RR_Overnight Hangout

60 2 0
                                    

Chapter XII

(Blake POV)

Nakarating na din kami ni Sam sa isang..well resort na siguro ito kung tatawagin, though it kinda needs more improvement para naman maka-engganyo ng mga turista at mga bakasyunista na rin.

Kahit papaano, pwede na ring pagtiyagaan! Picnic mat o do kaya'y simpleng tent, ayos nah. Ang akin lang naman ay makaiwas ng panandalian sa hectic na business world at syempre kay Bridgitte. Makapag-unwind na nga din lang.




Nakita ko si Sam na nakaupo sa may buhangin dun sa dalampasigan. Parang ang lalim ng iniisip nito habang nakamasid sa mga alon. Hindi ko talaga mawari ang tinatakbo ng isip ng babaeng iyon. Minsan, mabangis ito na parang leon, handang sumuong sa alinmang umbagan. Kung minsan naman, ang amo din ng mukha...yun bang tipong sarap titiganat haplusin ngunit mababanaag mo sa mga mata nito na may mabigat itong dinadala..

Woooooaahh..lang'ya..!..Drama ko ata.. di bagay ehh..




"Oh..hijo..bakit di mo lapitan ang nobya mo??.. Ehh..pinagmamasdan mo lang dine sa malayo, gayong pwede mo naming masdan sa malapitan.!.."

Nagulat talaga ako ng may lumapit sa'king matandang lalaki at walang anu-ano'y nakipag-usap sa 'kin. Ang malupit pa...inakala ng matandang ito na si Sam ay nobya ko...tsss.

"Ahh..ehh..lolo..nagkakamali po kayo!..Hindi ko po sya----"

"Alam mo,hijo...ang ganyang klaseng mga babae, hindi na dapat yan pinapakawalan!..Tingin ko naman nasa hustong gulang na kayo para magpa-kasal!.."pakli naman ni Lolo Tanda habang nakapaskil sa mukha ang pagkalapad-lapad na ngiti.

Ano raw? Magpa-KASAL??..anlabo ata. Magpa-SAKAL siguro sa babaeng iyon??..mukhang sa ganoong paraan yata expert yun... Ms. Basag-Ulo,eh!

"Naku, Lolo..mali po ang aka---" Tsss..naputol ulit!

"Kuh..nahiya ka pa sa akin Hijo! Mga kabataan talaga sa ngayon mahilig magkaila  ng relasyon." mas lumalapad yata ang ngiti ni Lolo Tanda ,ahh.. Laging nambabara sa'kin eh..

"Honey Bunch..pwede bang ihanda mo na yung mga panggatong para sa bonfire natin mamaya? Please?" –tawag nung matandang babae.

"Yes, Honey Pie! ..Siya misis ko, Hijo...Sige maiwan na kita! Lapitan mo na yung nobya mob ago pa magtampo sa'yo!."

Yun lang ang sinabi nito saka pinuntahan na nito ang misis.

Pambihira...parang teenager lang kung makapaglambingan yung mga matanda..ahh. Hanep lang ang tawagan nila sa isa't-isa,huh! honey bunch at honey pie! naknang...bumabanat pa.




Pumunta na lang ako doon sa konaroroonan ni Sam at makaupo nalang din sa may buhangin. Na-miss ko din kasi ang ganito!Napansin kong nakatingin sa kawalan si Sam. Hindi nga nya ako napansing tumabi ako ng upo sa kanya sa buhanginan, ehh..Mataman ko syang pinagmasdan.And the next thing, I found out she was crying silently...



"Sam...Sam.. okey ka lang ba? Bakit ka umii----"



Nilingon kasi nya ako. Hilam pa rin sa luha ang kanyang mga mata. Ang nakapagtigil sa pagsasalita ko?...pa'nu bigla kasi nya akong niyakap!..yeah..yakap-yakap nya ako ng mahigpit..still she's sobbing. Hinayaan ko na lang. Just this time let me be her "crying shoulder".

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon