Chapter V
(Blake POV)
I was in my car. It was still early, yet I need to drive myself down to the office and get back to work.
Also to avoid the heavy traffic.
Then suddenly my mind drifted to the conversation I had with that middle-aged woman.
***FLASHBACK***
"Dun sa probinsya, naging kapitbahay ko ang mag-lolang iyon. Naging malapit sa akin ang kababata mo na si Sici. Nung minsang magkasakit ang iyong matanda, sa akin humingi ng tulong si Sici. Ngunit kapos din ako sa mga panahong iyon. Gayunpaman, sinamahan ko siya na dalhin sa ospital sa bayan yung lola nya. Ang huling taong naisip nya na hingan ng tulong ay ang magulang nya. Ngunit natunugan pala ng mga ito ang nangyari kaya tinulungan nila iyong matanda. Alam ni Sici na may kapalit ang ginawang pagtulong ng mga ito. Ngunit kailangan nyang sumugal alang-alang sa kapakanan ng lola nya. Gagawin nya ang lahat mailigtas lamang ito."
"Kumusta naman po iyong.... si Lola? Ano po ang balita sa kanya?" sunod-sunod kong tanong
"Hindi rin kinaya nung matanda. Bumigay din ito ilang oras matapos ang isinagawang operasyon."
"Eh.. si...Sici po? Ano na po ang nagyari sa kanya matapos ang nangyari sa lolo nya?"
"Sa pagkakaalam ko ay dinala na sya ng mga magulang nya sa abroad. Hindi ko alam kung saang bansa."
***END OF FLASHBACK***
.
.
.
Abroad??? Kung gayon ay maayos naman pala ang buhay nito.
Andun naman pala ito kapiling ng kanyang mga magulang. Kahit papano ay napapanatag na rin ang loob ko.
.
.
.
Nasa ganoon akong pagmumuni-muni ng mamataan ko sa daan ang pamilyar na tao. Kaharap nito ang isang lalaking kalbo. Masyadong maangas ang dating.
Sa tingin ko ay nagkakasagutan naman iyong dalawa.
Itinabi ko ang kotse saka bumaba.
.
.
.
"Hoy babae, andito ka lang pala. Andami mo ng atraso sa akin. Kailangan mong sumama sa akin sa presinto. At nang mabayaran mo ang lahat ng mga kasalanan mo sa akin. Halika na!.."
at saka kinaladkad ko iyong babae at agad na pinapasok ko sa kotse.
Sa tingin ko ay nagugulumihanan rin yung babae.
Mabilis na pinasibad ko ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
"Wala ka na ba talagang alam gawin kundi ang makipagbugbugan?? Ka-babae mong tao, tapos laging away ang hanap mo?!."
Untag ko doon sa babae
Tama..
Siya uli yung babaeng tinulungan ko sa bakbakan kahapon. At iyong babae tumulong rin sa akin na mahanap ang tinitirhan nung Aling Betchay.
Si Miss Basag-Ulo nga iyong kinaladkad at pinasakay ko sa kotse ko.
Pambihira naman talaga ang babaeng ito.
Mukhang araw-araw eh, bugbugan ata ang pinagkakaabalahan nito sa buhay.
Mabuti na lang at hindi ako inindahan ng suntok at sipa nung kinaladkad ko ito.
"Alam mo Ms. Basa-Ulo, hindi habang-buhay ay malakas ka at makakayang upakan ang lahat ng masasamang nilalang sa mundo. Kaya paminsa-minsan, hindi naman siguro labis na pagiging maka-sarili kung iisipin mo rin ang kapakanan mo...."
SERMON..??
Kung iyon nga ang tawag sa mga sinabi ko dun sa babae.
Bahala na.
Tutal, kapakanan naman nya yun.
Bahagya kong sinulyapan ang nasa passenger seat.
Nakangiti ito.
"Kung ang ibig-sabihin ng pag-ngiti mong iyan ay dahil concern ako sa'yo, nagkakamali ka!.Isinalba lang kita doon sa kalbong iyon para iwas-bugbugan at...."
.
.
.
"....at... bilang pasalamat na rin sa mga naitulong mo sa akin."
Medyo napahaba ata ang naging paliwanag ko ahh...
Defensive much??...
Di ahh...isinalba ko lang talaga sya!...
para wala na rin akong utang-na-loob sa babaeng iyon!..Quits lang kame...yun lang...
.
.
.
"Lumampas na kasi tayo sa presinto. Ibig sabihin di mo talaga ako balak na ipa-aresto!" pagkakuwa'y sabi nito. Nangingiti pa.
Natutop ko ang sariling noo.
Anak ng tokwa naman,oo!
Iyon pala ang dahilan nang paglapad ng ngiti nito.
NAkalimutan ko nga pala na iyon pala ang idinahilan ko bago ko sya kinaladkad papunta sa kotse.
"Wala naman akong balak na dalhin ka talaga sa presinto. Nais ko lamng talaga na ilayo ka sa lugar na iyon dahil mukhang maki-pag-sapakan ka naman. "
"Ahh.. ganun ba? Maraming salamat kung gayon. Ayos lang naman sa akin kung absent muna ako sa bakbakan ngayong araw na ito. Relaks lang ang peg ko ngayon!"
Literal na napaawang ang bibig ko sa mga narinig.
Kaya bigla kong naapakan ang brake.
"Aray ko!..." daing nya.
"Ang ibig mong sabihin, pakikipagbugbugan at basag-ulo ang pinagkakaabalahan mo sa buhay??!"
Napangiwi pa ito ng bahagya.
"dahan-dahan naman sa pagmamaneho, Pare ko!. Ang totoo, katuwaan lang naman yun eh!.. Paano, wala akong matinong trabaho. Magaan naman sa loob ko ang tumulong dun sa ina-agrabyado. Masyado lang talagang maangas ang mga bakulaw na iyon kung kaya bugbog-sarado ang abot nila sa akin.." sabi pa nito na ikinakuyom pa ng kanyang kamao.
"Kung gayon, mabuti pa'y isasama na lang kita sa opisina at ng magkaroon ka na ng matinong trabaho."
"Pare ko, salamat na lang! Pero wala akong alam na gagawin kung trabahong pang-opisina man iyang inaalok mo!"
I just remained silent. Mahirap nang makipagtalo sa babaeng ito. Wala kasi sa pagmumukha nito na magpatalo. Baka maubusan lang ako ng pasensya..
BINABASA MO ANG
Ragamuffin Royalty
RomanceHer Royal Highness playing larks, dressing as a tramp... She being a vagabond...a wanderer...a ragamuffin. A royalty happens to stumble into a business magnate. A persona who only dwells on his past memoirs, who's been living in retrospect and been...