Part 10

14.9K 487 35
                                    

"TITITIGAN mo na lang ba ako o kakain ka? Hindi ka gagaling kapag hindi ka kumain. Huwag kang mag-alala marunong akong magluto at sinisiguro ko sa iyong masarap ito," pukaw nito sa kanya at bahagyang ginalaw ang kutsara.

She sighed and opened her mouth. Muli siyang napabuntong hininga ng maramdaman niya ang init na humagod sa sikmura niya ng malunok ang lugaw. At tama ito, masarap nga iyon. Hindi kagaya ng walang lasang lugaw ng yaya niya noong bata pa siya.

Saglit pa ay sinusubuan na siya nito at siya naman ay tanggap ng tanggap. Ilang beses pa nitong pinunasan ang gilid ng mga labi niya. Somehow, that simple gesture of his warms her heart. Gayundin ang katotohanang naroon ito sa tabi niya para alagaan siya. Kahit hindi niya alam ang dahilan nito o kung may matibay man itong dahilan ay hindi na mahalaga. She realized that she has been longing for someone to do these things to her.

Nang maubos niya ang isinusubo nito sa kanya ay inilapag nito ang mangkok sa tray at kinuha ang baso ng tubig, ganoon din ang ilang tablet na kailangan niya raw inumin upang gumaling siya. Hindi na siya nagprotesta kahit na nahihiya siya rito. At nahihiya rin siya sa sarili niya. Ipinangako niya sa sarili niya na aalagaan niya ang sarili niya at hindi aasa sa iba, pero heto siya at nagpapapamper kay Andrew. Ganoon na ba kalala ang sakit niya?

"Now, you should go back to sleep," sabi pa nito at inalalayan pa siyang humiga. Nagpadala na lamang siya rito. Napabuntong hininga siya ng ayusin nito ang pagkakakumot nito sa kanya at muling haplusin ang noo niya. Napapalatak ito. "Ang init mo pa rin. Ano ba kasing ginawa mo kanina at nagkaganyan ka?"

"Nag pictorial."

Nagsalubong ang tingin nila. "Anong klaseng pictorial?"

She sighed. "In a swimming pool."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Masama na ang pakiramdam mo nagbabad ka pa sa tubig? And in a swimsuit I bet?"

"It can't be help. Para iyon sa summer edition ng Young and Free Magazine," sagot na naman niya. Ni hindi niya alam kung bakit siya nagkukuwento dito. Bukod kay Andi ay wala na siyang ibang pinagsasabihan ng mga kung anu-ano tungkol sa kanya.

Napatitig siya sa mukha nito ng lalong kumunot ang noo nito. "Young and Free? Did you met someone named Mandy?" tanong nito.

Natigilan siya. Pagkuwa'y tumango. Parang lalong bumigat ang pakiramdam niya ng makitang ngumiti ito. Mukhang may something dito at kay Mandy. Pumikit siya para hindi na makita ang mukha nito.

"Pwede ka ng umuwi. Kaya ko na ang sarili ko," aniya sa pilit pinatatag na boses. Hindi siya pwedeng umasa rito dahil hindi naman ito magtatagal sa buhay niya. Huh? So iniisip mo palang gusto mo siyang tumagal sa buhay mo? Ano bang nangyayari sa kanya? Nagkokombulsyon na ba siya at kung anu-ano na ang naiisip niya? Mga bagay na hindi naman niya iniisip dati? She doesn't even know the guy well for God's sake!

Hindi ito umimik ngunit nanatili pa rin sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya. Maya-maya pa ay tumayo na ito. Naramdaman niya ang pagkuha nito sa tray at ang paglakad nito palabas ng kanyang silid. She sighed at muling nagpahatak sa antok.

NAALIPUNGATAN si Tiffany na nanginginig sa lamig. She can feel herself burning. And it was so painful she wanted to cry and call someone. Nang bahagya siyang magmulat ng mga mata at mapatitig sa kisame ng silid niyang lampshade lamang ang bukas ay narealize niya na wala ring silbi kahit tumawag siya. She has no one to call for anyway. Besides, she has always been alone.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa sarili at namaluktot. She wished someone could hug her at a time like this. Mula noong bata pa siya ay walang gumagawa niyon sa kanya tuwing may sakit siya. Oo at inaalagaan siya ng yaya niya. Pero sa gabi ay mag-isa pa rin siyang matutulog sa kuwarto niyang masyadong malaki para sa kanya. So, she has to bear the cold and the pain alone.

MY LONELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon