..
#20. UNDERWEAR ZONE
*Situation:
Hindi mo masabi na mahal mo siya. Maaaring takot ka na ma-reject. Takot kang magpahayag ng iyong nararamdaman dahil baka hindi mo makaya kapag nalaman mong wala ka namang pag-asa dahil hindi ka din naman niya gusto o mahal.
Nasa Ano Kang Zone?!
NAKZ!!
Nasa UNDERWEAR ZONE ka!!
####
Mahal na mahal mo nga siya kaya lang hindi mo naman sinasabi sa kanya.
Mahal na mahal mo nga siya kaya lang lagi mo namang inililihim.
Mahal na mahal mo nga siya kaya lang lagi ka nalang patago kung dumiskarte.
Mahal na mahal mo nga siya kaya lang sa tuwing kaharap mo naman siya dinadaga ka.
Mahal na mahal mo nga siya kaya lang kapag kausap mo na siya lagi kang nabubulol.
Sa makatuwid, para kang timang na nilalang na sa tuwing kaharap o kausap o kasama ang taong mahal ay maaaring ano mang oras ay himatayin sa kaba o atakihin sa puso dahil sa sobrang kilig.
Alam mo yung sinasabi nila na masama daw pigilan ang emosyong nararamdaman? Dapat daw lagi mong inilalabas sa tuwing nararamdaman mo??
Halimbawa! Galit na galit ka! Dapat daw sa mga sitwasyon na ganyan dapat nailalabas mo yung galit.
Maaaring sumigaw, umiyak, tumakbo, iuntog ang ulo sa pader, suntukin yung locker (pag walang locker, yung kaibigan nalang or kahit sino nalang na makakasalubong) o kahit ano pang alam mong paraan para mailabas ito.
Ayun! Ganun din sa pagmamahal! Dahil isa rin itong emosyon!
TORPE, Ang tawag sa'yo kapag ang pagmamahal mo sa kanya ay hindi mo mai-labas.
#TorpeProblems
Naranasan ko ng maging TORPE. At promise hindi maganda ang epekto nun sa sistema ng buhay ko.
Yung sa tuwing makikita ko siyang papunta sa akin or magkakasalubong ko siya, palagi nalang akong lumiliko o umiiwas ng daan para di ko lang siya makasalubong.
Para akong timang nun, hindi dahil sa umiiwas ako sa kanya, kundi dahil sa sobrang layo talaga nung inikot ko. Inikot ko lang naman yung buong field. -_-
Yung sa tuwing magkasama kami, ang tahimik ko sobra, hindi dahil sa natatakot akong malaman niya kung ano yung inulam ko kagabi kapag maamoy niya yung hininga ko kapag nagsalita, kundi hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang kinikilig ako! (Ayieh! Kilig To The Bones )
Yung lagi nalang akong nahuhuling naka-nganga ng ilan kong kaibigan kapag palihim ko siyang tinitingnan.. minsan tulo laway pa.. LOL JOKE lang! XD
Yung parang lagi nalang napo-pause, o namu-mute, o nai-slow mo, yung mundo ko kapag malapit siya sa akin.
Yan!! Yan ang mga kadalasang nararamdaman sa tuwing nagiging TORPE!
Totoong mahirap magtapat ng nararamdaman sa taong mahal mo.
REJECTION kasi ang maaari mong makuha.
Pero, wag mag-alala pwede ding ACCEPTANCE.
Alam mo wala naman kasing ibang mararating yang paglilihim mo ng pagmamahal mo sa kanya, kundi ang pahirapan lang ang iyong sarili.
Kaya kung maaari, wag kang matakot na magtapat.
Ayaw mo naman sigurong magsisi kapag meron na siyang iba diba?
Ayaw mo naman sigurong maiyak kapag nalaman mong mahal ka din niya at ikaw lang naman ang hinihintay niya, kaso hindi na siya pwede dahil may kasintahan na siya, kasi tatanga-tanga ka sa pagkatorpe mo dati.
Parang sa "SEX" lang yan.. (pustahan sampu! nabuhayan ka! LOL haahaha!)
Ayun nga! Parang sa "SEX" lang yan!
Syempre, madalang naman yung mga nagse-SEX na hindi nakaHUBAD.
Para namang TANGA yun.
Madalas nakahubad!!
Walang damit, walang suot, walang saplot!!
Kapag hindi mo tinanggal yung UNDERWEAR niyo may mangyayari ba?! Syempre, wala!!
Ganun yun! Dapat WALANG PAG-AALINLANGAN!
Kasi kapag puro SIKRETO, walang MANGYAYARI.
As in WALA! Olats!! Di naman pwedeng maka-score kapag naka-PANTY pa diba?! Walang mangyayari!!
Ganun din sa pagiging TORPE!!
Just give it a try. HUBARIN mo lahat ng takot na nararamdaman mo!
TANGGALIN ang paglilihim!
Atleast, nag-try ka diba?
Hindi ka nalang palaging mukhang TANGA sa pagiging TORPE sa pagtatago ng feelings mo sa kanya.
Kung tinanggal mo yung pagka-TORPE mo tapos REJECTION ang nakuha mo, Okay lang! Atleast, andun yung nag-try ka! Wala ka ng pagsisisihan.
Tandaan mo, ang pagiging TORPE ay parang PANTY.
Walang mangyayari hangga't hindi mo tatanggalin!
NAKZ!
Sana malagpasan mo na ang pagiging PANTY, este pagiging TORPE sa UNDERWEAR ZONE!
.
.
.
BINABASA MO ANG
NAKZ (Nasa Ano Kang Zone?)
RomanceHindi mo alam kung bakit kayo nag-break? Hindi mo alam kung bakit 'di pa din nagiging kayo? Hindi mo alam kung anong tawag sa relasyon niyo ngayon? Hindi mo alam kung anong tawag sa relasyon niyo noon? NAKZ!! Nasa Ano Kang Zone?