Part 2

16.9K 470 14
                                    


"KUYA, huwag mong kakalimutan ha. Anniversary nila mommy at daddy next week. Kaya kahit gaano ka ka-busy at ka-workaholic kailangan mong umuwi sa bahay,"

Napapailing na lamang si Andrew sa paulit-ulit na sinasabi ng kapatid niyang si Mandela sa telepono. "I get it Mandy. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin iyan," malumanay na sabi niya habang nakatingin sa blue print ng bahay ng isa sa mga kliyente nila.

"Kasi baka makalimutan mo. Knowing you kuya, I am sure na habang kausap kita ngayon ay naka-focus ang three fourth ng isip mo sa trabaho," argumento pa nito.

Awtomatiko niyang binitawan ang blue print na hawak niya. His sister knew him that much. "You don't have to worry so much. Alam mo naman na basta family gathering hindi naman ako nawawala hindi ba? Darating ako."

Umismid ito sa kabilang linya. "Okay fine. I know you're dismissing me already. Kuya, kapag ipinagpatuloy mo ang pagiging workaholic mo tatanda kang binata. Bye na!" anito at mabilis na pinutol ang tawag.

Saglit siyang napatitig sa awditibo bago iiling-iling na ibinaba iyon. Hindi talaga nito nakaligtaang sabihin iyon sa kanya. Tatandang binata? He's just thirty for goodness sake. Sometimes, it is really difficult to have an eccentric sister.

Nang maalala niya ang dahilan ng pagtawag nito ay hindi niya maiwasang mapangiti. Next week is their parents thirty first wedding anniversary. Taun-taon ay sinecelebrate ng mga ito iyon. At nang magkaroon na sila ng kapatid niya ng trabaho pareho ay silang dalawa na ang umaasikaso ng celebration na iyon. It has become a ritual to them.

Isa sa maipagmamalaki niya ay ang magandang samahan nilang pamilya. Their parents love each other so much even after thirty years had past. Love has always been the foundation of their family. Kaya nga malapit silang magkapatid sa isa't isa ay dahil noon pa man ay lagi ng pangaral ng mga ito na dapat magmahalan sila.

Unfortunately, hindi niya madala ang mga pangaral ng mga magulang niya sa personal niyang buhay. No matter what he does, he cannot love a woman the way his parents taught him to. But he did try his hardest. In fact, he has been in numerious relationships in the past. Ngunit nauwi rin sa wala ang mga iyon. Lalo na sa nakaraang limang taon.

Madalas iniiwan siya ng mga ito. Iisa lamang ang dahilan ng mga babaeng iyon. That he doesn't love them the way they wanted him to love them. Hindi raw siya marunong mag-alaga. At sa huli pinakinggan na lamang niya ang konklusyon ng kapatid niya. You haven't really fallen in love kuya. That's why you can give up your past relationships so easily. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Mandy. At wala siyang pagpipilian kung hindi ang paniwalaan ito. She was afterall one of the few people who knows him well.

That's why after so many years he decided to quit getting in a relationship na hindi siya sigurado. Hindi naman na siya bata para makipaglaro pa sa kung sino-sino. Ibinuhos na lamang niya ang atensyon sa pagtatrabaho. Iyon nga lang, ang madalas ng sabihin ni Mandy ngayon ay workaholic siya. But he doesn't want to fool his partner anymore. Most of all, he doesn't want to fool himself.

Napatingin siya sa pinto ng makarinig siya ng katok. Sumungaw roon si Clever, kaibigan niya at kasosyo sa Architectural Firm na iyon. "Tapos ka na bang makipag-argumento sa kapatid mo?" nakangiting tanong nito.

He chuckled. "Fortunately yes. Why?" tanong niya.

"Because we have a meeting with a client in about... twenty minutes," sabi nitong tumingin pa sa relo.

Awtomatiko siyang tumayo. "Oo nga pala. Dahil sa batang iyon nakalimutan ko na iyan," aniyang lumabas na rin ng opisina niya.

"Your sister is no longer a child," komento nito.

"For me she is," balewalang sagot niya.

Umiling ang kaibigan niya. "Kawawang Mandy. Dapat talaga makahanap ka na ng babaeng pagtutuunan mo ng pansin para hindi masayang iyang kabaitan mo pare. Kung may kapatid lang akong babae pinapikot na kita," natatawang sabi nito.

Kunot noong tiningnan niya ito. "Mabuti na lang pala at wala kang kapatid na babae," sagot niya.

Tumawa ito. "Aba, masuwerte ka nga at willing akong ipagkatiwala sa iyo ang kapatid ko kung sakali," biro nito.

Natawa rin siya sa sinabi nito. "Puro ka talaga kalokohan Clev."

"Teka ano bang pinag-uusapan niyo kanina?" pag-iiba nito sa usapan nang nakasakay na sila ng elevator pababa.

"Tungkol sa anniversary ng mga magulang namin."

"Your family is really amazing," manghang bulalas nito.

Hindi niya naiwasang mapangiti. "I know."

Bumukas ang elevator. Ang una niyang nakita ay ang matangkad at magandang babae na nakasuot ng itim na sunglasses. He knew her by name and by face but not personally. Hindi kasi ito friendly na tulad ng iba. Nang umibis sila ng kaibigan niya ay hindi tumitinging pumasok naman ito sa elevator.

"Whoa, that's Tiffany Del Valle right? The model? She's really beautiful," humahangang komento ni Clever.

"But snob," dugtong niya.

"Paganda siya ng paganda no?" komento nito na tila hindi siya narinig.

Napailing na lamang siya. Ang building na iyon ay kalahating commercial area at kalahating residential area. Sa pinakamataas na floor ito nakatira. Nasa floor na iyon ang pinakamahal na unit.

Madalas niyang makasalubong si Tiffany mula pa noong bagong lipat siya roon. Ngunit tila palaging wala itong nakikita. Ni hindi nga yata ito aware na magkatabi lamang ang unit nila. That's one of the reasons why he dislikes her. Dahil lamang isa itong modelo ay wala na itong pakielam sa ibang tao. People like her should know that they are not Gods.

"Pare, bakit parang sasabak ka sa gera sa itsura mo habang nakatitig ka diyan sa elevator?" takang tanong ni Clever. Tiningnan niya ito at nagpatiuna na sa paglakad. "Don't tell me gusto mong sundan si Tiffany? Iisa lang ang floor na tinitirhan ninyo hindi ba?" biro nito.

"No. I don't like her," sagot niya. Hindi niya itinago ang disgusto sa kanyang tinig.

"Sabi mo eh," tila hindi kumbinsidong sabi nito.

Ipinagkibit balikat niya lamang iyon. He would never like someone like her. Hindi ito ang tipo ng babaeng maaaring iharap sa pamilya niya. She's so out of reach and dazzling for him.

MABILIS lamang na naligo si Tiffany at suot ang roba ay dumeretso sa bar counter ng unit niya. Kumuha siya ng isang bote ng wine at isang baso. Binitbit niya iyon patungo sa sala. She curled up in the sofa and stared outside the large window.

Binigyan siya ni Andi ng break para sa araw na iyon. Bagay na nahiling niyang sana ay hindi nito ginawa. She would prefer a whole day of work. Para sa gabi pag-uwi niya ay matutulog na lamang siya. Hindi kagaya sa mga oras na iyon na hindi niya alam kung anong gagawin niya para mabilis na lumipas ang araw niya. Ang unang plano niya ay matulog. But then she just couldn't.

She poured herself a drink. Baka sakaling kapag nalagyan ng alcohol ang katawan niya ay makaramdam siya ng antok. Iginala niya ang paningin sa paligid. Her unit has been her home since she started modeling. But lately, she's starting to feel lonely in her own unit. Parang masyado na iyong malaki at tahimik para sa kanya. And whenever she's alone like this, she can't help the hollow sensation building up in her stomach. The sensation is so strong she wanted to throw up.

Ngunit sa tuwing iniisip naman niya kung saan siya maaring pumunta para mawala ang nararamdaman niya ay wala naman siyang maisip na lugar. Sa huli ay doon pa rin ang bagsak niya. Bumuntong hininga siya. Kaya gusto niyang pagod na siya kapag umuuwi para hindi na niya naiisip ang mga bagay na iyon.

Tumingala siya sa kisame at sinaid ang laman ng baso niya. Maraming tao ang nagsasabing napakasuwerte daw niya. Na nasa kanya na ang lahat ng gusto ng mga babae. Beauty, fame and wealth. Isa raw siyang maningning na bituin na mahirap abutin. Kung alam lang nilang lahat kung gaano kamiserable ang pakiramdam niya habang nasa pinakatuktok. Kung alam lang ng mga ito na kaya niyang ipagpalit ang lahat ng mayroon siya para sa isang bagay na gusto niya. But the only thing she wanted her whole life is the only thing she could not have no matter what she do. She could not find someplace she can call home.

MY LONELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon