RR_She Could Possibly be... ?__?

61 2 0
                                    

Chapter XXIV

(Sam POV)

Naalimpungatan ang natutulog kong diwa mula sa liwanag nang haring araw na tumatama sa mukha ko.

Umaga na pala. Medyo napahaba pala ang oras ng pagtulog ko.

Hindi ko na masyadong natatandaan kung anong eksaktong nangyari matapos akong himatayin sa loob ng palikurang yaon. Ang tanging alam ko lang, heto na ako nakahiga sa isang silid.

Kung susuyurin ang kabuuan ng naturang silid, masyadong malaki at halatang maintain ang kalinisan at kaayusan.

The hue was monochromatic. Anyong tipikal na silid ng isang lalaki.

Hmm...marahil ito ang silid ni Boss Pare ko. Infairness,huh! Dito pa pala ako pinagpahinga sa mismong kwarto niya! Sa laki ba naman ng tirahang ito, sigurong mayroon pang maraming bakanteng guestroom para magamit ko. And yet, ang silid pa rin ni Boss Pare ko ang pinagamit sa akin.

Ayy...touch naman ako. Hihi.. ^__^

Tatlong mahihinang katok ang umagaw sa atensyon ko at nilingon ang papasok na babae.

"Ahmm..m-magandang umaga po Ma'am! Mabuti po at gising na kayo. Nakahanda na po ang agahan niyo sa komedor." Pautal pang sabi nung babae. Nakayuko lang ito at parang alanganin na salubungin ang titig ko.

"Salamat! Sige, susunod na rin ako maya-maya."

"S-sige ho, hihintayin ko na lang po kayo sa baba." Anito na nakayuko pa rin, saka agad na tinungo ang pinto at tuluyang lumabas.

Napabuntung-hininga ako.

Mukhang nauulit na naman ang paraan ng  pakikitungo sa akin gaya nung nasa palasyo pa ako.

Psh...as much as possible I don't want to receive any royalty treatment. Not in this country. Not in this place. So as to avoid any suspicions. Much better if I'd stay on the safe side.

Bumangon na ako at inayos ang hihigan. Matapos kong ayusin ang sarili ay dumiretso na ako sa baba.

Naabutan kong nakahanda na ang agahan. Andun na din ang mag-lolo. Naka-pwesto sa kabisera ang matanda samantalang nasa kanan naman nito si Boss Pare ko.

"Oh, hija! Mabuti naman at bumaba ka na. kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Maayos na ho! A-ah...pasensya na po kung pinag-alala ko po kayo."

"Naku, wala yun hija! Apo na rin kita kaya wag kang masyadong mag-alangan at mahiyang magsabi kung masama ang pakiramdam mo dala ng morning sickness. ^__^"

"H-ho??..."

Literal na napaawang ang bibig ko.

Mabuti na lang at hindi pa ako nagsimulang kumain, kung hindi nabugahan ko talaga ang pagmumukhan ng matandang hukluban na ito.

Weng'ya! Nakakagulat naman masyado ang patutsada niya! -___-

.

.

.

Isang kalansing ng kubyertos ang umagaw sa nagliliwaliw kong utak.

"Kumain ka na. nguyain mong mabuti ang kinakain mo ng sa gayon ay matunawan ka. Tapos na kong kumain, dun na lang kita hihitayin sa garden. Mauna na ako." Yun lang ang sinabi ni Boss Pare ko, saka ito tumayo at umalis.

"Pagpapasensiyahan mo na ang Apo kong iyun, hija! Kulang lang marahil iyun sa tulog dahil maya't maya ka nyang chine-check sa silid mo upang siguraduhing maayos kang nakapagpapahinga. Siya mismo ang umaasikaso sa'yo habang hindi ka pa nagkakamalay."

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon