Chapter Two: 18th Birthday

1.8K 47 6
                                    

CHAPTER TWO: 18th B-DAY
NICOLE's POV

Kakatapos lang ng last naming subject kaya napagisipan ko ng dumiretso sa Music Room para makapag audition sa Singing Competition dito sa aming school na may bonus pang: makakalaban rin namin ang iba pang mga estudyante sa kabilang campus. Grabe sana mapili ako, para naman maexperience ko ang makapag perform sa harap ng maraming tao gamit ng aking gitara. Sobrang nakakakilig!

Kaso sa pagdating ko sa Music Room naabutan kong walang kapila pila sa harap ng kanilang pintuan. Wala bang interesado na sumali kundi ako? Hmm.

"Sayang", biglang lumabas sa kuwarto si Evan na may bitbit-bitbit na mga papeles na ang hula ko ay mga lyrics ng kanta. Linapitan ko siya at binati,"Oh pre? Nakapag audition ka na?"

Tinignan niya ako ng nakapout at cross arms, anyare ba talaga huh? Ang lungkot naman ng GGSS na ito ngayon,"Cancelled yung auditions, wala daw kasi yung mamimili eh. Next time nalang daw tayo bumalik."

Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinambit. So ibig sabihin may pagasang pang ma-resched yung auditions? Pwedeng pang sumali? Grabe naman ang lalaking ito, sobrang nega may next time pa naman,"Ganun ba? Oh bakit ka malungkot? Hindi naman nila iyon kinansel ng tuluyan ah? Don't worry pre bawi nalang tayo sa next auditions. Wag ka na ngang malungkot, mas lalo kang pumapanget eh."

Ngumuso siya sa aking pangangasar kaya tumawa nalang ako,"Sayang kasi yung effort ko sa pagprapractice. Todo ensayo kaya ako kahapon, di nga ako nakatulog ng maayos tapos ganito lang pala ang mangyayari?"

"Ngayon? Ano ka ba parehas lang naman tayo eh. Ako nga walang pang ibang bumabati sa akin ng happy birthday pero umaasa parin akong may babati parin kahit late na. Ikaw pa kaya? May next time pa pre. Fighting lang!", sabi ko sa kanya sabay hawak sa kanyang braso kaya tumingin siya sa akin.

"Birthday mo?", tanong niya na para bang hindi makapaniwala,"Bakit ngayon ko lang nalaman?"

"Tsk ang sabihin mo, hindi mo lang naalala", pangungutya ko sa kabila ng kanyang natatarantang mukha,"Why so serious naman? Kanina ang lungkot lungkot mo tapos ngayon mukha ka ng matatae."

"Sinong hindi mukhang matatae, kung ikaw bilang isang kaibigan nakalimutan mong ngayon ang pinakaimportanteng araw ng bestfriend mong baliw? Damn sorry, Callix. Sorry talaga".

"Grabe pwedeng isantabi mo muna yang mga sorry mo? For goodness sake, it's my birthday today. Can't you be a little happy naman? Nakakasira ng goodvibes, lalo na yang natatae mong mukha", pangungutya ko,"So paano basketball na tayo? I'm bored. Halika na please..."

Tumingala siya at nagkamot ng ulo habang hindi parin maipinta ang malungkot niyang mukha. Grabe ang nega talaga ng lalaking ito,"Fine, Callix. Pero promise, babawi ako."

Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpatuloy nalang sa paglalakad papunta sa Open Basketball Court ng XEU, doon nakatambay ang kanyang iba pang mga kaibigan kasama ang kanilang mga babae. They know me well, pero hindi ko sila trinato bilang totoong kaibigan. Actually, last semester ko pa lang sila nakilala isa isa.

Although di kami gaanong close, hindi naman malamig ang pakikitungo nila sa akin. They're pretty much open minded people, kaya I have no problem with interacting with them.

"Musta, mga pards?", bati sa kanila ni Evan sabay tingin sa akin,"Naalala niyo pa ba si Callix? She wants to play with us right now, pwede ba yun?"

The Instant Cinderella ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon