siya nagpapatawa.
"Taekwondo gagawin ko mamaya. Watch and fall inlove, Miss." Lumapit siya sakin kaya sinuntok ko yung braso niya. Inirapan ko siya sa ginawa niya at tumawa lang siya.
Nang pinapasok na kami ay umupo kami sa may likod para maganda ang view. Nasa kanan ko si James at nakahalukipkip.
"Hoy James! Tayo na magpepresent!" Tinignan ako ni James at tumango lang ako. Weird. Bakit kailangan pa niya magpaalam?
Lumabas na sila at nakaayos na ang stage. Unang scene siya, nagppractice magtaekwondo pero sumasablay kaya natumba siya at umupo.
"I can't do this anymore!" Sumigaw siya at nagbato bato ng iilang props.
Nakaupo parin ako at pinapanood siya. Tumabi sakin yung kaklase ko at kinausap ako.
"May something ba kayo ni James?" Tinignan ko siya at umiling ako. Wala naman kaming something. Pagkatapos niyang magsorry dahil sa inasal niya ay naging close kami. At halos araw araw kami magkasama dahil dun.
"Ah, takte para kasi kayong magjowa. Bagay kayo. Lagi ko kasi nahuhuli si James na tinitignan ka." Ani nya at tumawa lang ako.
"Wala kaming something, friends lang." Tumango siya at nanood na sa harapan.
Tama nga siya. Nakatingin siya.
"Khloeeee!!! Tara na!!!" Lumabas ako at pumasok naman ang grupo nila James.
"Kung ano nakalagay sa script ayun sundin niyo ah." Tumango sila at nag general practice.
At nang matapos kami magpresent ay nakahinga ako ng maluwag napaiyak. Kaya lumapit yung mga kagrupo ko sakin.
"Uyyy! Leader wag iiyak! Ginalingan naman namin!"
"Ang galing mo mag leader kaya wag kana umiyak!"
"Papanget leader namin!"
"Nagiisang girl sa grupo namin kaya babygirl ka namin! Wag na iyak!"
Naiiyak ako kasi kami pinakamataas na score na nakuha out of 45, 43 ang score namin. Malaking puntos yun sa grades namin kaya nakakaiyak.
Pagkauwian ay isa isa silang nagsialisan. Bago umalis mga kagrupo ko ay grinoup hug nila ako at nagpasalamat sila ulit.
Pagkalabas nila ay lumapit si James sakin habang kumakanta.
"I was doing just fine before I met you, I drink too much and that's an issue but I'm okay..." tinignan ko siya at kumunot ang noo ko.
"You drink?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
All about Him
Teen FictionLove is destruction. Love is everywhere. Love is everything. Paano kung dumating ang oras na pinakahinihintay mo ngunit mayroong humarang sa relasiyon niyong parehas na pinaghirapan? Itutuloy mo pa ba o susuko ka?