Maang na napatingala si Tiffany kay Andrew na ginulo ang buhok ni Mandy. "Ikaw, umuwi ka na rin pagkatapos nito. At huwag kang magrereport sa bahay kung hindi lagot ka sa akin."
Tumawa si Mandy at pinalis ang kamay ni Andrew sa ulo nito. Muli itong tumingin sa kanya at malawak na ngumiti. "Ikaw na ang bahala sa kuya ko ha. Bye!" paalam nito at mabilis na umalis.
Napatingala na naman siya kay Andrew. "M-magkapatid kayo?" manghang tanong niya.
Kunot noong tiningnan siya nito. "Oo. Sabi mo alam mo na?" bigla siyang nakahinga ng maluwag sa di niya malamang dahilan. Parang natuwa siya na magkapatid ang mga ito. Lihim siyang napangiti sa nalaman.
"Nasaan nga pala ang handler mo? Bakit hindi ka niya sinamahan ngayon? Muntik ka pa tuloy mapagsamantalahan ng lalaking iyon," biglang sabi nito.
"May sinamahan siyang iba. Hindi lang naman ako ang alaga niya." Naipagpasalamat na rin niyang wala si andi. Kung hindi maghihysteria iyon at hindi iyon papayag na hindi makasuhan si Harold.
"Dapat kasi sundin mo na siya na kumuha ka ng assistant. Para may kasama ka at hindi ka mapagtangkaan ng kahalayan ng mga modelong nadadala sa mga pose niyo," sabi nito.
Nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Hindi niya naisip na nakakadala ang mga pose nila. Pero mukhang iyon nga ang nangyari kay Harold kaya para itong hayok kanina.
Bigla siyang napatitig kay Andrew at napakunot noo. "Wait, paano mo nalaman na sinabihan ako ni Andi na kumuha ng assistant?" takang tanong niya.
Namangha siya nang bigla itong mag-iwas ng tingin. "Ang lakas ng boses mo noong kausap mo siya sa cellphone habang naghihintay tayo ng elevator. Noong hirap na hirap kang ipasok ang maleta mo sa elevator," sabi nito na napangiti pa. Marahil ay naalala nito ang nakakahiya niyang itsura ng panahong iyon. Subalit kahit yata siya ay hindi magagawang kalimutan ang araw na iyon. Because it was the first time her heart beat so fast. Dahil iyon sa lalaking nasa tabi niya at hawak-hawak ang kamay niya.
"Halika na nga," sabi na lamang ni Andrew. Hindi na lamang siya sumagot at nagpahatak rito. Hindi nito binitawan ang kamay niya kahit pa napapatingin ang mga tao sa kanila. Ito pa ang nagbitbit ng maleta niya. Hindi siya nagreklamo. Dahil sino bang babae ang magrereklamo kapag may isang guwapong lalaking gumagawa niyon sa kanya? Basta si Andrew ang kasama niya, wala na siyang pakielam kung makita man sila ng buong mundo at maging laman man sila ng mga tabloid at magazines kinabukasan. To hell with them anyway.
"Andrew," tawag niya rito nang nasa tapat na sila ng sasakyan niya. Lumingon naman ito sa kanya. She sweetly smiled at him. "Thank you."
Tila napamaang ito sa kanya. Pagkuwa'y gumanti ito ng ngiti. Napasinghap siya ng hawakan nito ang baba niya at marahan iyong pisilin. Bago pa siya nakahuma ay lumapit na ang mukha nito sa kanya. Her heat thumped whe his lips touched hers. He kissed her slowly, lightly, sweetly. And it was wonderful.
Nang ilayo nito ang mukha sa kanya ay may nanunudyong kislap na ang mga mata nito. "Smile like that again and I'm gonna kiss you senseless."
Hindi niya napigilan ang sarili niya. Malawak siyang napangiti. And there on the parking lot, for the entire world to see, he kissed her senseless.
NAPAUNGOL si Tiffany sa tunog ng cellphone niya. Saglit niya itong hindi pinansin ngunit mukhang walang balak tumigil ang tumatawag sa kanya. Hindi tumatayong kinapa niya ang cellphone niya sa bedside table. Kasabay niyon ay nahagip ng mga mata niya ang oras sa digital clock niya. Alas otso ng gabi. Isang oras pa lang mula ng humiga siya at matulog. Kagagaling lang niya sa isang out of town shoot at wala siyang balak makipagusap kahit kanino. Pinindot niya ang end call button at ibinagsak ang cellphone niya sa kanyang tabi. Tumahimik ang paligid at muli siyang pumikit.
Ngunit maya-maya lamang ay tumutunog na naman iyon. Napaungol siya. Hindi siya sanay na may tumatawag sa kanya ng ganoong oras. Malabong si Andi iyon dahil alam nitong mas gugustuhin niyang matulog. Nawala na ang antok niya at napaupo sa kama. Number lang ang nasa screen ng cellphone niya pero sinagot na rin niya.
"Tiffany?" boses ng isang babae.
Tuluyan na siyang nagising at natigilan. Kahit hindi ito magpakilala ay kilala na niya ito. Hindi niya makakalimutan ang boses ng sarili niyang ina. Even if she didn't act as one since she was young.
"Tiffany? Are you there?" pukaw nito sa kanya. Napansin niyang hindi na ganoon kalamig ang boses nito. Hindi tulad noon na kulang na lang ay mabalutan siya ng yelo sa sobrang kalamigan nito sa kanya. Ngunit kapansin pansin ang himig ng hesitasyon sa boses nito. Hindi niya ito masisisi. Sampung taon na silang hindi nag-uusap.
"What?" walang emosyong tanong niya.
Saglit na tila natigilan ito sa kabilang linya bago ito bumuntong hininga. "Can we meet up?" malumanay na tanong nito.
"Why?"
Muli ay bumuntong hininga ito. "I just want to see my daughter na sa mga magazines at billboards ko na lang nakikita."
She suddenly tasted something bitter in her mouth. Ito gusto siyang makita? Parang hindi yata kapani-paniwala. "What's the catch? Bago yata sa pandinig ko iyan?" malamig na sabi nito.
"Tiffany, I just want to see you and talk to you. Masama ba iyon? Libre ka ba ngayon?"
Pabagsak siyang humiga sa kama. "No. I am tired and I just want to rest tonight."
"Oh, kailan ka libre?" sabi nitong bakas ang disappointment.
"I don't know. I'll just... call you I guess," nasabi na lamang niya.
Bumuntong hininga na naman ito. "Oh, okay. But I hope we can meet up within this week," sabi nitong tila pagod na pagod.
Natigilan siya. Ayaw niyang magtanong pero hindi niya pa rin napigilan. "Why?"
Hindi ito sumagot. Nang akala niya ay wala na ito sa linya ay saka ito nagsalita. "Because I will be leaving for France next week. With my new husband. Your father and I are already annulled. Baka hindi na ako bumalik sa pilipinas kaya gusto kitang makita bago man lang kami umalis ng asawa ko. So, call me soon hija."
That rendered her speechless. Hanggang sa magpaalam na ito ay hindi na siya nakapagsalita.
BINABASA MO ANG
MY LONELY STAR
ChickLitTiffany del Valle seemed to have all the things any woman would wish for: beauty, fame, and wealth. Ngunit sa kabila niyon ay hindi siya masaya. She wanted something that she had never experienced since she was a child: love. Hindi niya naranasang m...