CHAPTER ELEVEN: NERD!
✘ NICOLE's POV ✘4 days na ang nakalipas simula nung pagtatagpo ulit ng landas namin ni Mr.Bad Guy, and as of now, wala pa namang nangyayari ulit na kababalaghan dito sa aking life. Same old routine, walang thrill na buhay at syempre walang katapusan na panenermon ni Tita Aida. Kahit na iritang irita na ako sa mga nangyayari these past few days, I have nothing to do about it.
I'll just go with the flow, gaano man kataas ako dalhin ng alon. Atleast, fighting parin, hindi ba?
Kakatapos lang ng panenermon ni Tita kay Kuya Ethan kaya siguradong ako naman ang susunod. Ngunit laking gulat kong nalaman ng lumabas narin siya kasunod ni Kuya kaya lumabas narin ako. Yehey mukhang maganda ang kakalabasan ng araw na ito ah? Yes sana nga.
Habang kumukuha ng pagkain sa refrigerator which is ang paborito kong Choco Mucho, biglang narinig kong tumunog ang cellphone ni Tita Aida na nakapatong sa taas ng ref. Syempre dahil pakilamera ako, agad ko itong dinampot ng hindi man lang nagpapaalam.
Notifications: You received a new message from Del Mercedez Crowning Corporation >o<.
Read now | Decline."Anuto?" bulong ko sa aking sarili at binuksan ang message na iyon upang malaman ang nakalagay dito. Hindi naman siguro iisipin ni Tita na binasa ko ang text niya dahil siguradong pagkatapos ko itong basahin isiswitch ko ang setting to Unread. Kaya hindi niya ito mahahalata. Hmm.
Bago ko icheck ang bago niyang message sinave ko muna yung number sa aking phone atsaka nagback read. Alam niyo na, kailangan ko kasing malaman kung connected ba ito sa pinagusapan ni Tita at ng isang sexy na babae last week. You know, curious lang. Hikhik.
After, reading their previous conversation. Itinuon ko na ang aking pansin sa bago nitong chat. Confirmed, ito nga yung babaeng nakausap ni Tita dati and they're planning to have a meeting next next Saturday sa Okada Manila, isang mamahaling casino sa may bandang Parañaque City.
Message Content:
Meeting, Full Details:
Place: Okada Manila - Pearl Wing Lobby, Parañaque City.
Date: July 22, Saturday
Time: 7:30 pmOther details: This meeting is regarding the deal between Mr.Karios Reyes and Mr.Liam Del Mercedez, about the arranged marriage of their son and daughter, Azen and Nicole. The official contract signing will be held on that day, so please make sure that you will be present on the said date. Thank you.
Sincerely Yours, Secretary. Rosé.
Arranged Marriange? What the heck? Sino si Azen at bakit included dito ang pangalan ko? No way. Imposible naman sigurong ibang Nicole ang tinutukoy sa message na ito di ba? Anak daw ni Karios Reyes eh! Bakit may iba pa ba siyang anak bukod sa akin. Fuck. Fuck. Wala talaga akong maintindihan.
Magpapakasal ba talaga ako? Or wait, di kaya nagkamali lang ako ng pagbasa? Pero hindi eh, paulit ulit ko ng binasa ang content ng text na ito. So freaking impossible. I'm too young to get married. At ang malala, sa isang tao pa na hindi ko kilala. Grrr. Kung tuloy man ang pagpunta ni Tita dito, its only me who can stop her from going there. Sino ba kasing loko loko ang nagpasok sa akin sa kasunduan na ito?
I need to stop this nonsense! Grabe, my life really is a big mess. Agree?
"Nicole?," bigla akong naalidbadbaran ng marinig ko ang boses ni Tita Aida na papasok na ng kusina,"Nasaan ka?"
Muntik ko na ngang mabato yung phone niya sa sobrang gulat eh buti nalang ako yung tipong marunong sumalo ng isang bagay kapag ito'y nahulog. Di tulad ng iba, noh? Haha.
Pinatong ko agad ang kanyang cellphone sa refrigerator at inayos muna ang aking sarili habang nagkukunwari paring kumakain ng Choco Mucho, buti nalang at namark ko na as unread yung message na iyon kundi malalagot talaga ako ng pak na pak. Hashtag skilled.
"Anong ginagawa mo diyan? Hindi ka ba papasok ng school?," tanong ni Tita Aida pagpasok palang niya ng kusina, nakakunot ang kanyang noo at may bitbit na paperbag galing ng SM,"Kumain ka na ba?"
"Umm p-paalis na po t-talaga ako, actually. Ah s-sige bye Tita. Ingat kayo sa bahay, atsaka nakapatong na po pala sa cabinet yung pera na pangbayad sa MERALCO. Yun lang, sige alis na po talaga ako hehe" natataranta kong pagpapaalam ngunit biglang niyang hinawakan ang aking braso.
"Samahan mo ako sa SM Makati mamaya. May bibilhin tayo, ingat ka rin. At kung pwede, umuwi ka ng maaga, okay?," pahabol niya bago ako tuluyang bitawan,"Good bye, Nicole."
She looked at me for the last time atsaka dinampot na ang kanyang cellphone sa kung saan ito nakapatong. Grabe nakakapanibago, dati kasi kapag pumapasok si Tita sa kusina binubungangaan niya na agad ako sa hindi maipaliwanag na rason. Pero ngayon, aba! Isasama pa ako sa kanyang lakad sa SM. Tsk, si Tita ba talaga yun?
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako bigla ng napalakas na boses ng isang babaeng humihingi ngayon ng tulong. Syempre medyo natigilan ako ng saglit, nakaearphones na ako't lahat rinig ko parin ang sigaw niya eh. Ay siguro kasalanan na naman ito ng mga adik sa amin. Ano? Tulungan ko na ba?
"Please wag po! Wala lang talaga akong pangbayad ng utang ngayon huhu! Tulong!," sigaw nito kaya lumapit pa ako lalo sa isang madamong bakuran kung saan ko naririnig ang kanyang malawakang boses,"Promise magbabayad na ako bukas!"
"Ow talaga?! Dati pa yang bukas na yan ah pero hanggang ngayon ano?! Hindi ka parin nagbabayad," isa namang boses ng lalaki ang rinig kong bumalot sa tahimik na damuhan kaya nairita pa ako lalo ng slight. Such an idiot pati babae pinapatulan,"So tell me, should I miss this out? Hindi!"
"Hoy, tigilan niyo siya" sigaw ko ng makita na kung saan nagmumula ang mga boses na kanina ko pa naririnig. Isang nerd, at apat na mga lalaking nakaschool uniform pa. Grabe akala mo naman kung sinong mayayabang. Porke't mayayaman, kailangan ng umasta na parang sila ang nagmamayari ng mundo? No, I won't let that happen.
Biglang binitawan ng lalaking iyon ang nerd kaya ito'y nahulog sa lupa. Puno siya ng sugat, gasgas, at mga pasa kaya mas lalo akong naawa sa kanyang kalagayan. Merciless people. How dare they?
Gusto ko sana siyang lapitan ngunit biglang humalakhak ulit yung lalaking kanina pa siya inaaway. Namumula ang mga mata nito at nginitian ako na para bang kung sinong demonyo. Piss and shit.
"Ikaw pala, Ms.Whoever you fucking are" sabi nito at patuloy na ngumisi,"Did you came here just to be like her?"
What the fuck. He's terrible.
Vote and Comment ツ
©babaengpatatas
BINABASA MO ANG
The Instant Cinderella Contract
Novela JuvenilWARNING - SPG: contains mga super poging gangsters, read at your own risk /Azen Del Mercedez/ This is Nicole Athena C.Reyes, silent but deadly. She got the angst, swag, and unladylike personality. Unlike the other girls who are categorized in eithe...