Snow's POV
"Aamin ka o aamin ka?!" Matigas kong sabi sa kumag na to, na pinapagawa saamin
"WALA AKONG AAMININ KAHIT ANONG GAWIN NIYO HINDI AKO AAMIN---"
"Hoy wala kaming panahon para sa kadramahan mo. Wala na ba kayong ibang litanya? Nakakarindi na yung line na yan ah" biglang sabat naman ni Justine na iritang irita na
Para naman exciting, inilabas ko yung fake na baril ko. Gulat na gulat si kumag. At ako naman tong tuwang tuwa
"Aamin o aamin?" Muli kong tanong sakanya.
Nagpapawis na ito at nanginginig "A-aamin na! Oo kami talaga may gawa non! Hindi kasi nagbayad sa pusta ng maayos yung anak ni Maam Orchesa kaya namin nagawa yun! Nakikipag pustahan tapos hindi magbabayad! Kaya ginawa namin tong panakot sakanya para magbayad siya! Sinabe niya na magbabayad siya! Pero ano?! NALOKO NIYA KAMI! HINDI PERA ANG BINIGAY! KUNDI BUGBOG!kung alam niyo lang kung anong nangyari baka kumampi pa kayo saamin. Tang*n* nagsawa kami kaya nagawa namin yan" napa buntong hininga namin kaming lahat sa sinabi niya. Sabagay kung ako nasa lagay niya ay magagalit din ako pero di naman ako gagawa ng kabalbalan no.
"Pero wala kayong karapatan na gawin yun. Ayan tuloy kailangan niyong mag transfer sa ibibigay ng principal. Ayaw lang ng principal na masira ang magandang image ng school naten. Sana naman maintindihan ninyo" mahinahon kong sabi sakanya. At mukhang wala itong magawa kundi sumunod.
"May kasalanan din kami, kaya okay lang kung lilipat kami" napangiti naman ako sa naging desisyon ng kumag na to. Medyo nakakagulat din dahil pumayag yung mga yon
Umalis na silang tatlo para kunin ang request mula sa office. At naiwan naman kaming tatlo dito sa lumang storage room ng eskwelahan.
"Grabe, bibihira yung ganyang suspect ha. Yung iba nga halos magwala na e." Sabi ni kuya Ken habang nililigpit lahat ng papeles
"Naiintindihan naman kasi ni kumag-- este ni Ryan. Kaya hayaan niyo na buti nga at dala dala ko itong paborito kong baril" at tsaka ko pinaglaruan ang baril.
"Tsaka nga pala, tutal natapos na naten itong huling kaso naten. Tsaka naka excuse naman tayo buong araw,mag celebrate naman tayo oh. Baka mamaya ibigay na yung official na ranggo naten bilang junior agents!" Masiglang sabi ni Justine saamin na ikinatawa namin
"Hindi ranggo ang tawag doon, lebel kasi iyon. Ang ranggo para sa nakakataas kaya wag kang assumero dyan" tawa tawang sabi ni kuya Ken sakanya.
"Hoy hoy hoy, anong celebrate celebrate. Papasok tayo. Wag nga kayong abusado, porket naka excuse di na papasok? Abay may plano pakong matuto kaya tara na pumasok na tayo. Tapos na rin naman ang recess" tsaka ko kinuha yung bag ko at lumabas na sa storage room.
"Okay, class dismiss" at sa wakas, tapos narin ang klase. Napa aga kasi ang uwian namin ngayon. 6 talaga ang uwian namin pero may emergency meeting daw ang mga teachers kaya 3 na kami pinauuwi.
Papunta ako ngayon sa Bahay nina Justine para magtambay. Dahil Hindi pumasok ang kumag kaya kami ni kuya Ken ang mag aadjust para sakanya.
Buti nalang at may dalang motor si kuya Ken kaya Hindi na namin kailangan mag commute pa.
Napadaan muna kami sa isang convenient store malapit sa village nina Justine para bumili ng makakain.
Nagpaiwan ako sa labas dahil magagastos lang ako pag pumasok sa loob. Sabi naman kasi ni kuya Ken eh libre niya kaya Hindi nako papasok. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at sinuot ang hood ng jacket ko. para hindi narin ako mainip dito