Nakakabinging musika, mga taong nagsasayawan
Gabing pinakahihintay ng lahat
Kasiyaha'y hindi salat
Isang gabi nang kasiyahan
Gabi kung saan lahat ay naghihiyawan
Gabi na puno nang galak
Saya, tawanan at halakhak
Ngunit sa isang sulok, ay may nakakubling isang dalaga
Mahaba ang buhok, maputi at maganda
subalit sa kanyang mukha ay hindi bakas ang saya
Dahil kalungkutan lamang ang kanyang tangging dama
Sa dami ng tao sa lugar tila sya ay may tina tanaw
Isang lalaki kung saan sa gitna ay suma sayaw
Bakas ang saya sa lalaki hawak-hawak ang isang dilag sa kanyang bisig
Habang sumasayaw sa saliw ng musikang pag-ibig
Luha ang tangging sagot nang dalaga sa kanyang nasisilayan
Luha na kahit kailan man ay hindi nya kayang i-tahan
Isa-dalawa-tatlo, sabay punas nang luha nito
Ngunit palitan man ang kuha nang ngiti
Hindi parin maipagkakaila ang hapdi
Hapdi nang sugat nang kanyang pagdadalamhati
Mali ngaba ang mag mahal nang taong may iba na?
Ang mag mahal nang taong masaya na sa iba?
Nais man nyang pigilin ang pag-ibig, kalimutan at ibasura
Ang mag panggap na masaya ay tila hindi na nya masikmura
Ilang taon na ba na tinatanaw ka lang mula sa malayo
Na ang salitang 'sakit' sy naging akin nang ka tokayo
Ilang taon na ngaba na ako'y nagpapaka tanga?
Nagpapakatanga sa pag-ibig mo na kelan man ay hindi ko madarama
Pero tingnan mo nga naman, matapos ang matInding iyakan
Lahat ng sakit ay tila hindi ko na maramdaman
Puso ko ay unti-unti nang namamanhid
Dahil kahit ilang galon pa ang e-iyak ay hindi mo kelan man mababatid
Sa isang sulok, ang dalaga ay nanatiling naka kubli
Nararamdaman nya, kahit kelan man ay walang makaka wari
Isa-dalawa-tatlo, sabay punas luha sa pisngi
Isa-dalawa-tatlo, palitan natin ito nang ngiti
BINABASA MO ANG
Tula Ng Buhay(Completed)
Poetry#208 #78 Tula: Kaibigan,Pamilya,Kamag anak,Guro,Kakilala,Bf/Gf,Student,Matatanda,Wasak,Forever,Single,Taken at iba pa Tula para sa inyo Support po Salamat