RR_His Past's Whereabouts

67 3 1
                                    

Chapter X

Scenario somewhere in abroad...


In an open stadium where there are lots of spectators gathered to watch the ultimate battle of whom to be considered as the best lady archers.

The Commissioner of the State held again its Annual Tournament for Extraordinaire Lady Archers.

Participants are really coming across the nations. Competing and vying for the title.

Several rounds of competition had been taken into consideration leading to have only two competitors left standing. Yes... there were only two lady archers left. Both of them are now in the center stadium and positioned themselves. . . 






(Her POV)


Dug..dug..dug..dug..

Sa totoo lang, kanina pa talaga ako kinakabahan. Maraming nagsasabi na na magaling ako sa larangang ito, kahit na ipikit ko pa ang aking mga mata ay talagang mapapatamaan ko yung target. Pero, balisa talaga ako ngayon,eh! Hindi ako makapag-focus dun sa titirahin ko. Masyadong okupado ang isip ko.

Isang masaklap na sitwasyon ang pilit na pinasusuong sa'kin ni Dad. Mahirap umayaw lalo na't buhay ng kompanya ang nakataya. Ang unfair naman yata. Bakit ako na lang lagi ang taga-salba? Bakit ang sarili ko ang laging ipinapain? Bakit kailangan ako ang laging nagsasakripisyo? Bakit? Bakit?!

Naramdaman kong may butil ng luha ang naglandas sa mga pisngi ko. Heto na naman po ako. Nagiging iyakin na naman.

Kapag ganitong nag-iiyak ako, manunumbalik na naman ang nakaraan...




Malakas ang buhos ng ulan. Latag na ang dilim at lalo pang nagsungit ang panahon. Ngunit sa kabila ng mga balakid na iyon, kahit papaano ay nagawa naming isugod ni Aling Betchay si Lola sa pinakamalapit na ospital s bayan. Inatake na naman ito. Ang masaklap pa nyan, eh.. talagang walang-wala ako ngayon.

Dumoble ang nararamdaman kong takot.Takot na baka mawala ito sa piling ko.

Ang dami ng isinakripisyo ng matandang iyan sa akin.

Kahit hindi nya ako kadugo... inaruga, pinakain, pinag-aral at minahal pa rin nya ako.

Yeah.. sa kanya ko lang naramdaman ang pagmamahal ng magulang.

Ang uri ng pagmamahal na kailanman ay ipinagkait ng totoo kong mga magulang.

Magulo ang isip ko. Kanina pa ako palakad-lakad sa labas ng emergency room. Hindi ako mapakali. Wala akong ideya kung saan ako hihingi ng tulong. Basta ang alam ko, kailangan kong gumawa ng paraan. Kahit na ano, basta mailigtas ko lang si Lola.

"Kumusta ka na, MAHAL KONG ANAK?!"

Saglit akong natigilan. Pamilyar sa akin ang timbre ng boses. Hindi ko na kailangang lumingon. Wala na akong pakialam sa kanya.

Ngunit bahagya parin akong nabaghan sa biglaang pagsulpot nya dito. Ayoko sanang isipin, ngunit nag-gugumiit pa rin sa isipan ko na mayroon na naman itong pinaplano. Maitim na binabalak!.. Damn...

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon