Khloe's POV
Masaya kaming dalawa ni James kahit na may iilan nang nakakaalam na nanliligaw siya. Basically, nung araw na tinanong ko siya kung mahihintay niya ako ay nagsabi siya na manliligaw siya kahit walang kasiguraduhan.
"Let's eat, Khloe?" Tumakbo ako palabas dahil naghihintay sakin yung tatlo. Yes, we're reunited again.
"San tayo kakain?" Tanong ko habang inaayos ni Ricks ang buhok ko.
"SM nalang tayo. May 2 hour vacant naman this day. Then shopping tayo." Tumango kaming tatlo at naghintay ng masasakyan.
Nagvibrate ang phone ko at lumitaw ang pangalan ni James.
James :P : Take care of yourself. Di moko kasama kaya walang magbabantay sayo kundi sarili mo lang.
Khloe : I will! Eat your lunch. I will ask Gayle and Clyde kung kumain ka.
James :P : Yes po, ingat.
Di ko na siya nireplyan at ginugol ko ang oras ko kasama ang tatlo. I miss my girls.
"Natandaan niyo ba yung lalaking mysterious ang dating sakin kaya naattract ako sakanya? I know his name." Ani ni Chelle habang naghihintay kami dito sa lamesa. Umoorder na si Cess at Ricks sa counter.
"Who?"
"James Gonzales ng GAS 07." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.
"He's my classmate." Natuwa siya at nagtanong tungkol kay James.
"Matalino ba sya? Palagi nagrerecite? Nagaayos ng buhok? Mabango ba?" Yes, Chelle. He smell so damn good.
Ang tanging sagot ko lang ay, "Di eh. Kasi di kami close." Nalungkot siya sa sinabi ko at hinayaan nalang ako.
Habang kumakain kami ay nagvibrate ang phone ko. Text galing kay Gayle.
Gayleee : San you? Sa SM kami. Baka andito ka? Kasama ko suitor mo with other body guards.
Ang tinutukoy niyang body guards is iilang mga kaklase ko na kahit di naman niyaya sasama parin.
Khloe : SM din. Kasama ko sina Ricks, Chelle at Cess. Nasa Max's kami.
Gayleee : Ah, btw di naubos ni suitor mo ang pagkain niya pero ang energetic niya.
Khloe : Hay nako. Sige itetext ko nalang mamaya. Enjoy kayo. Try ko sumunod if umalis agad sila.
Gayleee : Nabasa ni James convo natin. Baba daw kami puntahan ka daw.
Kumalabog puso ko. Di dahil sa makikita ko siya kundi makikita siya ni Chelle.
Nireplyan ko agad si Gayle.
Khloe : Sabihin mo umalis na kami. Nasa dept store kami.
Gayle : Oki. Mag arcade nalang kami.
"Parang nakita ko yung James na dumaan dito." Ani ni Chelle kaya nacurious yung iba.
"Sinong James?" Tanong ni Cess at Ricks.
"James Gonzales from GAS 07." May pinakita siyang picture ni James. Mas lalo akong kinabahan dahil ako kumuha nung picture na pinost ni James.
"Ay. Gwapo ha. Nice taste, Chelle. Next target naba?" Tanong ni Cess at Ricks.
Humalakhak si Chelle, "Maybe tomorrow. I'll approach him. Wala pa namang tumatanggi sa alindog ko." Nag flip hair siya at nagpatuloy sa kain.
I need to secure James? Or I will think this is a test for him.
---
BINABASA MO ANG
All about Him
Teen FictionLove is destruction. Love is everywhere. Love is everything. Paano kung dumating ang oras na pinakahinihintay mo ngunit mayroong humarang sa relasiyon niyong parehas na pinaghirapan? Itutuloy mo pa ba o susuko ka?