CHAPTER FIFTEEN: HATID
✘ NICOLE's POV ✘Inabot ko kay Mr.Bad Guy ang isang balot ng Choco Mucho sabay ngiti. Grabe siguro naman pagkatapos ng lahat na nangyari ay magbabati na kami at hinding hindi niya na ulit ako papahamakin o kundi, aawayin. Nanatili siyang nakangisi at dahan dahan na kinuha ang bagay na nasa aking kamay,"What's this?"
"Pasalamat. Dahil linigtas mo ako," I answered at binaling ang atensyon ko sa mga pagkain na nakahanda sa mesa, wait may pabirthday ba? Sobrang dami naman kasi eh,"By the way, pagkatapos nito, aalis na kami ni Rhiane. May kailangan pa kasi akong puntahan. Salamat talaga."
"I can't accept this, hindi naman ako humihingi ng kapalit. Besides, I don't eat chocolate -- magkakadiabetes ako nito" sabi niya at seryoso akong tinitigan. Grabe diabetes agad? Pwede sasakit lang muna ang tiyan o di kaya magtatae? OA naman ni Kuya.
"Tanggapin mo na, nahihiya ka pa eh. Hindi ako sanay na makita kang ganyan. Can't you just turn on your Asshole Button for awhile and accept my gift. Hindi kaya bagay sayo ang maging shy type" natatawa kong sambit kaya napangiti siya ng slight. Ay kunwari pa talaga ang isang ito. Tatangapin parin naman pala psh.
"Thanks."
"Ah sige, aalis na ako. Kailangan ko naring umuwi eh. Salamat ulit atsaka ingat. Halika na, Rhiane. Sabay ka na sa akin" pagpapaalam ko at akma na sanang tatalikod subalit pinigilan ako ni Mr.Bad Guy. Ay may farewell speech pa? Talaga lang?
"You should eat first, pinagluto kita. You can't starve along the way, hindi ba? Please saluhan mo na kami. Para sayo talaga ang lahat ng iyan" diniin niya ang kanyang kamay sa aking braso ngunit agad rin akong nagpumiglas. Wait, bakit ang bait niya sa akin ngayon? Sinapian ba siya ng anghel or what?
"No, Riley. I can't, kailangan ko ng umuwi. Salamat pero I just really need to go baka mahuli pa ako sa aking pupuntahan. Bye" tipid kong sagot sabay labas na ng kanilang mansion. Hindi ko na siya nilingon pa ulit kasi alam ko naman kung anong mukha ang ibibigay niya sa akin -- shookt.
"You know his name?" tanong sa akin ni Rhiane habang naghihintay kami ng taxi sa labas ng subdivision nila Mr. Bad Guy dito sa Forbes Park. Grabe nga naman talaga noh kapag mayaman ka? Tsk sana nga pinanganak nalang akong rich kid para makuha ko lahat ng aking gusto pero hindi eh so what can I possibly do?
"Hindi ah. Rinig ko lang na tawag sa kanya yun ni Renze. It's his real name right?," sagot ko habang nagpapara ng isang taxi,"Tulungan mo kaya ako!"
Tumango nalang si Rhiane at sinundan ang aking sinabi. Makalipas ng ilang oras nakasakay na kami ng sasakyan papuntang SM Makati, may bibilhin kasi sana ako sa National Book Store. You know, mga wattpad books. Dati ko pang pinapangarap na magkaganito pero hindi ako pinapayagan ni Tita kasi wala naman daw yung kuwenta.
Me be like,"Hindi ah! Nandoon ang mga asawa ko, paano na?"
Well, naiintindihan ko naman siya. Pero bakit? Kahit na addicted ako sa Wattpad, I still have time for my studies. Hindi lang naman ako puro basa ng basa tungkol sa aking mga asawa. I mean it's normal di ba? Asawa ko sila, I need to support them for goodness sake. Agree?
Nang makababa na kami ni Rhiane sa aming destination, agad na akong dumiretso sa NBS para bumili ng libro. Tinignan ko syempre ang price, ang bibilhin ko kasi sana ngayon ay 'Karmic Hearts' noong nakita ko kasi yun sa FB page ng PopFiction nainlove na agad ako sa kagwapuhan ni Cupid. Grabe kung mayaman lang ako, naibili ko na lahat sana ng gusto kong Wattpad Books kaso wala eh, poor kasi ang ate niyo.
"195?" basa ko sa price na nakalagay sa libro subalit ng tignan ko ang aking wallet ay ako'y kulang pa ng eksaktong limang piso. Ano ba ito?! Badtrip naman eh! Kinausap ko syempre si Rhiane kung may barya pa siya kaso ang sabi naman niya ay tama lang pera niya sa kanyang bibilhin naman na calligraphy pen.
Like, what the heck? Bad luck na naman ulit ba?
Pinagmasdan ko ang aking buong paligid hoping na sana may kakilala ako dito na pwedeng utuangan man lang subalit wala eh, mukhang hindi na ako makakabili pa ng libro ng ito. Aish bahala na nga! May next time pa naman, tiwala lang. Fighting!
Habang naglalakad papunta sa part ng NBS kung saan puro magazine ang nakadisplay, naaninag ko ang isang babaeng kanina pa nakatingin sa akin ng masama. Syempre nagkatitigan kami pero grabe hindi talaga siya umiwas man lang o di kaya binaling sa iba ang kanyang pansin. Nakasuot siya ng maiksing red dress at black high heels. Short hair din siya, matangos ang ilong, makinis at meztisa. Maganda siya. Inirapan niya ako makalipas ng ilang segundo kaya ako ay nagulat.
Ay, galit? Siya nga diyan yung nauna eh. Problema nun?
"Callix, halika alis na tayo. Nabili ko na ang dapat kong bilhin" sulpot bigla ni Rhiane kaya lumipat naman ang tingin ko sa kanya. Errr.
"Eh pwede mo rin bang bilhin ang dapat kong bilhin para kwits naman. tayong dalawa?," sabi ko kaya kumunot ang kanyang noo. Tumawa nalang ako at muling nagsalita,"Hindi joke lang. Halika alis na nga tayo, ayoko ng mahaba na pila."
Ay grabe, bakit minsan ang lakas ng trip ng mga tao ngayon?
Mabilis akong naglakad papunta sa pilahan ng taxi ngunit habang nakikipagusap ako kay Rhiane na ngayon ay makikisabay ulit sa akin, bigla akong napatalon dahil sa isang busina ng kotse. Tumigil ito sa harap namin at ng marinig kong kumalabog ang pintuan sa driver's seat agad ko nadungaw ang ulo ni Mr.Bad Guy. Nakasuot siya ng leather jacket, white shirt, at pants.
May nalalaman pang pa-shades si Kuya. Yes, stylish.
Naaninag ko rin sa loob ng kotse ang iba niyang kasama na mukhang tinitignan rin ang aking magiging reaksyon.
"Hatid na kita" sabi ni Riley kaya ako'y nagulat ng bahagya. Parang dati lang inaaway ako nito tapos ngayon ihahatid na niya ako? Improving. Siya ba talaga si Mr.Bad Guy na aking nakakaaway dati?
"Hindi na kailangan. Kaya na namin ito" sabi ko at akma na sanang tatalikod subalit hinablot niya ang aking kamay.
"No. I'll take you home, and you better thank me for it, love. Better safe than sorry" niya at hinila ako papasok ng kanyang kotse. The next thing I knew is, papalapit na kami ng papalapit sa aking bahay.
Vote and Comment ツ
©babaengpatatas
(Sorry but I have to focus first on my studies, that's why I can't give you continuous updates for this week. Please do understand, thanks)
BINABASA MO ANG
The Instant Cinderella Contract
Novela JuvenilWARNING - SPG: contains mga super poging gangsters, read at your own risk /Azen Del Mercedez/ This is Nicole Athena C.Reyes, silent but deadly. She got the angst, swag, and unladylike personality. Unlike the other girls who are categorized in eithe...