#2. ATE-BUNSO ZONE

134 0 0
                                    

..

#2. ATE-BUNSO ZONE

*Situation:

Mahal mo siya pero malayo na maging "kayo". Palagi ka niyang napo-Po at Opo? O palagi ka niyang ginagawang Baby? Nasa ganito ka bang sitwasyon? Nasa Ano Kang Zone?!

NAKZ!!

Nasa ATE-BUNSO ZONE ka!!

####

Ate! Bunso! Kaya hindi pwedeng maging kayo dahil madalas mong madinig ang mga salitang Ate o Bunso.

Marahil para sa'yo Babae, ATE ka lang niya. Maaari ding para sa kanya, Bunso o Baby Boy or Nakababatang Kapatid lang ang dapat mong ituring sa kanya.

Marahil para sa'yo Lalaki, Bunsong Kapatid ka lang para sa kanya. Maaari ding para sa kanya Ate lang ang dapat mong ituring sa kanya.

Ang mahirap sa ganitong sitwasyon ay ang kalaban niyo ay ang mga Edad, Traits na meron kayo, at ang Panahon.

Edad, dahil mas matanda si Girl at mas bata si Boy. Masyadong magkaiba ang mga pananaw niyo sa buhay.

Halimbawa! Dahil sa mas matanda si Ate, mas mature din para sa kanya ang buhay. Maaaring career o studies muna ang naka-mind set sa kanya. Dahil mas mature siya, posibleng naisip niya din na 'di muna dapat makipagrelasyon lalo na kung mas bata ito sa kanya.

Isa pang halimbawa! Dahil sa mas bata si Bunso, mas simple or immature pa para sa kanya ang pananaw niya sa buhay. Maaaring laro-laro lang ang ilang mga bagay para sa kanya at hindi dapat seryosohin. Maaaring Happy-Go-Lucky lang siya sa career at studies niya. Ang naka-mind set sa kanya ay ang mag-enjoy. Relationship with an opposite sex for him is probably the last thing to take seriously. Dahil mas immature siya, posibleng naisip niya din na di muna dapat makipagrelasyon lalo na kung mas matanda sa kanya.

Traits, dahil maaaring si Girl para kay Boy ay talagang nagtataglay ng pagiging Ate Material. Yung mga traits na hinahanap niya sa isang Ate ay nakita niya sa'yo. Posibleng yung mga ginagawa ni Girl para kay Boy ay isinasa-palagay lang ni Boy na parang Ate lang talaga.

Traits, dahil maaaring si Boy para kay Girl ay talagang nagtataglay ng pagiging Bunso Material. Yung mga traits na hinahanap ni Girl sa isang Bunso ay nakita niya kay Boy. Posibleng yung mga ginagawa ni Boy kay Girl ay isinasa-palagay lang ni Girl na parang Bunso lang talaga.

Alam mo ba na meron lang tatlong bagay sa mundo ang hindi mo na maibabalik once na nawala? Ito ay ang Words at Bagay kapag nasabi or nagawa mo na. Buhay ng isang nilalang kapag naglaho na o namatay na. At Oras kapag lumipas na.

Panahon! Nag-wish ka na din ba na sana sa iisang year na lang kayo ipinanganak? Na sana magka-edad lang kayo ngayon? Edi sana walang hassle!

Ikaw ATE, di mo sana pinipilit habulin siya pabalik sa mas batang edad niya.

Ikaw BUNSO, di ka sana nagmamadaling habulin siya papunta sa mas matandang edad niya.

Wag ka mag-alala may pag-asa pa! Dahil "Age doesn't matter" nga daw. Pero kung Ate or Bunso ka lang para sa kanya, makuntento ka nalang.

NAKZ!!

Dahil pasok na pasok ka talaga sa ATE-BUNSO ZONE!

.

.

NAKZ (Nasa Ano Kang Zone?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon