RR_Sizzling Hot Moment <3

49 2 0
                                    

Chapter XXVII

(Sam POV)

Naramdaman kong may mabigat na bagay na nakadagan sa binti ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, awtomatikong napangiti ako sa nabungaran. It was Blake. He was soundly sleeping beside me.

So...mga binti pala nya ang nakadantay sa akin. Ano ba tingin sa'kin ng isang ito?! Unan?! 

Pinagmasdan ko siya. Kaakit-akit pa rin siya sa paningin ko kahit na bahagya nang nagugulo ang buhok nito.

Tulog na tulog talaga ang damuho! Tinotoo talaga nito na bantayan ako habang nagpapahinga. Magdamag ko siguro itong pinuyat, habang ako naman himbing na himbing. Kawawa naman ang mahal ko! 

Yeah right!

Inaamin ko na mahal ko si Blake. Siguro, pagkatapos nung eksena kagabi, dinumog ako ng maraming realisasyon. At ang  puno't dulon ng lahat ng ito ay ang katotohanang unti-unti nang napasok ni Blake ang puso ko at tuluyang inangkin ang malaking puwang na naroon.

Bahagyang gumalaw ang natutulog kong katabi.

I was caught off guard when he pulled me closer to him and hugged me tightly. Then, hinalikan nya ako sa labi.

"Good morning my Sweet Sysi!"


Aww...ka-gandang morning greetings naman ang sumalubong sa akin. Kakagising ko pa lang, huh, pero buo na agad ang araw ko! Naman!

"M-morning t-too, sleepyhead!" ganting bati ko sa kanya ng pabiro.

Pinisil pa niya ang ilong ko bago sumagot.

"Pinuyat mo kasi ako. Pero di bale, sulit naman ang pagpupyat ko kung ganito naman ka-gandang view ang tatambad sa akin pag-umaga!"


Takte talaga ang lalaking ito. Tagus-tagusan sa buto ang ibinabatong pampakilig sa Popoy niyo!

"Bumangon na nga tayo baka kung ano pa ang isipin nila na nagkulong tayo sa silid na ito." Pagkakuwa'y sabi ko. Namumula na kasi ako. Hindi na ata kakayanin ng aking pagiging basagulera powers ang bawat banat ni Blake.

Akma na sana akong tatayo ng hilahin ako ni Blake pahiga.

"They wouldn't care kahit buong maghapon pa tayong magkulong ditto. Besides, it wouldn't change the fact that Lolo thinks the reason why we're shutting ourselves here is that we're already giving him a great grandchild!" pilyong tugon nito sabay kindat.

Naramdaman ko na namang uamkyat lahat ng dugo ko sa mukha. And right at this moment, I'm pretty sure my face is already crimson red.


"Weng'ya ka!"pinaghahampas ko pa siya niyan. "Anong great grandchild yang pinagsasabi mo?! Yang mga pinag-iisip mo masyadong fast forward! Porke ba't magkatabi lang matulog, tapos BOOOOOOM may great grandchild na agad-agad?!"

"Ahaha... lalo ka talagang gumaganda kapag namumula ka! Kaya nga sarap mong asarin, eh!"

"Ahh..ganun!"

Kainis nagawa pa akong pagtawanan at asarin. Ngunit bago pa umigkas ang kamao ko para masuntok sya, ang bigla nya akong hinapit sa leeg at hinalikan.

Dahil sa ginawa nito ay hindi agad ako nakahuma. Bahagya pang naunsyami ang kamao ko sa ere.

"For every attempt of violent attacks on me, you'll have your corresponding punishment. Y'all understand that you little wildcat?" sabi pa nito matapos akong halikan at ang lapd-lapad pa ng ngiti.

Napanguso ako sa narinig.

"Ahh... don't pout Sweetie! You're just tempting me to do this again and----"

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon