CHAPTER ONE : CALLIX
✘ NICOLE's POV ✘"Good morning, ate,"biglang naalidbadbaran ako sa isang tunog na aking narinig mula sa dulo ng aming sala. Ramdam ko ang hangin na galing sa nakatutok sa aking electric fan at ang maagang pagiingay ng mga manok sa labas,"Happy birthday! Ayie dalaga na siya."
Ramdam ko ang biglang paghaplos ng mataba kong pinsan na si Gwen sa aking makapal na buhok. Actually, kanina pa siya nagiingay para gisingin lang ako kaso sadyang nakakapagod lang talaga ang mga nangyari kagabi kaya I just ended up continuing my sleep. Paano ba naman kasi? Ikaw kaya yung mag night shift sa 7/11, tignan natin kung di ka maantok dun.
Agad akong bumangon at umupo sa sofa. Tinali ko muna ang aking buhok ng pataas bago pagtuonan ng pansin ang pinsan kong may hawak hawak na mamon na may nakalagay na kandila sa itaas. Grabe sa sobrang busy ko, nakalimutan kong birthday ko na pala ngayon. Ohmyghad!
"Babyboy, saan galing yung kandilang yan? Mukhang laspag na ah?" tanong ko habang hinahawi ang aking bangs.
"Nakita ko lang sa lagayan ng toolbox ni Kuya Ethan, maayos pa eh kaya ginamit ko. Wag kayong magalala, Ate. Hinugasan ko naman yan kaya hindi na siya gaanung madumi" inosente niyang sabi kaya humalakhak ako at yinakap siya ng mahigpit.
"Thank you, babyboy," pasasalamat ko sa kanya bago tuluyang halikan siya sa pisngi,"Akyat muna si Ate sa taas ah. Maliligo lang ako, dito ka lang, okay?"
"Copy that!" sagot niya bago lumundag papalayo ng sala papunta sa aming maliit na kusina upang kumuha ng pagkain. Ang takaw naman nito! Kaya nananaba ng husto geez!
Nagbihis ako sa kuwarto ni Kuya habang patuloy na kinakain ang binigay sa aking mamon na may nakalagay pang nips sa taas. Grabe ang ganda naman ng cake ko! Sino pa kaya ang babati sa akin mamaya? Exciting!
Oh, please note the sarcasm though.
Pagkatapos kong pumili ng susuotin na damit which is plain white shirt, ripped jeans, cap, at pinaglumaan ng rubber shoes ni Tita, kinuha ko narin ang aking backpack at lumabas na ng room. Doon ko naabutan namang nakaupo si Kuya sa sofa habang pinapatugtog ang gitarang binili sa akin ni Mama noon. Aish pakilamero! Sabi ngang wag gamitin yun eh!
"Kuya!" bati ko sa kanya sabay hatak sa gitarang kanyang bitbit-bitbit. Umigting ang panga niya at tumingin sa akin gamit ng namumula niyang mga mata. Grabe kung anime lang talaga siya, bagay siyang maging Yandare. Porma pa lang, pwede na!
"Respeto! Bakit mo kinuha eh nakita mo na ngang ginagamit ko pa?" iritado niyang sigaw sa akin ng nakakunot ang noo. Grabe so ako pa talaga ang may kasalanan? Loko din pala ito eh!
"Woah excuse me, sino ba sa atin ang ginamit ito ng walang paalam? Di ba, ikaw? So back off! Eh wala nga akong naalala na pwede mo itong hawakan or patugtugin. Lakas mong makaarte na ikaw ang biktima ah!" sigaw ko naman sa kanya kaya mas uminit ang kanyang pisngi.
"Back off my ass! Babatiin kita sana sa birthday mo eh, kaso ginagalit mo ako! Bahala ka na nga diyan! Yabang!" aniya at lumubas na ng bahay. Grr umagang umaga iniinis na agad ako ng lalaking ito. Can't he be considerate naman?! Jusme once in a year na nga lang ako magbirthday eh. Hindi ba pwedeng isantabi muna niya ang kanyang galit? Kaloka myghad.
Hindi ko na siya pinilit pang makipagbati sa akin. Kung ayaw mo, wag mo! Hindi ako yung tipong ipagpipilitin pa ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. Sayang ang effort, sayang sa energy! Kaya imbes na magtampo sa suplado kong kuya, lumabas nalang ako ng bahay at naghintay nalang ng Jeep papunta sa school ko. Aish akala mo kinagwapo niya ang pagiging suplado.
Kaya habang pasakay na ng jeep bitbit- bitbit ko parin ang aking gitara, baka kasi masira pa ito sa bahay. Or worse, baka itinda pa ito ng Tita kong loka loka. Mahirap na noh! This means so much to me, ito na nga lang yata yung nakasabay kong lumaki simula nung ibigay siya sa akin ni Mama. Seems weird right? Pero sa totoo lang, kahit kailan wala pa akong naging kaibigan talaga na nakasabayang tumanda o lumaki. Different kasi ako. Hindi ko alam kung bakit.
Wala na ba talagang place ang mga boyish na girls sa mundo ng mga nagagandahang babae?
Wala na ba talagang place ang mga mahihirap sa mga mayayaman?
Well okay, sa private school kasi ako nagtatake ngayon ng College. You know, yung tipong pang mga richkids lang? Di ko alam kung paano ako napagaral dun ni Tita basta ang alam ko lang, my number one priority of staying there is to study hard and make sure that I'll be able to graduate with a degree. Naks mukhang napaEnglish ako dun ah.
But anyways, yun nga. Kahit gaano pa ako kabait at katalino sa mga kaklase kong lahi yatang mga demonyo, I still wasn't able to fit in at Xavier Elite University. Grabe eh mukha yatang ipis ang tingin nila sa mga mahihirap dun. Kung hindi linalayuan, linalait. Di ba ang violent?
Well, ako naman kasi. Hindi nila ako inaasar. Hindi rin nila ako linalayuan. Ako kasi yung mailip hindi sila. I know that they won't like me, so why bother? Mas mabuting ako na ang umiwas sa gulo. Besides kung may balak man silang ibully ako. Damn I can protect myself all alone, you know. Aba palaban yata toh!
Nang makababa na sa aking destination or I mean, school. Alam ko na agad ang kahahantungan ng araw ko! This is going to be quite tremendous day! May audition para sa Singing Competition sa ibang school! Excited! Sana matanggap ako kahit this time lang. Sayang ang opportunity.
"Uy, pre!" rinig kong may tumawag sa akin kaya lumingon ako sa kinaroroonan ng boses na iyon at sa hindi inaasahan, nakita ko bigla si Evan, ang aking kasama sa Music Club at isa rin sa mga Varsity dito sa aming school. Gwapo siya at matipuno, pero di ko siya type! Kadiri.
"Oh mukhang shocked ka yata? Gulat ka ba sa bigla kong pagpaparamdam, Ms. Callix?,"sabi niya ng nakataas ang isang kilay habang nakangisi," Mukhang napatigil ka nang dumating ako eh! May epekto ba? Crush mo na ba ako?"
Bigla akong napatigil sa kanyang sinabi. Umm excuse me?
"Eww di kaya tayo talo! Alalahanin mo sabay pa tayong naghanap ng chix kahapon di ba? Remember? Walang ganyanan pre,"asar ko sa kanya sabay tawa ,"Mukhang nababakla ka na eh!"
Malawak niya akong nginitian at kinurot ang magkabila kong pisngi,"Aish ang cute mo talaga eh noh? By the way, alam mo na ba ang tungkol sa auditions mamaya? Good luck, okay?"
"Good luck rin! Fighting!" sabi ko at nakipag high five sa kanya.
"Tsk that's my girl. At isa pa pala, mamaya magbabasketball kami ng barkada, wanna come? Kung libre ka, pero kung hindi... ililibre mo ako sa Monday, deal?" he teased at nagpout bigla.
"Talaga? Ah sige pupunta nalang ako! Grabe matagal na akong di nakakapag basketball, baka isang araw mawala yung skills ko kaya go na lang. Oh sya mamaya nalang ulit huh? Maglolocker pa ako eh. Ingat ka, Evan! Kitakits" paalam ko na bago tuluyang umalis papunta sa mismong campus ng XEU.
So Evan and I became friends since we were in 4th year highschool. 2 years na. Siya nga lang yata ang naging kaclose ko buong year eh, but still hanggang ngayon hindi niya parin alam na ang totoong pangalan ko ay Nicole not Callix. Callix, well, is just a nickname. Ginagamit ko ito often para itago ang aking real identity. FYI, my Dad's a criminal madami ang gusto siyang patayin including, of course, his family. One example of that is mom. Kaya nung mamatay si Mom, naisipan niyang iwanan ako at si Kuya para hindi na kami mapahamak pa or matrack ng kanyang mga kalaban. Although we've been safe for years now, patuloy ko parin dapat daw gamitin ang pangalan na Callix. No one has know about who I really am. Because some people are born to be back stabbers and liars.
Di mo alam kaibigan mo na pala ang nanloloko sayo. Kaya for my sake, I have to keep my real name a secret.
To avoid things that will lead me to harm.
Or things that are even worse.
Vote and Comment シ©babaengpatatas
BINABASA MO ANG
The Instant Cinderella Contract
Genç KurguWARNING - SPG: contains mga super poging gangsters, read at your own risk /Azen Del Mercedez/ This is Nicole Athena C.Reyes, silent but deadly. She got the angst, swag, and unladylike personality. Unlike the other girls who are categorized in eithe...