#1. ANESTESIA ZONE

140 1 0
                                    

..

#1. ANESTESIA ZONE

*Situation:
Mahal na mahal mo siya. Ginagawa mo lahat maipakita at mapadama sa kanya na totoo ka sa nararamdaman mo. Matagal ka ng naghihintay. Nakita ka na niyang sumaya, umiyak, malungkot, maging Corny at kahit ano pang bagay o emosyong kaya mong gawin o ipakita sa kanya. Kaso hindi pa din nagiging "kayo". Di ka pa din niya sinasagot. O di ka pa din niya nililigawan. Maaaring may pagtitiis na nagaganap. Kung nasa ganyan kang sitwasyon! Nasa Ano Kang Zone?

NAKZ!!

Nasa ANESTESIA ZONE ka!

####

Kaya di pa nagiging kayo dahil tinitiis ka niya. Marahil mahal ka din niya. Pero, kailangan ka niyang tiisin. Kaya, ayun! Hindi pa din nagiging kayo. Maaaring may mga reasons siya kung bakit kailangan ka niyang tiisin at di muna mahalin. One of the reasons is maybe about her/his past life. His/Her gained experiences.

Marahil noon, naloko na siya.

Marahil noon, nabigo na siya.

Marahil noon, umiyak na siya.

Marahil noon, nawasak na ang LOVELIFE niya.

Marahil noon, sobrang NASAKTAN siya.

Kaya ngayong time na Inloved ka na sa kanya, ayaw niya muna dahil natatakot na siyang MASAKTAN pa.

Parang ANESTESIA!!! Tinitiis ka niya para hindi na muli pang masaktan dahil sa love.

Parang ANESTESIA!!! Na siyang tutulong sa kanya para hindi na makaramdam ng sakit.

Malas mo lang! Dahil sa naranasan na sakit na tiniis niya, pati ikaw kailangang magtiis at may pagkakataong masaktan din.

Ang kailangan mo magtyaga, magpursigi at huwag na huwag sumuko sa kanya. Ipakitang kahit pa sobra ka niyang tinitiis ay hindi mo siya matitiis dahil sa sobra mong pagmamahal sa kanya.

Ang zone na ito ang pinaka-mahirap malagpasan pero pinaka- worthful naman. Tandaan mo wag na wag mo lang ulit siyang sasaktan. Dahil mahirap maghilom ng sugat at magtago ng peklat na dinulot ng sakit ng pagmamahal. Wag ka mag-alala maghihilom din ang sakit na yan.

NAKZ!

Nasa ANESTESIA ZONE ka!
.
.

NAKZ (Nasa Ano Kang Zone?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon