"TAMA NA"

493 12 0
                                    


Matagal na panahon na

Naaalala mo pa ba?

Lahat ng mga alaala?

Kasi ako? Oo. Naaalala ko pa

Mga alaalang dumudurog sa puso ko.

Mga matatamis mong ngiting minsang kinaadikan ko.

Umaasa paring mababalik sa lahat at magiging masaya tayo.

Pero ikaw lang ang masaya.

Dahil ako, hanggang ngayon durog na durog pa.

Gabi gabing lumuluha

Pinapatay ng katotohanang wala ng pag asa.

Nananatili parin ang nag iisang katanungan

Na tumatak na sa aking isipan

At hanggang ngayo'y naiiwang walang kasagutan

Bakit mo ko iniwan?

Gusto mong hanapin ang sarili mo

Yan ang dahilang lumabas sa mga labi mo

Masakit man, pero para sayo

Lumayo ako.

Kinimkim ko lahat.

Hindi ko nagawang magalit

Kahit dito sa loob loob ko sobrang sakit

Mga luhang kasing pait ng aking sinapit

Pero nanatili ako.

Minahal parin kita, dahil yun ang gusto ko.

Naniwala parin ako sa mga pangakong binitawan mo.

Gusto ko nandito ako para sa oras na kailangan mo, ay nandito lang ako.

Pero sa araw na iyon,

Sa 'di inaasahang pagkakataon

Naging masaya muli ang mga labi ko

Muling nasilayan ang mga ngiti mo

Pero sa pangalawang pagkakataon,

Pinatay ako ng sariling mga mata ko

Mga nasilayang gusto kong ibaon

Kusang tumulo ang likido nito at ako'y napako.

Ang kamay mo.

At ang kamay niya.

Mga palitan niyo ng ngitian.

At masasayang tawanan.

Pinatay mo ko.

Pinatay mo ang puso ko

Minahal kita

Binuo kita,

Nung mga panahong mata mo'y lumuluha.

Nanatili ako sa tabi mo,

Sa sinabi mong kailangan mo ako

Pinasaya kita,

Dahil ngiti mo lang ay sapat na

Minahal kita,

Pero bakit ganto?

Pakiusap, tama na.

Matagal mo na kong pinaniniwala

Na totoo ang lahat at may pag asa.

Pinaniwalang mahal mo 'kong talaga

Pinaniwalang magtatagal tayong dalawa

Pinaniwalang balang araw ay maibabalik pa

Pinaniwalang ako'y mahal mo pa

Pero t@#$/^ , tama na.

Minahal kita

Pero anong sinukli mo?

Sinira mo ang mundong minsa'y umikot na sayo.


----DONE----

Tula Ng Buhay(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon