Part 21

17.2K 565 21
                                    

Biglang sumariwa sa alaala ni Tiffany ang mga narinig niya. At para iyong punyal na humihiwa sa dibdib niya. Tumalikod siya at walang salitang ipinagpatuloy ang paglakad.

"Wait!" bigla nitong hinigit ang braso niya dahilan upang mapaharap siya rito.

She shivered when she felt his skin. Nakakainis dahil ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. "Ano ba, bitawan mo ako Andrew, mahuhuli ako sa flight ko," inis na sabi niya.

Himbis na bumitaw ay humigpit pa ang hawak nito sa braso niya at tuluyan na siyang hinarap. "No, I will not allow you to go anywhere. No matter what, you cannot run away from me," matatag na sabi nito.

Manhang napatingin siya rito. "Why? You hate me right? I am a snob at kaya ka lang napalapit sa akin ay dahil mabait ka lang. Kung ganoon bakit mo ako pinipigilan ngayon?" puno ng hinanakit na tanong niya.

Bumakas ang pagkagulat sa mukha nito. "You –

"Yes, I heard you. I was there outside your office when you told him all those things. I hate you!" sigaw na niya. Wala na siyang pakielam kung mawalan man siya ng poise sa harap ng mga taong nakikiusyoso sa kanila.

"Hindi iyon ganoon! Tiffany listen to me!"

"No! Ayoko ng makinig sa iyo. Just leave me alone!" Nang mapatingin siya sa handler niya ay sumenyas itong makinig siya kay Andrew. Hindi siya makapaniwala. Sinabi niya rito ang lahat!

"Tiffany! Narinig mo ba lahat? As in hanggang sa dulo ng usapan namin?" tanong nitong bahagya pa siyang niyugyog.

"No, hindi ko na kailangang gawin iyon. Ayoko nang marinig pa ang iba mo pang sasabihin!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito pagkuwa'y huminga ng malalim. "Kung nakinig ka lang sana hanggang dulo e di sana wala tayo ngayon dito."

"Ano?" litong tanong niya.

"Just listen to me okay. I admit, sinasabi ko dati kay Clever that I disliked you, na snob ka and many rude words. But that was before I personally met you. Hindi ba sinabi ko na iyon sa iyo noong nagkasakit ka? Sinabi ko na rin sa iyong hindi na ganoon ang tingin ko sa iyo.

At tungkol naman sa sinabi kong mabait lang ako kaya kita nilalapitan, well, sorry, I know ang gago ng sagot kong iyon. Pero alam kong kapag sinabi ko kay Clev ang totoo hindi na niya ako titigilan. Siguradong aasarin ako 'non hanggang madaling araw. Pero sa bandang huli naman ay napaamin niya rin ako. I just wished you're still there to hear it pero mukhang ang mga pangit na parte lang ang narinig mo," mahabang litanya nito.

Napamaang siya rito. Bahagya na siyang nakalma at tumigil na sa pagpasag niya. Ibang klase talaga ang lalaking ito, nagagawa nitong pakalmahin siya ng ganoon. "K-kung ganoon, ano ang totoo?" malumanay ng tanong niya.

Tumitig ito sa kanya at bahagya ng niluwagan ang pagkakahawak nito sa braso niya. Masuyo itong ngumiti. "Na tama si Clever. Naiinis ako sa iyo dati dahil hindi mo man lang ako napapansin. That it took you five years before you noticed me samantalang ako napansin nakita mula pa ng una kitang makita. Ni hindi mo man lang napansin na magkatabi lang ang unit natin until recently. At tuwing nagkakasalubong tayo dati hindi mo ko nakikita. I am irritated because I wanted you to notice me just as I notice you. I wanted you to love me just as I love you," seryosong sabi nito.

Lalo siyang natulala rito. Nawindang siya sa sinabi nito. Ngunit sa huli ay nakaramdam siya ng kakaibang saya sa sinabi nito. Binitawan niya ang maleta niya at niyakap ito. "Sorry. Sorry kung ngayon lang kita napansin. I am so stupid that I always look so far away when what I am looking for is just near me. I always looking for someplace I can call home, pero nandyan ka lang pala. I love you so much Andrew," aniya in between tears.

Naramdaman niya ang pagikot ng mga braso nito sa katawan niya. Nang magkatapat ang kanilang mga mukha ay dinampian siya nito ng halik sa mga labi. Pagkuwa'y nakangiti siyang tinitigan. "If you need someplace to call home, you don't have to go somewhere. I am willing to be your home."

Ngumiti siya. "Okay."

Tumawa ito at humigpit ang pagkakayapak sa kanya. "Mabuti naman. Hindi rin naman ako papayag na umalis ka."

Sa sinabi nito ay bigla niyang naalala ang mommy niya. Awtomatiko siyang napatingin sa likuran niya. Nakangiti ito at ang asawa nito. Sabay pang nagthumbs up ang mga ito bago kumaway. Ngumiti siya sa mga ito at gumanti ng kaway.

"Pwede naman natin silang dalawin," sabi ni Andrew.

Nakangiting tiningnan niya ito at tumango. Pagkuwa'y napatingin siya sa papel na kanina pa nito hawak. "Ano iyan?"

"Ah, eto ba. Ito ang dahilan kung bakit hindi mo ako nakita sa loob ng ilang araw." Binuksan nito iyon. Natambad sa kanya ang design ng isang bahay. She felt her heart melt. "Ginawa ko ang bahay mo.. natin pala."

Tumitig siya sa nakangiting mukha nito, pagkuwa'y sa design. "it's beautiful. Bakit ang daming kuwarto? Sabi ko tatlo lang," nagtatanong na tiningnan niya ito.

He grinned. "I am planning to give you a lot of kids you know. I want you to have a very warm and noisy household. That is if you'll marry me."

Napahalakhak siya at muli itong niyakap ng mahigpit. "Of course I will."

Lumawak ang pagkakangiti nito. Bumaba na ang mukha nito para halikan siya nang may marinig silang pamilyar na boses.

"Hello? Mandy? Yes, mukhang may iuuwi ng babae si Andrew sa parents mo. Matutuwa sila."

Sabay pa silang napatingin ni Andrew sa babaeng mukhang imbestigador ang itsura. Naka-shades pa ito. Pero nakilala niya agad ito.

"Anong ginagawa mo rito kape ka?" tanong dito ni Andrew.

Lumingon ito sa kanila at ngumisi. "Napadaan lang. Sige lang ituloy niyo lang iyan bago mabitin ang mga nanonood sa inyo," sabi nito at lumayo na sa kanila.

Nagkatinginan sila ni Andrew at sabay pang natawa. "Then, let's oblige," tudyo nito at tuluyan na siyang hinalikan. Gumanti siya ng halik. At kahit narinig na nila ang malakas na palakpakan ng mga tao ay hindi sila tumigil.

Finally, she was home.

MY LONELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon