#15. PEBEBE TEENS ZONE

57 1 2
                                    

..

#15. PEBEBE TEENS ZONE

*Situation:

Mahal mo siya. Ewan lang natin kung mahal ka din niya. Pero, hindi pwedeng maging "Kayo" dahil para sa kanya Ka-landian ka lang niya! Madalas kayong mag-PDA?! Kaso, hindi naman "Kayo!"..

Awtzu! Nasa Ano Kang Zone?!

NAKZ!!

Nasa PEBEBE TEENS ZONE ka!!

####

PDA! Public Display of Affection!

Madalas niyo yang nagagawa.

Madalas, napagkakamalan na "Kayo" na.

Feeling mo parang "Kayo" na!

Kapag nagtatanong o nangungulit naman yung ibang tao at ipinipilit na kayo na nga, eh naguguluhan sila kapag idine-deny niyo.

Pero, ayun naman talaga ang totoo!

Wala naman talagang "Kayo"!

Ang ganda na eh!

Kung makikita ng iba e, perfect na perfect na kayong dalawa sa isa't-isa.

Ang sweet-sweet niyo!

Landi-landi niyo!

Kaso, hindi eh!

Hindi naman kasi talaga "Kayo".

Nakakatakot sabihin na may feelings ka para sa kanya.

Why?!

Kasi, once na sinabi mo na mahal mo siya, may chance na pwedeng mailang siya.

Kapag nangyari yun, maiisip niyang baka meron ng halong malisya ang landian niyo.

Aayaw na siya dahil maiisip niyang, Para sa'yo nagagawa mo yung pagpi-PEBEBE TEENS dahil mahal mo siya, samantalang para sa kanya simpleng Landian lang talaga.

Marahil, sadyang bored lang siya.

O kaya naman sadyang pa-PEBEBE TEEN lang talaga siya.

Ang mahirap sa ganitong sitwasyon e yung pagpasok ng tinatawag na "Expectations".

Dahil sa ka-sweet-an niyo, dahil sa landian niyo, dahil sa pagiging close niyo masyado, dahil sa Public Display of Affection niyo, dahil sa madalas na pagpilit sa inyo ng mga tao na "Kayo" na, at dahil sa pagpi-PEBEBE TEENS niyo.

Darating yung time na nag-eexpect ka na. Nag-eexpect ka na dahil sa mga ginagawa at itinuturing niya sa'yo.

Nag-eexpect kang baka totoo na may nararamdaman na din siya sa'yo.

Kaso kadalasan, mas maliit ang porsyento ng mga pagkakataong may nararamdaman nga ang Ka-landian mo para sa'yo.

Dahil madalas, mas malaki ang porsyento na sadyang landian lang talaga ang habol niya.

Masakit! Oo!

Dahil parang "Kayo" nga, pero hindi naman talaga!

Para kang nabubuhay sa Panaginip.

Nagpi-feed ka sa illusion na "Kayo" dahil sa mga ginagawa niyo.

Pero, there will be a time na magigising siya.

Magigising siya sa Katotohanang may mahal siya ngunit hindi naman ikaw yun.

Bangungot naman ang dulot sa'yo noon.

Don't worry! Makakahanap ka din ng taong di lang Pakikipaglandian ang maibibigay sa'yo, kundi Pagmamahal din. Enjoy ka na lang sa pagpi-PEBEBE TEENS! XD

NAKZ!!

Na- PEBEBE TEENS ZONE ka!!

.

.

NAKZ (Nasa Ano Kang Zone?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon