Chapter Six: 7/11

1K 34 0
                                    

CHAPTER SIX: 7/11
NICOLE's POV

"Oh saan ka pupunta?," sigaw sa akin ni Tita ng makita niya akong papalabas na ng bahay magaalas ocho na ng gabi. Nagluluto siya ng mga panahon na iyon kaya hindi niya ako makayang tignan ng diretso sa aking mga mata,"Wag mong sabihin gagala ka na naman sa labas! Hoy, Nicole! Sayang pangpaaral ko sayo kung gaganyan ganyan ka lang ah."

Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Malawak na nakangisi naman sa akin si Kuya habang tinitignan ang binabasa niyang manga. Loko. Eh hindi nga siya maka-top 1 man lang sa classroom tapos nakakaya niya pa akong malditahan diyan. Lakas ng loob. Buti pa nga ako eh, kahit papaano nakakapag top3. Hmph!

"Tita, papasok ako sa trabaho. Di ba nga sabi ko sa inyo last last week. Magwoworking student muna ako para makatulong ako sa gastusin sa bahay?," sagot ko sa kanya pero nakaya niya pa akong irapan,"Besides di ko naman po pinapabayaan ang aking pagaaral. Kung tutuusin nga eh next week makakasali ako sa Quiz Bee sa school. Hmm."

"Ah talaga? Puro ka talino diyan. Anong magagawa mo eh kung smart ka nga, mukha ka namang ewan. Sa tingin mo ba may tatanggap sayong kompanya kung ganyan ang itsura mo? Sayang ka talaga kahit kailan. Bahala ka na nga sa buhay mo basta wag mo talaga akong gagalitin kundi makakatikim ka sa akin" out of nowhere niyang panenermon sa akin kaya nalaglag ang panga ko. What the?! So physical appearance lang ba talaga ang labanan ngayon?

Kaya di umuunlad ang Pilipinas eh. Mga judgemental hmph.

Nagpaalam nalang ako na aalis at lumabas na ng aming bahay. Grabe this year isn't getting better. Puro gulo at puro problema ang nangyayari sa akin. Well palagi naman. Tsk hindi pa ako nasanay. Di na bago sa akin na ganyan ang pakikitungo ni Tita sa akin bilang pamangkin niya. Weird nga eh. Ang bait bait niya nga kay Kuya Ethan tapos sa akin hindi? Grr.

Ilang kalsada lang ang tinahak ko at nakarating narin ako sa wakas sa 7/11. Pangnight shift ang aking kinuha boring kasi kapag morning. Ewan basta I feel comfortable kapag gabi. Maaliwalas at tahimik kahit papaano. Isa pa, kaunti lang ang costumers.

Kaya pagdating ko sa Employee's Room, nagpalit agad ako ng damit at nagsuot ng I.D. Tumambay ako sa may cashier upang maghintay ng bibili ngunit 2 hours and 20 minutes na ang nakalipas, magisa lamang akong nakatambay sa loob at nagsusulat sa sarili kong notebook tungkol sa mga nangyari sa akin ng araw na iyon. 11:00 na subalit wala paring customers na dumadaan man lang.

"CALLIX!" biglang may sumigaw papasok ng shop kaya naalingpungatan ako at napatayo sa aking stool. Ay! Ang desperadang bakla is back to town. Meet Ezperanza ang manager kong ubod ng sungit, kapangitan, at kamalditahan. Kung irarate ko siya 1-10 siguro mga -10 kasi lagi niya akong inaaway ng walang dahilan.

O di kaya dahil lang sa maliliit na mga bagay like for example, my hairstyle.

"Anong tinatayo mo diyan? MAGTRABAHO KA!" see mukha siyang tanga? Eh wala ngang customers paano ko mafufulfill ang job bilang cashier! Wala ngang bumibili! Nakakagigil.

Nanatili nalang akong tahimik at bumalik nalang sa pagsusulat. Wala deadma lang baka mapatulan ko pa ang baklang ito eh. Kumukulo na ang aking dugo, bawal pa naman akong magwala right now o baka ano pang mangyari dito.

Imagine? Babae sinusungitan ng boss, 1 patay. Di ba? Ang pangit pakinggan. Akala ko nga tumahimik na si Ezperanza pero ng maramdaman ko ang kanyang hininga malapit sa aking tenga, napaatras ako mula sa aking kinatatayuan,"Grabe nakakagulat ka na naman!"

The Instant Cinderella ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon