#4. CLASSIFIED AD ZONE

122 1 0
                                    

..

#5. CLASSIFIED AD ZONE

*Situation:
Mahal na mahal mo siya. Mahal na mahal ka din niya. Ang problema di pa kayo at malayo pa para maging kayo. Dahil ang number one reason na pumipigil sa inyo ay ang salitang "Career" o "Trabaho". Nasa Ano Kang Zone?!

NAKZ!!

Nasa CLASSIFIED AD ZONE ka!!

####

CLASSIFIED AD ZONE!

Ito yung isa sa mga dapat intindihing zone. Dahil napaka-importante ng isinasaalang-alang sa zone na ito.

Classified Ad, isang section sa newspaper.

Yan kadalasan ang pinagtutuunang pansin ng mga taong kakatapos lang sa college, kakatapos lang ng kontrata sa trabaho, sawa na sa pagiging tambay, or gusto ng mag-ayos sa buhay.

Mahirap kapag nakapasok ka sa zone na ito dahil Career at Trabaho ang kalaban mo. Maisasantabi ang pagmamahal mo sa kanya dahil ang nasa puso't isip niya sa mga panahong ito ay ang Career at Trabaho lang. Gusto niyang mag-ayos ng Career at Trabaho for future purposes.

Ang Career at Trabaho lang ang ipa-prioritize niya at wala ng iba pang iintindihin kahit pa wala siyang LOVELIFE. Ang mas lalong patuloy na nagpapahirap sa sitwasyon na ito ay ang mahal mo na nagpupursigi sa Career at Trabaho niya. Naging mahirap ito dahil sa kanya nakasalalay ang pagde-desisyon dito.

Kaya ikaw, kung hindi pa kayo at ang sinabi niyang reason ay dahil sa gusto niyang Career First o Trabaho muna... ay intindihin mo na lang. It's either bread winner siya at siya lang ang inaasahan or gusto niyang may mapatunayan at maging sure ang kinabukasan bago mag-settle, pumasok sa isang relasyon at lumagay sa tahimik. Intindihin mo nalang at maghintay ka nalang.

Ikaw din! Bahala ka! Kung maging "kayo" man habang nasa CLASSIFIED AD ZONE pa din kayo, kawawa ka dahil mahahati ang oras niya sa Iyo at malamang mas madaming oras sa Trabaho at Career.

"Love waits.", ika nga nila.

Parehas niyo munang ayusin ang mga Career at Trabaho niyo and after that, PUSH mo na! Dahil mas may time na siyang tumitig sa mukha mo kesa sa Classified Ad section ng dyaryo.

NAKZ!!

Na-CLASSIFIED AD ZONE ka!!

.

.

NAKZ (Nasa Ano Kang Zone?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon