Magkahawak kamay
Tayo'y naglalakbay
At ang mga paa'y humahakbang ng sabay
Habang hinihintay ang bukang liwayway
Minsa'y ikaw ay nauna
Napalingon sa kanan at kaliwa
Ngunit di ako nakita
Kinalabit kita, at sayo'y tumingala
Mga ngiti mo'y sumilay
Kasabay ng pagtangay
Sa aking buhok ng hanging matamlay
Nang ako'y nakitang sayo'y nakikisabay
Ng ako'y napagod
Niyaya mong sumampa sa iyong likod
Ng sayo'y sumampa
Dinama ang sayang nadarama
Sayang matagal ko ng hinahanap
Na nadama ng isang iglap
Bunga ng ako'y sayo ay yumakap
Habang ako'y lumilipad paalapaap
Mga talukap ay bumigat
Mga munting mata'y naghuhudyat
Na nais munang umiglip
Kaya't ako muna'y pumikit
Ngunit dinalangin na sana'y di ko na ginawa
Ang pagpikit na tuwina
Dahil ng akin ito'y minulat
Panaginip lang pala ang lahat...
BINABASA MO ANG
Tula Ng Buhay(Completed)
Poetry#208 #78 Tula: Kaibigan,Pamilya,Kamag anak,Guro,Kakilala,Bf/Gf,Student,Matatanda,Wasak,Forever,Single,Taken at iba pa Tula para sa inyo Support po Salamat