BULLET TWO

91 16 5
                                    

(A/N: Every chapter contains 2000-5000 words. Kaya kung very late na aking mga updates, dont worry i'll make sure na worth it yung pag hihintay niyo. Yun lamang at maraming salamat ^_^)

Snow's POV

"Malandi ka talaga Tamara" nakangising sabi ni ate Klare

"Wag kang mag-alala parehas lang naman tayong malandi" sabi niya kay ate Jie.

"At wag ka ding mag-alala--" biglang sinabunutan ni ate si tamara, pero--

"SENIORS! MAGSITIGIL NGA KAYO! PUMUNTA KAYO SA OFFICE KO! NOW!" Biglang sigaw ng Senior Coordinator namin.

"And all of you, better get out" at bigla naman nagsi-alisan ang mga tao habang nagbubulungan.





"BAKLA! anong nangyare?" bungad sakin ng kaibigan kong si Shane na galing sa c.r

"Hay nako bakla, late ka nanaman sa shooting. Grabe sasabog na ata ulo ko kanina eh" umusog ako ng konti para makaupo siya.

Nandito kasi kami ngayon sa circle dahil wala nga ang next teacher namin at sakto kaklase ko si bakla.

"Bakla ikwento mo bilis na! Na e-excite ako eh." Habang pinapalo palo yung braso ko. Nyeta to ah.

"So kailangan may hampas pang kasama ganun?"

"Hindi naman kita hinahampas eh. Ang kinis kinis ng balat mo oh" at may pahaplos haplos pang nalalaman

At kinwento ko yung nangyare at dahil mahilig manghampas tong pandak na to. Halos mamula na ata yung hita ko kahahampas niya.

"buti lang yun kay Tamara noh! Dapat nga dun na siya sa college department pero ano? sinadyang magpabagsak sa final test kaya ayan, balik senior ulet. Tsaka kawawa tuloy si ate Klare mukhang madedetention din pero keri lang nasabunutan naman niya si Tamara" sabay inom niya ng softdrinks na nasa baso niya.

"Sira ka talaga. Ewan ko ba, ginawang shabu si kuya Ken kaya naulul ang adik. Mukhang tanga pa-- di pala mukhang tanga, Tanga na talaga"

"Pero nakakalito rin noh? Dati ang bait bait nung Tamara sa atin tas ngayon?---- mahirap na talagang magsalita bakla." Sabay tayo namin at naglakad paalis ng circle

"Dedmahin nalang naten bakla. Tsaka puntahan muna naten si baklitang Joy-joy. Baka mahimatay nanaman yun dahil sa kilig" Tumango kaagad si Shane sa sinabi ko kaya pumunta na kami sa paboritong tambayan ni Joy. Sa gym.



Nang malapit na kami sa gym, naririnig na namin yung tawa nyang parang wala ng bukas. Kaya binilisan na namin yung lakad namin para malaman kung anong nangyayare doon.

"Teka ang sakit na ng tyan ko. HAHAHAHAHAHA" halos maluha na si Joy sa tawa habang kausap niya ang kanyang true love kuno.

"Hoy bakla! Ikalma mo yang shukekeng mo at nasosobrahan kana sa harot." Sabay sapik sa kanya kaya ayun halos masubsob siya sa bench.

"Kailangan talagang may kasamang sapak bakla?" Habang inaayos yung buhok niyang nagulo.

"Hoy Prince ilibre mo kami mamaya ah?" sabay upo sa tabi ni Joy. Pero nakatayo parin si Shane habang naka harap sa amin. Taena nagpapatangkad nanaman daw.

"Hahaha sige libre ko kayo mamaya, tutal wala naman kaming practice ngayon para sa Sports Day. Tsaka nga pala Shane, bakit hindi mo isama si Jaffe(Jap)? Tutal diba wala naman kaming practice?" Sabay akbay kay Joy. PDA amp.

"Ahm, sige sabihin ko nalang mamaya sakanya. Para makapag bonding naman kami noh." Sabay tingin sakin habang naka ngisi. Taena bakla isa pa talaga.

Run Away, AtheneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon