Chapter 2

22 3 2
                                    

Khloe's POV

Dahil ang Senior High ay feeling college, kadalasan hindi araw araw ang pasok. Dahil mayroon ding gagamit na grade 12 sa building namin. Share share ganon ba.

"He look so mysterious kamo! Nakakatakot pero nakakainlove ang ganung awra ng lalaki!" Hagikgik ni Chelle at Cess habang nagkukwentuhan dito sa canteen. As usual, apat nanaman kaming magkakasama. Ang pinagkaiba lang sa sched ay may pasok si Ricks ng tuesday dahil HE ang strand niya.

Wednesday ngayon at lunch break namin. Nakapangalumbaba lang ako habang tumitingin sa paligid.

Pagkatapos kumain ay nagsibalikan na kami sa kanya kanyang room namin at tahimik nanaman akong pinapanood ang kinikilos ng mga classmate ko.

"Hey Khloe, hold this. Let's take a groufie." Binigay ni Gayle ang phone niya sakin at sumunod naman ako agad.

Close ko na ang karamihan pero di ko kabisado ang mga pangalan nila.

"Upload mo maya Khloe, send ko sa fb mo. Name mo sa fb?" Ani ni Gayle habang tinitignan nila yung pictures.

"Panget ni Clyde eh! Hahaha!" Halakhak ni Gayle at pinakita sakin ang mga pictures.

Nakangiti kaming lahat habang si Clyde at nakawacky. Kaya nakitawa nadin ako.

"Khloe Montefalco." Sambit ko kay Gayle at tumango.

Pagkatapos ng klase ay umuwi kami agad nung tatlo dahil may mga assignments nadin kami. Habang nagbo-browse ako sa internat ay may nagnotification sakin at nakita kong inadd ako ni Gayle. Inaccept ko ito agad at nagmessage siya sakin.

Gayle : Upload mo na. Sinabihan ko na sina Clyde, Kurt at Reign na iadd ka. After daw nila gumawa ng assignments.

Okay lang ang naireply ko at sinend na niya ang mga pictures.

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin. Isa isang nagnotifs sakin ang iilan kong mga kaklase.

Clyde Mendoza sents you a friend request.

Louisse Ignacio sents you a friend request.

Klark De Leon sents you a friend request.

Anjelo Quinto sents you a friend request.

Nang mamukhaan ko sila ay inaccept ko agad isa isa at inadd nila ako sa group chat namin. Ang warm ng salubong nila sakin at ganun din ako.

Napatigil ako sa kakainternet nang nagtext sakin si Joshua.

Joshua : Can we meet? Please?

Nireplyan ko siya.

Khloe : I'm tired Josh, I want to sleep.

Bago ako matulog ay nakita ko sa notification ng group chat namin si James. Mukhang nakikipag kulitan. Nacurious ako at nagbasa pero hindi ako nagchachat.

Nakita kong nagchat sina Clyde, Klark at Anjelo duon.

Clyde : Nagkakamabutihan na ata o?

Anjelo : Grabe ilang linggo palang tong school may loveteam na agad!

Klark : Napakagaling naman ng galawan ni James o! Ipm mo na! Hahahaha.

May iilan pang nakikisali sakanila na asarin si James at yung isa namin kaklase na babae. I don't mind. Normal lang naman siguro yun.

----

Nagdaan ang ilang linggo at nagiging busy na ang karamihan sa senior high dahil sa mga feeling major na minor subject.

All about HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon