#19. TISSUE ZONE

64 0 0
                                    

..

#19. TISSUE ZONE

*Situation:

Mahal mo siya. Kaso hindi ka niya mahal. Bakit? Dahil makikita sa mga luha niya na may mahal na siyang iba. TAGA-SALO ng mga LUHA niya! Ayan lang ang pwede mong role sa buhay niya! Nasa Ano Kang Zone?!

NAKZ!!

Nasa TISSUE ZONE ka!!

####

Madalas ka bang basa?

Madalas ka bang nagmimistulang tissue?

Madalas ka bang taga-salo ng mga luha ng taong mahal mo?

Tapos, hindi naman pwedeng maging "Kayo" at hindi naman pwedeng maging sa'yo ang mga luha niya dahil lumuluha siya dulot ng taong mahal niya.

Nakakaiyak nuh?

Lumuluha ang taong mahal mo, hindi dahil sa'yo kundi dahil sa taong mahal niya na sinasaktan naman siya.

Ok lang naman magmistulang TISSUE para sa kanya.

Atleast, ikaw mismo ang pumapawi sa mga luha niya.

Ikaw mismo ang nakakatulong sa kanya!

Pero, ang masakit sa part na ito ay ang mistulang pagiging TISSUE din!

Dahil sa pagiging isang "TISSUE" , may kakayahan ka ngang tuyuin ang mga luha niya pero darating din ang oras na kapag Okay na siya dahil sa pagtuyo mo sa mga luha niya, sa ayaw mo man o gusto ITATAPON ka din niya dahil hindi ka na niya kailangan.

Dahil mas magba-value pa din sa kanya ang taong mahal niya at hindi ang isang TISSUE PAPER na katulad mo!

Hanap ka nalang ng iba na hindi lang basta "TISSUE PAPER" na panandalian at itatapon na kapag wala ng pakinabang ang kayang ituring sa'yo, kundi isang taong ituturing kang "PANYO" na pangmatagalang magtutuyo ng mga luha niya kasabay ng mamahalin at iingatan niya.

NAKZ!!

Nasa TISSUE ZONE ka!!

.

.

NAKZ (Nasa Ano Kang Zone?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon