Part 17

14.7K 466 7
                                    

SINAID ni Tiffany ang vodka na laman ng baso niya bago sumandal sa headrest ng kanyang sofa. Napatingin siya sa boteng malapit na niyang maubos ang laman. Mag-iisang linggo na rin siyang hindi umiinom sa gabi para makatulog. Ganoon katagal na rin niyang kilala si Andrew. Mula kasi ng sunduin siya nito sa shoot niya ay palagi na itong sumusulpot sa iba pa niyang shoot. Minsan naman ay pumupunta ito sa unit niya upang ipagluto siya o kaya ay tanungin ng kung anu-ano para raw sa design ng bahay na pinapagawa niya.

Ang mga nakaraang ilang araw ang masasabi niyang pinakamasayang araw niya sa buong buhay niya. Ipinaramdam sa kanya ni Andrew na espesyal siya. Inaalagaan siya nito sa paraang hindi niya akalaing may gagawa sa kanya. She felt so happy. Sa sobrang saya niya pakiramdam niya buong buhay niya ay ganoon siya kasaya. Nakalimutan na nga niya ang mga magulang niya, at ang lungkot na idinulot ng mga ito sa kanya noong bata pa siya.

Yun nga lang, wala silang napag-uusapan ni Andrew kung ano ba talaga ang mayroon sila. Ni hindi niya iyon magawang bigyan ng pangalan. Hindi niya tuloy magawang magkuwento kay Andi dahil nahihiya siyang sabihin dito na masaya siya. Sigurado kasi siyang tatanungin nito kung anong mayroon sa kanila ni Andrew. Pero saka na niya iisipin iyon. Deep inside her ay natatakot siyang baka may katapusan ang lahat. At alam niyang kapag tinanong niya kay Andrew kung anong mayroon sila ay may posibilidad na lumayo na ito sa kanya.

Ngayon ay bigla pang nagparamdam ang kanyang ina. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ngayong nakausap niya itong muli. Lalo pa't sinabi nitong sa France na ito titira. Kung tutuusin ay wala rin namang kaibahan kung nasa pilipinas man ito. Dahil matagal na rin naman na silang hindi nagkikita. Subalit, ang malambot na boses nito ay nakakapagpabagabag sa kanya.

Pakiramdam niya, bumalik na naman siya sa pagkabata na nakakita ng maliit na pag-asang mamahalin na rin siya ng kanyang mommy. Ang daddy niya ay hindi niya inasahan kahit kailan. Lalo pa't nasaksihan niya ang walang patumanggang pambababae nito. Malamang nasa isang panig ito ng bansa o ng mundo kapiling ang kung sinong babae, na tiyak na iiwan din nito kapag napagsawaan na. That is what her father like. Ito ang tipo ng lalaking hindi na yata makokontento sa isang babae kahit kailan.

Kumbaga kung normal lamang silang pamilya, malamang na mommy's girl siya. Iyon ay kung naging mabuting ina ito sa kanya.

Napabuntong hininga siya at muling nagsalin ng vodka sa baso. Pinuno na niya iyon at mabilis na nilagok. Hindi niya pa alam kung makikipagkita siya sa kanyang ina o hindi. Ah, hindi na talaga niya alam kung ano ang gagawin niya.

Tumunog ang doorbell niya. Patamad siyang tumayo. Susuray suray na siyang naglakad patungo sa pinto. Nang buksan niya iyon ay naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya.

Nakatayo roon si Andrew. May bitbit itong kung ano. Ngumiti ito. "Hey there, naistorbo ko ba ang tulog mo?" masuyong tanong nito.

Napahikbi siya. "Andrew," usal niya. Alam niyang malamya na ang boses niya.

Biglang kumunot ang noo nito. " Are you drunk? Ano ang problema?" concerned na tanong nito at tuluyan ng pumasok sa unit niya.

"I... I need someone to talk to," sabi niya rito. Then he hugged her. Kahit papaano ay nakalma siya nang yakap nito. Ah, she's so glad she met Andrew.

"I really don't know what to do. I don't want to see her. But a part of me wants to see her too. She's one of the reasons why I felt so miserable and lonely all these years tapos kung kailan nakalimutan ko na sila ay saka siya tatawag at sasabihing gusto niya akong makita? I don't get it," medyo bulol na sabi ni Tiffany. Kanina pa siya nagsasalita at tahimik lamang na nakikinig sa kanya si Andrew. Paminsan minsan ay hahagurin nito ang likod niya.Halos nasabi na niya rito ang buong buhay niya. Bukod kay Andi ay ito pa lang ang nasasabihan niya ng mga iyon.

"Ten years, it has been ten years. At kung kailan aalis na siya at hindi na babalik ay saka niya lang maiisip na makipagkita sa akin... o kaya ay kausapin ako. That is so unfair!" patuloy niya. Nang hindi nagsalita si Andrew ay muli niyang inabot ang bote ng vodka at pilit sinalinan ang baso niya. Bago niya pa iyon makuha ay nahatak na ito ni Andrew at inilayo sa kanya. pati ang bote.

"Give me that!" angal niya.

"Lasing ka na Tiffany. Besides hindi dapat nagpapakalasing ng ganyan ang isang babae," malumanay na sabi nito.

"I know. But I just need that. I... need that." Napahikbi siya.

Muling tumabi sa kanya si Andrew at niyakap siya. Hinagod-hagod nito ang ulo niya. "Tell me, do you love your mother?" pagkuwa'y tanong nito.

Tuluyan ng tumulo ang luha niya. "Yes. Siya lang naman ang hindi ako nagawang mahalin. Sila ni daddy. If only they loved me... kahit kaunti lang... maybe my life could have been better," aniya sa pagitan ng hikbi.

Humigpit ang yakap nito. Lalo lang tuloy siyang naiyak. Parang ang lahat ng luhang naipon niya sa loob ng maraming taon ay sabay sabay na lumabas, ayaw huminto. "If you love your mother, e di makipagkita ka sa kanya. it would make you feel better for sure," masuyong sabi nito.

"Natatakot ako."

Inilayo siya nito sa katawan nito at tinitigan sa mga mata. "Don't be. Siya na ang kusang kumontak sa iyo. That means she really wants to see you and talk to you. You might regret it kung hindi ka makikipagkita sa kanya kasi nga aalis na siya ng bansa at hindi na babalik pa hindi ba?"

Suminghot siya. "W-what if... our meeting will not turn out well?"

Masuyo itong ngumiti at pinunasan ang mga luha niya. "Kung hindi magiging maayos ang kalalabasan, you can run to me and cry all you want. Hindi kita pipigilan," sabi nito at dinampian siya ng halik sa mga labi.

It calmed her. Gumanti siya sa halik nito at yumakap na rito. "So?" tanong nito.

Bumuntong hininga siya at marahang tumango. Ngumiti ito at ipinagpatuloy ang paghalik sa kanya.

MY LONELY STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon