Snow's POV
"SNOW!ANO BA?! SABI NG AKO NALANG MAG KAKABIT NG GAS EH! HAY NAKO BATA KA! MALALATE KANA!"simula palang story ko sigaw na agad ng nanay ko tumambad sainyo ano?
"Ma kaya ko naman to eh, tsaka mamaya pang 8:30 yung pasok ko, eh 7:30 palang eh!" pagmamaktol ko kay mama.
"Hay nakong bata ka! Eh kung maligo ka halos isang oras na eh! Jusko nak, hala sige alis na dyan tutal natapos na rin yan" tsaka ako pinatayo na mama at tinulak-tulak papuntang C.R.
"Ma stop na! wala pakong dalang tuwalya my gosh ma sandali ma nahihirapan ako eh" pag pipigil ko kay mama. Taena kasi eh,naka hawak ako sa magkabilang gilid ng pintuan jusko mga teh!
"ako na kukuha at ako na rin ang maghahanda ng uniform mo! Bilisan mong bata ka" atsaka sinara ni mama ang pintuan ng C.R
Ano ba tong nanay ko? Grabe ang hypeeerrr! Di ko na keri!"SNOW! ANO BA?! LATE KANA HOY! MAG TRICYCLE KANA DUN SA KANTO TSAKA KA MAGPAHATID SA KANTO NG SCHOOL NIYO! BILIS!" Oh diba nakakarindi wahahaha. Kaya ayun nag ala runner nako palabas. Buti nalang naayos ko na yung buhok ko kundi mukha akong sinabunutan.
"Bapang Ando trikeeeeeeee!" Kaya mabilis syang pumarada sa harap ko kaya dali dali na kong sumakay. (Bapa/ng means Tito in kapampangan)
"San ba kita iba-baba?" Tanong sakin ni bapang ando.
"Sa kanto po ng Ravien Subd" Sagot ko naman kay bapang ando.
Grabe! Late nanaman ako! Mygosh!
Ng marating ko ang kanto ng Ravien Subd agad agad akong nagbayad kay bapang ando.
Ng makapasok nako sa subd hinanap ko kaagad si manong guard
"Oh Snow? Late kananaman? Hay nakong bata ka. Halika na ihahatid nakita" oh diba? Sosyal ang lola niyo
Si manong guard kasi ang mabait na guard dito sa subd ng Ravien. Tsaka lagi akong inahatid ni manong guard sa school namin gamit ang taxi niya. KABOG ANG LOLA NIYO!
"Snow bumaba ka na dyan late na late kana" napatingin naman ako kay manong na pinark yung kotse sa harap ng Ravien High.
"maraming salamat ulit manong guard---"
"Manong Bert. Hindi manong guard Snow." Biglang putol sakin ni manong Bert hehehe.
"Sige manong BERT una na ho ako" Tsaka na ko pumasok sa gate ng school namin.
Ayun mukha akong mala goku sa pagtakbo papunta ng room namin. Pinapasok na kasi ako ng guard namin. Tsaka alam niya narin na may i.d ako kaya ayun, halos madapa dapa ako papasok sa gate.
Ng marating ko na ang building namin, agad na akong umakyat sa pinaka malapit na hagdan na nasa left side.
At ng marating ko ang tapat ng room namin.....
"Kricxon, Snow Gayle--" Oh diba? Ako na talaga yung tatawagin eh.. At halos mapasapo sa noo--- hindi pala, napasapo ng noo tong adviser ko.
"Ms. Kricxon, Maaga kapa para sa second subject." pataray niyang sabi sakin.
"Ahhh Ehhh-- sorry ma'am na traffic lang " Pag dadahilan ko.
Napabuntong hininga naman si ma'am sa sagot ko. "Well, wala naman akong magagawa. Take your sit Ms. Kricxon" May pagkadiin na habang nakangiting sabi sakin ni ma'am. Buti nalang talaga
Dumiretcho nako sa upuan ko. Pang 3rd Row kasi ako. Sa may bandang Left Side sa dulo. Katabi ko ang dakila kong pinsan. Si Kuya Ken.
"Ay nako, Yan kasi ang nagiging resulta ng nagpupuyat" Sabi ni kuya Ken. EKSAKTONG PAGKAUPO KO.
Sinamaan ko naman siya ng tingin tsaka ko siya binigyan ng "Itigil mo na yan dahil qiqil moko look" Kaimbyerna!
"Ms. Kricxon nakikinig kapa ba?" Halos manlaki ang mata ko ng tawagan ako ni ma'am. Syeta makinig ka kasi Snow eh.
"Y-yes ma'am nakikinig ho ako" Nakayukong sagot ko naman.
"Good, ating ipagpatuloy ang deskasyon na naudlot" sabi ni ma'am habang nakatingin saakin. wew
Ayun nagstart ng magdiscuss si ma'am. Halos magdugo na ata ilong ko sa sobrang LALEM ng tagalog jusme.
Ng matapos ang tatlong subject, Recess na at bago kami pinaalis sa room inannounce na wala ang next teacher namin after ng recess kaya medyo mahaba haba recess namin ngayon.
"Hoy, nagd-day dream ka nanaman jan. Tara na" Tsaka naman niya ako hinila palabas ng classroom. Eto naman yung pinaka ayaw ko sakanya eh. Hila ng hila.
"Sandale naman kuya! Madadapa ako neto eh!" Sabay hila ng kamay ko sakanya.
"Hoy, kung hindi kita hihilain sa tinigin mo ba makakarating tayo kaagad sa canteen ha?" Ang init ng ulo neto ah? Aha! Alam ko na kung bakit
"Di mo nakita yung nililigawan mo noh?" Sabi ko sakanya habang nakangiting nang aasar.
"Hindi ah, alam mo bahala ka nga dyan"
Tsaka ako tinalikuran. Pota"KUYA WAIT LANG!" Sigaw ko naman sakanya.
So ayun, naglakad na kami papunta ng Mini Resto dito sa campus namin. Hiwalay ang resto ng mga Seniors at Juniors, pero magkakatabi lang ang mga buildings namin. Kumbaga, Pinaarte lang.
Di ko naman maiwasang hindi tumingin kahit kanino. Kaya sa sobrang likot ng mata ko, hinila nanaman ako ng magaling kong kuya papunta ng counter.
"Woi, anong gusto mo?" Tanong naman sakin ni kuya Ken.
"Yung dati padin"
"Isang Black Coffee with Caramel Drizzle and Frappe. Tsaka isang Regular Fries na ang flavor ay BARBEQUE." Biglang sabi niya kay ate Jen na nasa counter.
"Maghanap ka na ng table natin. Bilis!" Tsaka niya ko tinulak-tulak paalis ng counter.
"Oh tabi mo na yang cellphone mo at kumain kana" Napaangat naman ako ng tingin kay kuya na kakalapag lang ng pagkain namin.
Medyo ng momento pako at tumingin sa labas, may mga juniors na naglalaro sa main circle, may iba naman na nag chichismisan sa mga benches at ang iba ay papunta sa cafeteria.
"Sana all wala yung next teacher" pabirong sabi ni kuya
Iba-iba din kasi ang sched namin kuya, sa dalawang major subject at isang minor subject ko lang siya kaklase. At sakto ang sunod kong subject eh yung isang minor. At kay kuya naman eh yung isang major.
"Bilisan mo dyan. Alam mo naman yung ugali nung susunod kong teacher" Oo nga pala, yung pinaka terror sa lahat ng terror
"Oo na---" bigla naman akong natameme sa nakita ko.
"Oh? Napano ka---" Halos magulat din si kuya Ken ng lingunin niya ang tinitignan ko.
"Tamara?" Nauutal namang sabi ni kuya. ang malanding ex niya
"Hello there sweetie pie" malanding sambit niya kay kuya.
"Aba ang landi" pabulong kong sabi.
Bigla niya naman akong tinignan ng masama dahil narinig niya siguro ang sinabe ko at akmang hahalikan niya sa kuya Ken at pipigilan ko na sana kaso may biglang humila ng buhok niya at biglang sinampal ito.
None other than, Ate Klare. Ang nililigawan ni kuya Ken.
"Malandi ka talaga Tamara" Nakangising sabi ni ate Klare
........