Chapter Twelve: Throw It!

905 30 0
                                    

CHAPTER TWELVE: THROW IT!
NICOLE's POV

"Ikaw?!," naiirita kong sigaw sa kanya ngunit patuloy parin siya sa pagtawa,"Sino ka ba huh? Porke't madami kang kasama nakakaya mo ng saktan ang isang tao? At ang malala, babae pa? Can you stop hurting her?"

Lalapitan na ako ni Mr.Bad Guy ngunit pinigilan siya ng lalaking may red hair. Binulungan siya nito bago tuluyang umabante papalayo sa akin. Ginulo niya ang kanyang buhok at sobrang seryoso ng pagkatingin niya sa kinatatayuan ko. Mali ito eh. Alam kong mapapahamak ako kapag tinulungan ko si nerd, ngunit di naman pwedeng magpatay malisya lang ako hindi ba?

Feeling ko kasi, once na may pinabayaan akong nangangailangan para bang kasalanan ko narin kung bakit sila nasa sitwasyon na iyon. I don't like seeing others suffer because of ignorance. I don't want to stop caring. Kaya ko siguro nakayang tulungan si nerd kahit na alam kong ako naman ang magiging biktima ng hayop na ito.

That's why, imbes na matakot sa kung anong pwedeng susunod na mangyari hindi ko na inisip pa kung anong magiging reaksyon ng apat na lalaking ito sa akin. Instead of being a coward, linapitan ko si nerd at tinulungan siyang makatayo mula sa pagkakahulog sa putikan. And as expected, nung tumingin ulit ako kay Mr.Bad Guy... masama ang kanyang pagkatitig sa akin.

Well what do you expect, right?

"You're crazy," sabi niya na may kasamang ngisi,"Do you know the consequence of helping her? Sa tingin ko hindi pa. But do you have any clues kung anong pwede kong gawin sa mga pakilamerang katulad mo? Nope."

Tinaasan ko lang siya ng kilay at kahit na mukhang gustong gusto niya na akong sapakin and whatsover, linapitan ko parin siya. Yeah, that's how brave I am. Palaban nga, di ba?

"Fuck you" yan lang tangi kong naisagot sa mayabang niyang bibig. Nagulat syempre si Mr.Bad Guy at mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Asshole. Lakas maka gangster eh.

Alam niyo? Kung nagkataong siya si Azen, nako I'll be willing to receive multiple headshots. Mas mabuti pang mamatay ng maaga kesa sa maging fiancé niya noh! What a fucker.

"Too easy for you to say that word, but nevermind. Kung sa tingin mo talaga na tama ang ginawa mo then fine hahayaan kita. Pero kung may isa mang bagay na hindi ko hahayaang mangyari, yan ay ang magtakas ka mula sa akin. You don't know me, C-callix," sabi niya kaya nagulantang ako sa aking nalaman. He knew my name? Pero paano at kino galing ang information na iyon? Damn this guy,"See you soon, love."

Isa isa silang umalis ng kanyang mga alagad. Shit, no way. Is he even spying on me? Bakit niya nalaman ang mahiwaga kong pangalan? Nah, nevermind. Its just a nickname lang naman. A fake identity. Imposibleng malaman niya lahat ng tungkol sa akin lalo na't hindi nama iyon ang tunay kong pangalan. All for show. Kaya, don't me, kuya!

"Okay ka lang ba?," humarap na ulit ako kay nerd ng sa wakas napagtanto ko na kung ano ang mga nangyayari,"Well obviously, hindi. Pero bakit nila ito ginawa sayo? Baliw na ba sila, huh?"

"Okay lang ako pero inaalala lang po kita, Ms. C-callix," sabi niya sa akin na medyo nanginginig pa ng kaunti,"B-baka maging biktima rin po nila k-kayo!"

Natulala ako sa kanyang naging reaksyon. Grabe ano ba kasi yung mga lalaking yun? Rapists ba sila? Holdaper? Bakit parang lahat nalang ng tao kinakatakutan ang mga mokong na iyon? Maski nga nung nasa mall kami halos lahat ng mga taong nandoon, parang kinakabahan at walang masabi.

Sino ba talaga kasi sila?

"What are you talking about? Anong meron? Bakit naman nila ako magiging biktima?," tanong ko at inalalayan siya sa paglalakad,"Kung meron ka man dapat alalahanin ngayon yun ay ang sarili mo. Tignan mo kaya, mas nakakaawa ka pang tignan kesa sa akin. Kung ako tatanungin, sumama ka nalang sa akin at para madala kita sa clinic. Grabe kalunos lunos."

"Hindi niyo po ba man lang tatanungin sa akin kung sino yung inaway niyo kanina lang. Di ba kayo natatakot? Di niyo po ba siya kilala?" natataratanta niyang tanong ng nakanguso. The hell do I really need to know who he is?

"Hindi na. Besides my number one priority here is to save you di para kilalalin kung sino yung gago na iyon. Kaya halika na bago pa ako mawalan ng pasensya sayo. Dami mong tanong eh," sagot ko bago siya tuluyang iaalis sa naturang lugar na iyon.

♠♠♠♠

"Class dismissed. Maari na kayong umalis. Good bye, class" sabi ni Ms.De Guzman kaya inayos ko na agad ang aking gamit bago tuluyang umalis ng kuwarto. Wow seems like yesterday lang nung linigtas ko si Nerd ngayon kaibigan ko na siya. Di ba ang galing? Actually, sabi niya kasi bilang reward daw sa ginawa kong pagtulong ay sasamahan na raw niya ako araw araw.

Pati rin kasi siya 'loner'. Kaya nga halos matuwa ako ng malamang may bago na akong kaibigan eh.Di ba ang saya?

That's why after ng class ko which is Math, agad na akong dumiretso sa canteen para salubungin si Rhiane aka nerd. Exempted kasi ako sa next kong subject pati rin siya kaya habang wala kaming ginagawa, we will hang out muna sa canteen for a little while habang gumagawa ng assignments.

"Uy, aga mong nakalabas ah?," bati ko sa kanya ng makadating na sa aming table,"Ano yan?"

"Oo nga eh. Wala kasi yung teacher namin. Eto? Ah scrapbook ito, wala lang trip ko lang gawin. Boring kasi atsaka hindi ko dala yung mga paborito kong libro kaya wala akong masyadong magawa. Ikaw? May gagawin ka ba?"

"Wala rin. Absent din yung mga teachers ko sa ibang subject kaya walang kuwenta Grabe. Ay alam ko na, may kaibigan ako si Evan. Di ba nakuwento ko na ang tungkol sa kanya? Wala rin yata silang ginagawa ngayon kaya siguradong tumatambay ulit yun sa basketball court. Ano? Ipakilala na ba kita sa kanya? Gwapo daw yun. Para atleast madagdagan naman yang friend list mo noh."

"Mabait ba siya?"

"Ay, grabe. Sobrang bait nun. So ano halika na?" anyaya ko sabay tayo mula sa aking upuan at nagstretch.

Tumango siya at sinundan ako papunta sa court ng XEU. As expected nandoon nga si Evan kasama ang kanyang mga katropa. Nakipagappear silang lahat sa akin at masaya akong binati,"Hey there, Callix baby! Mukhang mas gumwapo ka yata ah?"

"Oh talaga? Bakit nababakla ka na naman noh?," pangaasar ko sabay ngisi,"Tsk matagal ko ng alam. No need to inform me again, bruh."

Ngumiti lang siya sa akin pabalik at kinuha ang bola na hawak hawak ni Jaxson,"So ano? Laro tayo? I miss watching you play, man."

At dun nga kami nagsimulang maglaro, si Rhiane naman napagdesisyonang manood lang sa may bench at panuorin akong mag laro. Siya na daw ang bahalang mag cheer sa akin kaya hinayaan ko nalang siya sa kanyang naisip na gawin. Lmao.

"Throw it!" sigaw ni Evan kaya binato ko papunta sa kanya ang hawak hawak kong bola. 3rd quarter na at medyo nalakasan ko yata ang pagpasa nung bola kaya tumama ito sa bubong ng court hanggang sa mahulog sa ulo ng isang lalaking kakapasok palang sa venue. Natigilan kami sa paglalaro ng malaman kung sino ang taong pumasok sa court.

"Fuck" rinig kong sabi ni Evan ng iangat nung lalaki ang kanyang ulo.

Oh no...

Vote and Comment
©babaengpatatas

The Instant Cinderella ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon