Part 12

14.7K 476 17
                                    

"Siya nga pala. Ilang kuwarto ang gusto mo?" biglang tanong ni Andrew.

"Huh?"

Sumulyap ito sa kanya. "Para sa bahay na pinapadesign mo. Ilang kuwarto ang gusto mo?" paglilinaw nito.

Napaisip naman siya sa tanong nito. "Hmm... two or three maybe."

Bahagyang tumaas ang kilay nito. "Ang konti naman Ms. Del Valle. Hindi ba gusto ng mga celebrity ng bahay na maraming kuwarto para pwede silang magpatuloy ng mga bisita?"

Inirapan niya ito dahil tunog sarkastiko na naman ang tono nito. "Ayoko ng maraming kuwarto na walang namang umookupa. Hindi naman ganoon karami ang mga kaibigan ko kaya tama na ang tatlo. Basta, gusto ko iyong kagaya ng bahay na nakita ko sa magazine."

Muli na naman itong tumingin sa kanya. Ngunit sa pagkakataong iyon ay may kakaiba sa ekspresyon ng mukha nito. Na para bang noon lamang siya nito nakita. Bigla na namang sumasal ang tibok ng pulso niya. "What is that stare for?" iritableng tanong niya.

Nagkibit balikat ito at ipinagpatuloy ang paghuhugas. "May naisip lang ako."

Hindi na siya sumagot at pinanood na lamang ito. Saglit pa ay tapos na ito sa ginagawa. Ang sumunod namang ginawa nito ay inabutan siya nito ng isang basong tubig at isang tablet.

"Uminom ka na ng gamot pagkatapos matulog ka ulit," utos nito. Sinunod niya ito.

He smiled victoriously. "Good girl."

Napatitig siya rito. Pagkuwa'y napabuntong hininga. Nalalabuan na talaga siya sa sitwasyon. "Andrew, why are you taking care of me? You hate me right?" frustrated na tanong niya. Hindi siya sanay na may nag-aalaga sa kanya. At ayaw niyang masanay dahil lalo lang siyang malulungkot kapag hinanap-hanap niya ang ginagawa nito pagkatapos ng araw na iyon.

Sinalubong nito ang tingin niya. Bahagyang lukot ang mukha nito na para bang hindi nito gustong pag-usapan iyon. "I don't hate you okay. I just... don't like you."

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. She felt a strike of something painful in her chest. Napakurap siya ng bigla nitong haplusin ang pisngi niya. Pagkuwa'y ngumiti ito.

"But that was before. When all I see was the too perfect Tiffany Del Valle. Iyong babaeng walang nakikita kapag naglalakad at hindi marunong mamansin. But now that I saw that part of you behind the glamorous and snobbish aura, okay ka na sa akin," nakangiting sabi nito.

Lalo siyang natulala sa sinabi nito. Lalo pa't patuloy ito sa paghaplos sa pisngi niya. Nag-iwas siya ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng pisngi niya.

"See? Tiffany Del Valle never blush like that," anito sa nanunudyong boses.

"Tumigil ka na!" naiinis na saway niya rito at pinalis ang kamay nito. Nagririgodon ang puso niya at nahihirapan siyang makahinga. Ano bang meron sa lalaking ito at nagkakaramdam siya ng ganoon?

"Why are you making fun of me?"

Nagkibit balikat ito. "I just want to make sure that you're still a human being with different facial expressions," nakangiting sabi nito na ikinainit ng mukha niya.

Ang lakas ng tawa nito. Napatitig siya rito. Bakas sa mukha nitong aliw na aliw ito. Ito ang taong nagalaga sa kanya buong magdamag. Ang lalaking pinagluto siya at kinakausap na parang matagal na silang magkakilala. Her heart swell because of something she never felt before – of happiness. Nang magkasalubong ang kanilang mga mata ay malawak niya itong nginitian. "Thank you," she said gratefully.

Tumigil ito sa pagtawa at napatitig sa kanya. Para na namang noon lamang siya nito nakita sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Then, he widely smiled back. Hinawi nito ang buhok niyang tumakip sa pinsgi niya at inipit iyon sa tainga niya.

MY LONELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon