"Nawawalang buhay"

364 7 0
                                    



Bukang liwayway ay kumakaway

Hudyat na panibagong araw na naman ang sisilay

Ngunit ang mga ganitong pangyayari ay wala ng saysay

Para sa mga taong wala ng kulay ang buhay

Buhay na nakulong sa dilim

Nilamon ng hinanakit


Nabulag sa mga pangyayaring mapapait


Na nagbunga sa buhay na maitim

Nagumpisa sa mga hamon sa buhay


Na sa una'y pilit nilalabanan


Ngunit di naglaon ay unti unti nang susukuan


Hangga't sa di na kinaya at tuluyan ng bumigay

Ganyan ang laging nagiging proseso


Ng isang taong nakakaranan ng pagkabigo

Na nagbubunga sa pagguho ng kanilang mundo

Na minsa'y umaabot pa sa paghawak ng kutsilyo

Kaya minsa'y sa pagputok ng liwanag


Isang walang buhay na naman ang muling matatagpuan


Sa isang kwartong saksi ng hinagpis at sakit na pinagdaanan


Ng isang taong minsa'y di pinangalagahan

Tula Ng Buhay(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon