Khloe's POV
"Khloe, kuha ka ng showbiz news tapos isusulat mo dun sa cartolina." Ani ni Ivy, kagrupo ko sa gagawing tabloid.
"Di pako nakakabili ng cartolina. Sorry!"
Nagtaka yung mukha niya. "Binigay ni James yung cartolina kahapon sakin. Lima yun, pinapabigay mo daw."
"Wala akong sinabi or binili. Kausapin ko nalang mamaya."
Pagkapasok niya sa room ay sinalubong ko siya agad. "Bayaran nalang kita. Magkano ba yung binili mong cartolina?" Tanong ko agad sakanya at bumusangot yung mukha niya.
"Wala man lang bang Good Morning James! How are you?" Umacting pa siya na medyo naiiyak.
"Siraulo." Tumawa lang siya at umupo sa upuan niya.
"Magkano nga kasi? Wala naman akong sinabi na bumili ka. Magpapasama lang sana ako nun." Tumingin siya sakin. "Wag mo na bayaran yun."
Pinipilit ko siyang sabihin kung magkano ba yung cartolina pero ayaw niya talagang sabihin.
"Kulit mo. Parang tinatapakan mo ego ko, Miss." Ngumisi pa siya at tinitigan ako.
"Don't... stare." Umiwas ako ng tingin pero tumayo siya at pinantayan yung tangkad ko.
"What did you say?"
"I... said don't.... don't.. stare." Medyo lumapit siya sakin at tinulak ko siya. "Di ko nalang babayaran. Thank you nalang." Tumalikod ako at nakita ko yung ekspresiyon ng mukha ni Rose ay medyo malungkot kaya nang nagtama ang tingin namin ay umiwas siya ng tingin.
Pakiramdam ko sobrang init ko.
Filipino ang unang subject namin kaya binigay ang oras na iyon para sa mga gawain na itinoka samin.
It's friday. So, it means eto na yung araw na lalabas kami ni James, nang kaming dalawa lang. No malisya.
"Yes!!! Friday naa!!" Sigaw ng iilan kong kaklase dahil malapit na ang uwian namin.
Umiinom si Gayle ng shake nang matapon sa uniform niya yung shake. Chocolate pa naman flavor nun.
"May extra damit ka?" Tanong ko sakanya at umiling lang siya.
Kinuha ko sa bag ko yung damit ko na plain white at pinahiram yun sakanya. "Maligo ka sa gym. Hiramin mo muna yan."
"Thank you, Khloe!" Tumango ako at lumabas na siya.
Lumabas ako nang room at nakita ko na nakasunod sakin si Rose. "Khloe" tawag niya sakin.
"Hmmm?" Mukha siyang malungkot at nagsalita.
"Nagseselos ako sa sainyo."
Napatigil ako. Sabi ko na eh. "We're friend, Rose. Wala kang dapat ikaselos."
"Gusto ko talaga si James, Khloe." Yumuko siya.
Ganun naba talaga kalalim nararamdaman niya para kay James? Magseseptember palang at di ko pa ganoon kakilala si James.
"I overheard that you and James will go on a date later. Do you accept his offer? O ikaw nagoffer na magdate kayo? Kasi gusto mo na magselos ako?" Lumaki yung mata ko sa sinabi niya. Ako?! Yayayain si James magdate? What the food.
"Hey, I don't think it's good that you say I offer him a date just because I want you to be jealous at us. We're friends. Yes, I accept his offer to have a date on him. May agreement kami at iyon ang kapalit." Tinignan niya akong mabuti kaya tinignan ko rin siya para malaman niyang di ako nagsisinungaling.
"Ayoko dumating sa point na mawawala pagkakaibigan natin dahil sa lalake. You better watch your words. Baka kasi totohanin ko yang mga what ifs mo." Tinalikuran ko siya dahil nainis ako sa inasal niya. Di ko naman intensyon na magiging close kami ni James at ayaw niya pala don.
BINABASA MO ANG
All about Him
JugendliteraturLove is destruction. Love is everywhere. Love is everything. Paano kung dumating ang oras na pinakahinihintay mo ngunit mayroong humarang sa relasiyon niyong parehas na pinaghirapan? Itutuloy mo pa ba o susuko ka?
