BULLET SEVEN

7 1 0
                                    

Snow's POV

"WOAH" napanganga kaming tatlo dahil sa laki at angas ng magiging training room namin.

Nakahati sa apat ang room, ang isang isang side ay puno ng weapons. ang isa naman ay para sa physical trainings. at sa likod nito, ay puro mga first aids. At huling side ay isang simulator na pwedeng gamitin for real-life event trainings.

Isa isa naming nilibot ang apat na sides at halos ang naririning ko nalang ay puro "wow" ng "wow". Talagang namang nakakamangha to room na to, hindi dahil ngayon lang kami nakapasok. Dahil sobrang angas talaga at napaka advance to the max lahat ng gamit dito.

Para ring may siri o alexa ang room na to, dahil kanina may sinabi si kuya Ken na nauuhaw ata siya at biglang may lumabas na bottled water galing sa pader. Kung kayang sabihin ko na gusto ko ng pera bibigyan ba ako neto.

"Tangina para akong nananaginip sa lagay nato. Mas maganda pa to kesa sa ineexpect ko." sabi ni Justine na hanggang ngayon ay namamangha pa din.

"Teka ano ba to--" napatingin naman kami kay Justine na ngayon ay nasa tapat ng isang button.

"Jus, wag ka munang pumindot ng kahit an--" mukhang nahuli nako nang pag papaalala sakanya dahil pinindot niya na at biglang may lumabas na image ng isang gubat na galing sa simulator.

"GUYS NASAN AKO?! TANG*NA KEN?! SNOW?!" Sigaw ni Justine na ngayon ay kabadong kabado ang itsura.

Hindi niya kami nakikita dahil sa simulator. Ang nakikita niya ay para talagang nasa gubat siya. At kami naman ay para lang siyang nakatapat sa image ng isang projector.
Napailing nalang kami ni kuya Ken at pinatay ang simulator.

"Ayan kasi, kung ano ano nalang pinakekelaman mo. Baka sa susunod bomba na yung mapindot o mahawakan mo" asar ni kuya.

"G*go kala ko napunta nako sa ibang mundo, napaakyat tuloy ako sa puno ng wala sa oras" natawa naman kami ni kuya kaso naputol yung tawanan namin dahil biglang bumukas yung pintuan at nandito na sina mama.

"Mukhang may pinakelaman nanaman ata yang si Justine?" tanong ni mama samin at tumango naman kaming dalawa ni kuya.

"Be careful kiddos. Hindi lahat basta basta hinahawakan" sabay tingin ni sir kay Justine.

"Yes sir" sagot naming tatlo

Inexplain muna lahat ni sir ang lahat ng mga bagay bagay dito at mga gagawin namin for one month. Hindi parin namin maiwasan mapanganga sa mga sinasabi ni sir, napaka professional niyang magsalita at halos nagdudugo na nga yung ilong ko dahil may mga english words siyang ginagamit na sobrang lalim at hindi ko na maintindihan.

Nag explain din si tito Ace saamin at mas lalo ko yatang naintindihan sakanya dahil nagtatagalog siya, hindi naman sa mahina ako sa english sadyang may mga words lang talaga akong hindi alam.

Ang sabi ni sir ang una naming gagawin ngayon ay ang physical trainings. Kailangan muna daw na mk ing palakasin yung katawan namin bago kami mag proceed sa mga weapons.

Nagsimula na kaming mag streching at potaena ang sakit sakit ng pinapagawa ni sir. Ibang stretching ang pinagawa niya samin at mas masakit pa sa normal naming ginagawa.

Ang nakakatawa pa neto eh halos nagsisiputukan ang mga buto buto namin.

"Sir hindi niyo naman kami pipilayin diba?" tanong ni Justine na ikinatawa ni sir

"Hindi naman, medyo lang-"

"SIR?!" Gulat naming sabi at halos luluwa na ata yung mga mata namin

Run Away, AtheneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon