Jho
Hey.
I typed. And erase it immediately. Masyadong pabebe naman Jho.
Isabel Beatriz? How was you day?
Shet! Ang formal naman. Parang hindi naman na ako.
Uy Beh! Gising ka pa?
Sinend ko na bago pa magbago ang isip ko at magcompose na naman ng another mesage. Amputs naman kasi, ilang minuto na akong nag-iisip kung paano ko ite-text si Beatriz. Hindi naman 'to ganito kahirap dati ah?
From: Bea de Leon
Yup. Why?
Oo nga naman Jho! Bakit ka naman magtetext ng late kung wala kang kailangan di ba?
To: Bea de Leon
Wala lang.
From: Bea de Leon
Ah.Okay.
Shet! Paano na universe? Paano ko papahabain ang usapan kung 'Ah. Okay.' na yung reply sa akin? Ibig sabihin ba nun busy siya? O ayaw niya lang talaga akong kausap?
Bago pa man ako makagawa ng kagagahan at magtext ng walang kakwenta-kwentang message ay may dumating na namang message galing kay Bea.
From: Bea de Leon
You didn't send pictures today?
Napangiti naman ako sa message niya. Nakaanayan na din kasi namin sa team na magsend ng mga pictures sa groupchat pag ganitong holidays. Iba pa yun sa mga pictures na pinopost namin sa social media sites namin.
To: Bea de Leon
Ikaw rin naman ah.
From: Bea de Leon
At least I still was updating through a string of messages. Besides, I was home the whole day kaya I don't have anything share-worthy.
Naalala ko na naman ang palitan nila ng messages ni Maddie sa groupchat namin. Pag-open ko palang ng viber ko, landian agad nila ang bumungad sa akin. Hindi naman sa ayaw kong kinakausap niya si Maddie pero kasi nakakairita yung pinaglalandakan pa nila yung sweetness nila kung pwede namang i-direct message nalang diba? Nakakasira tuloy sila ng araw ng may araw. Kaya iyon, imbes na magsi-send ako ng picture, agad kong i-exit yung viber at pinatay yung data ko.
May itatanong ako, pero wag ka ma-offend ha? Ba't ba ang landi-landi mo?!
Bago ko pa man masend ang message ko, isang message na naman ang dumating galing kay Bea.
From: Bea de Leon
YOU ARE READING
Walang Hanggan
FanfictionNanlalamig yung dating nagbabaga, Kung maibabalik lang sana...