RR_Boo and Shoo<3

182 6 1
                                    

Chapter I

(Blake POV)

She aimed the target and released it with all her might. It's the same way she released the arrow from its bow.

Then like a whizzing arrow, the stone hits its target . . .

Pakiramdam ko'y namanhid ang buo kong katawan. Ni hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Na para bang naipako na iyon doon. Nanatili lamang ako sa ganoong posisyon ng makarinig ako ng nakatutulig na tili.

"Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeessss!!!!..."

Muntikan na akong mahulog sa punong-kahoy na inakyatan ko. Nasa itaas pa pala ako ng puno at dahil nga sa nakakabinging tili na iyon kung kaya muntik na akong mahulog. Mabuti na lang at nahagip pa nung isang kamay ko ang sanga at nakakapit doon ng husto. Phew....

Nilingon ko ang kinaroroonan ng tumili. Nakasandal na ito sa lilim ng puno. Aliw na aliw pa nga ito sa kinakaing kaimito.

"Aba!.. May gana ka pang kumain jan. Samantalang ako, eh... muntik mo ng patayin sa kaba dahil sa mga kalokohang pinagagagwa mo!"

Sa lagay na iyon, eh.. talagang nagalit na ako.

Pagmukhain pa naman akong tanga na isiping ang pukyutan ang talagang puntirya nito.

Ngunit, hindi naman pala! Sa halip ay ang bunga pala talaga ang titirahin nito. Talagang gino-goodtime ako ng babaeng ito.

"Hahahhahahahahahahahahahahahah....ang epic ng itsura mo kanina!! Shoo... priceless!. whooooahh..hanep!"

Ohh...ehh?!.. saya lang nya noh?!

"Ikaw naman Blake-kot-shoo!.. Hindi na mabiro!..Bumaba ka na nga jan at ng makauwi na din ako."

"OO na!.. Bubwit na babaeng ito. Ipinaalala pa talaga ang biscochong gawa ng lola nya! ang sarap kaya 'nun!.. Nagutom tuloy ako.!."

"NArinig ko yun!!... Masabihan nga si lola na wag ng bigyan si Blake-kot-shoo!.." sigaw nya at saka patakbong umalis sa lugar na iyon.

"Uy Boo!... Hoy.. Boo... bubwit na ito! Hindi na nga mabiro!... Iniwan apa ako dito." nagmamadali na akong bumaba ng puno..

Iiling-iling na lang na sinundan ko ang daan na tinahak nito patungo sa kinaroroonan nang kanyang lola.

Maliit lang naman ang bahay ng mag-lola. Kung titignan nga sa malayo mistula lamang itong bahay-kubo. GAyunpaman, sa kabila ng kaliitan niyon ay masaya naman ang nakatira doon.

Payak lang ang kanilang pamumuhay. Kakarampot lang ang kinikita mula sa pagtitinda at paglalako ng biscocho. KAhit papaano ay nagawa nitong papag-aralin ang apo hanggang sekundarya.

"Hijo, mabuti naman at napadaan ka uli dito!"

"NAku lola!.. MAkikikain uli ho yan ng biscocho nyo!... MAno po!.."

NAg mano na rin ako kay lola. Siyempre, naman magalang din ako noh!!!.. Sayang din ang biscocho... grasya na iyon... hihihihihihihi....

Napangiti ako sa isiping iyon...

"Hoy!.. Ano namang ngini-ngiti mo jan?!.. Parang mayroon ka na namang maitim na binabalak."

"Huh?!W-wala no!.. Bigyan mo na nga ako ng biscocho!.. Ginutom talaga ako sa mga kalokohan mo kanina! Grrrr..."

"Palusot mo!"

Wengya talaga 'tong babaeng 'to!.. binelatan pa ako!

"Ohh.. hayan..!! Takaw talaga!" at saka iniabot nya sa akin ang pinggan na pinaglagyan ng biscocho.

Tapos may inilabas itong papel at may kung anong isinulat doon.

"Ano yan??"

"Ahh... eto ba?..." kunwa pa'y ipinakita sa akin ang nilalaman ng papel.

"Listahan" anito.

"Listahan??... ng ano??!!"

"Nang utang mo!.. Aba, andami-dami na rin ng nakain mo ano!.. Tapos hindi ka pa nagbabayad. Echos me lang huh?...pero wala ng libre sa panahon ngayon, noh!"

"Oo na, oo nah!.. Bubwit na 'to!.. kini-kwentahan pala ako sa mga kinakain ko!.. PAmbihira, ang haba naman ata ng listahan ko!..Hhuhuhu.. Wala na bang tawad 'to?"

Natawa ito.

That laugh. That sweet angelic laugh of her makes me forget life's melancholy. I just don't know how she did it.

A enigma, perhaps.

'Coz, I can't even grasp an appropriate word to describe it.

All I know.... is that I'm happy when I'm with her. Terribly... happy!...


Sicily . . . . . ich liebe dich . . . . . . .

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon