Chapter Sixteen: Really?

797 24 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN: REALLY?
NICOLE's POV

"Sigurado ka ba talagang walang bayad ang paghatid mo sa akin?," tanong ko kay Mr.Bad Guy habang nasa kalagitnaan siya ng pagmamaneho, tinignan niya ako ng bahagya at pagkatapos ay umiwas ulit ng tingin,"Uy, baka utang talaga ito ah. Okay lang ba talaga?"

"I wouldn't volunteer to take you home if I didn't like to. Besides, mukha ba akong jeepney driver para bayaran mo ako ng pamasahe? Really? That's how you see me as a person? Isang nagmamaneho ng jeep? Cheap" sagot niya ng nakanguso sabay irap. Ay grabe galit agad?

"Sorry naman po," aking sambit sabay ayos ng aking gamit ng makitang papalapit na kami sa bahay ko, agad kong sinuot ang aking bag atsaka tumingin pabalik kay Riley,"Oh dito lang sa may Sari-Sari Store. Tigil na."

Kahit sinabihan ko na siyang tumigil doon sa may tindahan, patuloy parin siyang nagmaneho patungo sa eksaktong gate ng aking bahay. Tinitigan ko siya ng matagal at nakitang ang kanyang pamumula. Lumabas si Mr.Bad Guy ng kotse ng nakasimangot atsaka pinagbuksan ako ng pinto. Hm, problema na naman nito?

"Karding!," may sumigaw sa aking likod pagkatapos kong bumaba ng kotse kaya di ko napigilang di tumingin assuming na baka ito ang tita kong bingi na si Ninang Felicidad. Well, hindi siya actually bingi na hindi nakakarinig. Mahina lang siguro talaga ang kanyang pandinig kaya minsan nagkakamali siya ng ilang words habang kami'y naguusap,"Ang tangkad mo na!"

Karding? Yan ang tawag niya sa akin. Dati kasi noong nagpakilala ako sa kanya, imbes na 'Callix', ay 'Karding' ang narinig niyang aking nasabi. Kalaunan nahirapan narin akong magexplain kaya pinabayaan ko nalang siya na ganoon ang itawag sa akin. Sa Batangas nakatira si Ninang kasama ang anak niyang si Zarah.

"Ninang, nakauwi na po pala kayo!," bati ko sa kanya sabay yapos. Si Riley naman ay nginitian siya habang nakatingin sa kanya si Ninang kaya parang namangha ito sa kanyang nakikita ngayon,"Kamusta na po? Kasama niyo po bang umuwi si Zarah?"

"Okay lang naman ako, hija. Sino itong kasama mo ngayon? Boyfriend mo? Gwapo siya ah. Grabe daig mo pa si Zarah hanggang ngayon wala paring manliligaw, paano ba naman kasi masyadong mailap. Ilang buwan na kayo?" tanong niya kaya syempre nataranta ako ng slight. Nakita kong ngumisi sa akin si Riley kaya tinaasan ko lang rin siya ng kilay.

"Nako, hindi po. Hindi ko siya boyfriend" hindi ko nga kaibigan, jowa pa kaya? Grabe naman eh. Slow down lang pwede? Di pa ako ready noh!

"Asus, talaga lang? Wag ka ng mahiya, Karding. Ikaw talaga, hindi ko naman yan sasabihin sa Tita mo jusme. Yung babaeng yun kasi, bitter kaya wag kang magalala... di kita isusumbong" sagot niya at nginitian ako. Err, di ko siya boyfriend!

"Ninang, nagkakamali po kayo. Hindi. ko. po. siya. boyfriend" dahan dahan kong sabi at linapit pa ang aking mukha sa kanyang tenga upang ito'y mas marinig niya ng mabuti. Jusme, sa lahat na pwedeng pagkamalang boyfriend, si Mr. Bad Guy pa talaga? No fucking way.

"Ah sayang naman kung ganun. Sige, kung hindi siya jowa mo, eh di manliligaw?" tanong niya na animo'y nalilito na at may halo pang Bisaya accent. Noh, ninang, wala ngang gusto sa akin yung tao, tapos makakaya pa akong ligawan? Joke ba ito?

"NO!"  natataranta kong sagot sabay tingin kay Riley na naka evil smirk sa akin. Alam mo yun? Yung tipong parang nangiirita? Grrr.

"Pwede naman" dugtong ni Mr.Bad Guy kaya bumaling ang pansin ni Ninang sa kanya, syempre nairita ako ng sobra kaya siniko ko siya ng malakas subalit ang mokong nakaya pang humalakhak. Nakita ko ang pagbago ng mukha ni Ninang, noong lumingon ulit ako sa kanya nakangisi narin siya at nakacross arms. Parang may malalim na iniisip.

"Hm, meron" bulong niya subalit di ko ito gaanong narinig. Bwiset ka Mr. Bad Guy! Nanatili akong nakatayo doon hanggang sa makita kong naglalakad na papalapit sa amin sina Tita Aida. Inayos ko na ang aking pagkakatayo at yinaya ng pumasok sa loob si Ninang Felicidad.

"Ah, Ninang, paano? Pasok muna tayo, ipaghahanda ko nalang kayo sa loob ng Ginataang Bilo-bilo, binili ko po yun sa labas buti nga may natira pa. Halika po," sabi ko sabay ngiti. Pagkatapos ay bumaling naman ako kay Riley na nakatingin narin pala sa akin,"Umm, Mr Bad Guy este -- Riley pala, bye narin. Magingat kayo sa byahe tapos wag kang gagawa ng kahit anong ikapapahamak mo este -- kayo pala habang nagmamaneho ka. Ingat at bye."

Namula siya at ngumisi, hinintay niya munang pumasok sa loob si Ninang bago sabihin ang dapat niyang sabihin,"Thanks for the concern. Bye, and alalahanin mo..."


"Sweet dreams for later and hope to see you around tomorrow, love."


Vote and Comment
©babaengpatatas
(I'll have another update tomorrow, thanks. Hope this part isn't cringey lmao.)

The Instant Cinderella ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon