#3. BATO ZONE

75 1 0
                                    

..

#3. BATO ZONE

*Situation:
Mahal na mahal mo siya. Ginagawa mo lahat maiparamdam sa kanya na true ang feelings mo para sa kanya. Ang worse, hindi niya nararamdaman. Pero ang worst, kasabay ng hindi na nga niya nararamdaman, nasasaktan ka pa niya. Nasa Ano Kang Zone?!

NAKZ!!

Nasa BATO ZONE ka!!

####

Bato, bato sa langit ang tamaan, TANGA kung hindi masasaktan.

Bato! Yes! As in Rock! Stone! Gravel! Hallow blocks! Semento!

Ang hirap sa ganitong sitwasyon dahil sa pagiging Bato niya, naging manhid na siya para maramdaman ang pagmamahal mo sa kanya. At dahil sa pagiging Bato niya, hindi niya nararamdaman na dahil sa ginagawa niya nakakasakit na siya, dahil nasasaktan ka na niya.

Ang taong parang Bato ay mahirap paramdaman ng feelings. Dahil matigas yan! Kailangan mo ng matinding pukpukan! Kailangan mo ng sobrang effort para mawala ang pagiging matigas niya kung gayon ay maramdaman niyang mahal mo siya. Pero, sobrang hirap niyan! Sa pa-ulit-ulit mong pagpaparamdam ng pagmamahal mo sa puso niyang tila Bato, ay palaging may sakit na balik sa iyo.

Sa pa-ulit-ulit mong pagbato sa kanya ng pagmamahal mo, ay siya namang pa-ulit-ulit din niya na pagbato ng "di ka niya mahal". Masakit! Aaray ka talaga! At luluha ka pa! Pero palagi mo ding tatandaan na, "Kung gusto palaging may paraan, kung ayaw palaging may dahilan."
"Kapag may tiyaga may Nilagang Bato." "Kapag binato ka niya ng Bato, ipa-barangay at ipa-blotter mo." LOL. XD

Di! Kapag binato ka niya ng Bato, lagi mo lang din siyang batuhin ng pagmamahal mo. Mahirap magmahal sa taong may Pusong-bato. Katulad ng mahirap makatulog sa hating-gabi kapag Pusong-bato na ang kinakanta ng mga kapit-bahay mo sa Videoke. XD Haha

Pero, sinasabi ko sa'yo. Kung magti-tiyaga ka talaga... di malayong lalambot yan na parang Nilaga.

Tandaan mo! Walang matigas na Pusong-bato, sa malanding katulad mo! Lol! Push mo yaaaan!

NAKZ!!

Nasa BATO ZONE ka!

.

.

NAKZ (Nasa Ano Kang Zone?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon