GUSTO na namang mainis ni Tiffany kay Andrew. Bakit ito ganoon? Pagkatapos siya nitong alagaan habang may sakit siya at pagkatapos nitong makipagkuwentuhan sa kanya ay bigla na naman itong aaktong malamig sa kanya?
Naiinis siya, dahil kanina ng magkasabay sila sa elevator ay tila tumalon na naman ang puso niya. Samantalang ito ay balewala lamang na nakita siya. Ni hindi siya nito nginitian. Ah, marahil dahil kasama nito ang kaibigan nito. Marahil ay ayaw nitong malaman ng kaibigan nito na kahit papaano naman ay nagkaroon naman ng lalim ang pagkakakilala nila. Naiinis talaga siya.
"Wow, you look angry Tiffany, care to tell me why?" pukaw sa kanya ng kahit hindi niya sulyapan ay alam niyang si Harlod. Isa pa ito as ikinakainit ng ulo niya. Mula ng magsimula ang photoshoot nilang dalawa ay feeling close na ito masyado. At nararamdaman niya, tsinatsansingan siya nito. Hindi lang halata ng iba iyon sigurado, dahil masyadong sensual ang mga pose nila. Iniisip lang marahil ng mga nasa paligid na magaling lang itong magproject.
Nang hindi siya sumagot ay umupo pa ito sa tabi niya. Noon niya ito sinulyapan. "I did not give you the permission to seat beside me," malamig na sabi niya rito.
"Now, now, hindi na ako apektado ng kalamigan mo. Why don't we just hit it off?" anitong naging malaswa ang ngiti. "I was so turned on by our pose you know," bulong nito.
Ngalingaling sipain niya ito. But she remained calm kahit pa bahagya na itong lumalapit sa kanya. She gritted her teeth. Ang dami talagang nakakapag-init ng ulo niya sa araw na iyon. Bagay na bago na naman sa kanya. She was never affected by guys like Harold before. But now, he's just pissing her off. Ah, nahiling niya na sana matapos na ang ilang minutong break na ibinigay sa kanila ng photographer.
"Hey there!" napalingon siya sa masayang boses babaeng bumati sa kanila. Tipid siyang napangiti nang makita si Coffee, isang reporter na palaging present sa mga shooting, press conferences at kung anu-ano pa. She wondered how she can be in many places.
Naramdaman niya ang pagdistansya ni Harold. Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyang makalapit sa kanila si Coffee. Ilag si Harold sa mga reporter, particular kay Coffee, hindi kasi natatakot ang babaeng magsulat ng kung anu-ano basta alam nitong totoo. At ilang beses na nitong nabisto ang mga kalokohan ni Harold sa madla.
Nginitian siya nito. "Hello there Ms. Tiffany Del Valle. Long time no see."
Tumango siya. "Uhuh." Si Coffee ang nagbansag sa kanya na Ice Queen ng minsang maisulat siya nito sa column nito. But she doesn't mind. Because back then, she really felt like she was the Ice Queen.
Bago pa man nito malingon si Harold ay tumayo na ang lalaki at walang salitang lumayo. Amused na sinundan ito ng tingin ni Coffee. "Mukhang ilag na siya sa akin ngayon ha. But at least umalis na siya sa tabi mo. You know, habang tinitingnan ko kayo kanina pakiramdam ko gusto ka na niyang hubaran kanina. Ang laswa ng tingin niya," sabi nitong pumalatak pa.
She sighed. "Sinabi mo pa. buti na lang at lumapit ka. Thanks."
Naging mataman ang pagtingin nito sa kanya. Pagkuwa'y biglang ngumiti. Nangniningning ang mga mata nito na parang nakaamoy ng paborito nitong pagkain. Bigla siyang kinabahan. "Aba, Ms. Del Valle, bakit parang may kakaiba sa iyo ngayon? You look warmer than the last time I saw you."
Napakunot noo siya sa sinabi nito. What does she mean? "Maybe because I have fever yesterday."
Tumawa ito at umiling. "No,no. hindi iyan ang ibig kong sabihin. May love life ka na ba ngayon Ms. Del Valle?" tanong nito. Nakangiti ito na kulang na lang ay magsisigaw ng "Scoop! Scoop!"
"Wala. And I am not interested," tipid na sagot niya. She tried her best to remain poker faced.
"Hmm.,, talaga," sabi pa nito na bahagya pang hinimas-himas ang baba. Napailing siya.
Natanaw niya ang paglapit ni Mandy. Bigla niyang naalala si Andrew. Pero kahit naiinis siya sa binata ay hindi naman niya magawang makaramdam ng inis kay Mandy. She's just so nice. Nginitian siya nito. "Ms. Tiffany, the shoot will resume in five minutes," anito sa kanya ng may kakaibang ningning din sa mga mata. Bakas ang amusement sa mukha nito. Now, that expression is really familiar to her. Hindi niya lang maisip kung bakit.
"Okay," simpleng sagot na lamang niya. Kanina pa nga niya hinihintay na magresume para matapos na agad ang shoot niya.
"Coffee nandito ka na naman?" bati nito sa reporter na ngumiti kay Mandy.
"Trabaho ko ito eh. Alangan namang hindi ako maghanapbuhay," pabirong sabi nito.
Tumawa si Mandy. "Oo nga naman. But next time, huwag kang mang-iinis ng tao ha. Muntik ka ng ihagis ni Ace sa pool kahapon ah," komento nito na ikinasimangot ni Coffee.
"Praning lang iyong isang iyon no. Bakit si Ms. Tiffany naman hindi naiinis sa akin. Right?" nakangiti nang baling nito sa kanya. Tipid na lamang siyang gumanti ng ngiti.
Nagkuwentuhan pa ang mga ito. Base sa usapan ng mga ito ay mukhang matagal ng magkakilala ang mga ito. Wala na siyang balak makinig sa mga ito nang may marinig siyang pamilyar na pangalan sa usapan ng mga ito.
"Teka, kamusta naman si Andrew?" tanong ni Coffee. Pasimple siyang sumulyap sa mga ito.
Mandy smiled with affection. "Naku workaholic pa rin. Kung hindi ko pa piliting pumunta sa bahay hindi pupunta. Pero may bagong development," anito sa pilyang tinig.
"Development?" curious na tanong ni Coffee.
Ngumisi si Mandy. "Uhuh." Bahagya siyang napaatras ng bigla itong sumulyap sa kanya. Nahuli pa yata siya nitong nakikinig sa usapan ng mga ito. Mabuti na lamang at sumigaw na ng game ang photographer. Tumayo na siya at hinubad ang kanyang roba.
Sa pakikinig sa usapan ng mga ito ay may napatunayan siya. Talagang malapit si Andrew kay Mandy. And somehow, it didn't feel right for her.
BINABASA MO ANG
MY LONELY STAR
ChickLitTiffany del Valle seemed to have all the things any woman would wish for: beauty, fame, and wealth. Ngunit sa kabila niyon ay hindi siya masaya. She wanted something that she had never experienced since she was a child: love. Hindi niya naranasang m...