Khloe's POV
"Nasan na yung article at tsaka yung pinasuyo ko? Reign?" Inabot niya sakin yung pinaprint niya at agad ko iyon binasa.
"Outlining the article...." Abala ako sa pagsusulat ng mga maari kong ilagay sa outline namin at nakalimutan kong kumain ng lunch break.
"Sobrang busy naman besh!" Bungad sakin ni Gayle at gumawa nadin ng outline nila. Aniya nanggigil na daw siya kasi di daw natulong mga kagrupo niya.
"Khloe! Hanap ka ng kaibigan mo dito" tawag sakin ng kaklase ko kaya napalingon ako bigla.
Si Chelle na may bitbit na pagkain kasama si Cess at Ricks. Why are they here?
Pagkalabas ko ay inabot agad sakin ni Chelle yung pagkain, "Dumaan kasi ako dito kanina. Nakita kitang busying busy diyan sa pagooutline. E pinacheck kita sa classmate ko kanina kung umalis kaba or what kaso nagsusulat ka daw kaya dinalhan ka namin." Napangiti ako at tinignan yung pagkain na dala nila.
"Mayghad, girl. Namiss kita! Magkahiwalay kasi ako ng building sainyo e!" Nakapameywang na sambit ni Ricks kaya bumeso ako sakanya.
"Mukhang stress na stress Khloe ah?" Aniya nung tatlo.
Nagpaalam ako saglit sakanila na aayusin lang yung mga gamit sa lamesa ko at nagpasama ako sa cafeteria sa baba. Dito nalang siguro ako kakain.
Habang nakain ako ay abala ang tatlo sa pakikipagusap sakin tungkol sa mga namiss namin na moments. Ika nila manood daw kami ng sine after class sa friday.
"I think I can't go, may taping kami for phil arts. Isa ako sa bida." Inirapan ako n tatlo kaya natawa ako.
"Hapon, try? Or 7pm?" Pumayag sila at tinuloy ang kwentuhan.
Naunang umalis si Ricks dahil may performance task silang pagbebake ngayon, sumunod naman si Cess na gagawa na ng Matrix sa research nila. Kaya kami nalang ni Chelle ang naiwan since parehas kami ng sched.
"I've been chatting your classmate, si James. Pero ang tipid niya magreply." Nang binanggit niya ang pangalan ni James ay napaayos ako ng pagupo at nilingon siya. Tapos nako kumain at nagpapahinga nalang bago umakyat sa 3rd floor.
"Mukhang susuko ata ako sa classmate mo a?" Natawa siya at hinawi ang shoulder length na itim niyang buhok.
"By the way, may taping din kami for phil arts sa friday. San ang practice area niyo?" Tanong niya sakin kaya nilagay ko sa bulsa ko yung cellphone kong punong puno ng text nung isa.
"Probably main building or IHM. Di pa namin napaguusapan kasi monday palang ngayon." Tumango nalang si Chelle at niyaya nako umakyat.
Bago ako pumasok ng room ay naggoodluck sakin Chelle about sa outlining dahil nahirapan daw sila don.
"Where have you been?" Bungad sakin ng iilan kong kagrupo kaya pinaupo nila ako agad at binigay sakin yung gamit ko.
"I continue mo na yan tas irewrite mo nalang. Two sentence or three nalang sayo then good kana at ikaw na mag-rewrite." Napabusangot naman ako dahil sa pinapagawa nila. I don't like rewriting works. Tingin ko nga di kaaya aya ang gawa ko.
"Hey, Khloe, your font style is amazing. Kaya ikaw napili namin." Umirap nalang ako sa kawalan kaya natawa sila at nagpatuloy sa pagoutline.
Being a senior high student, it's not hard. At first. But it's october, malapit na ang finals kaya't heto tinatambakan kami. Akala ko pachill chill lang ang senior high. I thought.
"Yo my sun, kumain kana?" Uminit ang pisngi ko at parang kabayo na tumatakbo na nasa paligsahan ang kabog ng dibdib ko.
He, gaving me nickname is the cutest thing ever.
BINABASA MO ANG
All about Him
Teen FictionLove is destruction. Love is everywhere. Love is everything. Paano kung dumating ang oras na pinakahinihintay mo ngunit mayroong humarang sa relasiyon niyong parehas na pinaghirapan? Itutuloy mo pa ba o susuko ka?