BULLET SIX

12 0 0
                                    

Justine's POV

"Pre bili muna tayo ng pagkain natin, may 7/11 banda doon oh" turo ko kay Ken at agad na pumunta doon.

Sinilip ko yung tatlo sa likod at napakahimbing ng tulog. Halos naririnig ko na yung hilik ni Snow at ni Shane.

Sinamahan ako nina Gicxus at James para mamili. Bumili lang kami ng malalaking chichirya, mga paper plates, kutsara tinidor, cups at iilang soju.
Buti nalang at mukha kaming mga college student kaya hindi kami nahirapang bumili ng alak.

Mag aalas dose palang ng makarating na kami sa rest house nina James. May dalawang malalaking kwarto sa second floor ng rest house, kaming apat na lalaki sa isang kwarto at sa kabila naman ay para sa tatlo.

Umalis sina James at Ken para makapag pa book na ng cottage sa Poracay para kapag sumunod daw kami doon ay papasok nalang kami at hindi na maghihintay pa sa labas.

"Jus may extra ka pang t-shirt? Pahiram muna ako pinagpawisan na kasi yung isa" tanong ni Gicxus sakin na ngayon ay nag aayos ng gamit na dadalhin sa resort.

"Eto, balik mo yan agad special yan" biro ko sakanya at natawa siya ng bahagya

Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kusina para ayusin yung mga pagkaing dadalhin namin. May laman kasi itong ref nina James at kumuha nako.

"May tubig ba dyan?" napalingon naman ako sa likuran at nakita kong tumitingin ng pagkain sa bag si Snow.

Naka two-piece bikini siya na may nakapatong na shorts at see through na damit.Halos kitang kita mo na yung hubog ng katawan niya. Napailing nalang ako dahil masyado ng matagal ang pagkakatitig ko sakanya.

"Meron, gusto mo?" sabay alok ko ng bottled water sakanya

"Oo Salamat, kanina pako nauuhaw kaso kailangan ko munang magbihis eh" tsaka siya umupo ng parang lalake sa may lababo. minsan talaga napapaisip ako kung tomboy na ba to o ano.

"Ayusin mo nga yang upo mo parang hindi ka babae" reklamo ko. Agad naman siyang umayos ng upo.

"Baklaaaaaaaa! Ang sabi iinom lang ng tubig baka nag swimming kana dyan" halos sabay kaming napalingon ni Snow dahil sa sigaw ni Joy.

Umiling nalang si Snow at inubos na yung tubig niya tsaka siya sumunod kay Joy na ngayon ay nasa labas na.


"Oh wala na ba kayong naiwan niyan? I check niyo ulit yung mga gamit ninyo" utos ko sakanila dahil nag text na sina James at pwede na raw kaming pumunta doon.

"Wala na, tara na gora swimming na swimming nako" tumango nalang ako at nilock na lahat ng pintuan.

Ilang minuto lang naman ang layo ng Poracay sa resthouse nina James. Balak sana namin na mag overnightsa Poracay kaso kulang ang dala naming pera kaya buti nalang at merong rest house sina James dito.

Naunang lumabas yung tatlo sa sobrang excited. Nag picture na mga sila agad sa may entrance palang. Eh pano pa kaya kung sa loob pa.
Natawa nalang kami pareho ni Gicxus dahil sobrang excited nila.

Nang makapasok na kami sa loob mas lalong natuwa yung tatlo. Si Joy na talon ng talon sa tuwa at yaya ng yaya kina Snow at Shane na magpicture muna kaso iling ng iling yung dalawa dahil kailangan muna naming pumunta sa cottage.

"Sayang at wala si Prince at Jaffe no?" tanong ni Gicxus sakin habang nagbababa ng mga gamit dito sa cottage

"Oo nga eh, may laban kasi yung dalawa hindi rin naman tayo makakapanood dahil sa naubusan tayo ng ticket." Paano ba naman eh na sold out agad yung ticket at halos ng bumili eh mga fangirls pa nila

Run Away, AtheneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon