#14. MUSIC ZONE

41 0 0
                                    

..

#14. MUSIC ZONE

*Situation:

Mahal na mahal mo siya. Lagi kang naglalahad ng tenga na handang makinig sa lahat ng kwento niya. Kaso hindi pwedeng maging "Kayo". Dahil hanggang kwento lang ang pwede mong madinig at malayong-malayo ang "Oo" sa pagtatanong mo kung "Pwede bang maging kayo?"

Nasa Ano Kang Zone?!

NAKZ!!

Nasa MUSIC ZONE ka!!

####

Ang saya-saya lagi ng bawat araw mo dahil lagi mo siyang nakaka-kwentuhan!

Kinikilig ka dahil tila halos isang napaka-gandang musika ang iyong napapakinggan sa tuwing naririnig mo ang tinig niya.

Kaso, tila isang sintunadong pagkanta o musika naman ang dating sa'yo kapag sinabi niyang "HINDI" , sa tanong mo na kung pwede bang maging "Kayo" !

Malas mo! Siya, pwede niyang ikanta sa'yo lahat kahit pa tungkol sa mahal niya. Samantalang ikaw, di mo pwedeng ikanta sa kanya na mahal mo siya!

Maging masaya ka na lang ngayon dahil libre mo pang nadidinig ang boses niyang mala-musika sa tuwing nagkukwento siya.

Wag mag-alala, dadating at dadating ang oras na may kapwa ka makaka-palitan sa pagkanta ng musikang tinatawag na, "I love you, I love you too." XD

NAKZ!!

Na- MUSIC ZONE ka!!

.

.

NAKZ (Nasa Ano Kang Zone?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon