Mahal,naririnig mo ba ang mga huni ng ibon mula sa puno na nagsasabing
"Gusto kita, gustong gusto kita"
Mahal, nakikita mo ba ang kislap ng mga bituin sa himpapawid na nagpapahiwatig na
"Gusto kita,gustong gusto kita"
Labing dalawang taong gulang ako noon ng minsang umibig sayo
. Sa mura kong edad ay nadarama ko ay sakit na dulot mo.
Tila pinipiga ang puso ko dahil may iba kang gusto.
Naluluha, nasasaktan ako O sinta ko.
Dahil nga siguro "Bata ako" Labing dalawang taong gulang ako lahat isinakripisyo ko para sayo.
Bente pesos kong baon na sana'y pambili ko ng korneto at ipinangloload ko mapusuan lahat ng post mo.
Pero, ni isang like wala akong natanggap? Dahil nga siguro,Oo "Bata ako?"
Eto ako sinta,umaasa na mapansin mo.
Nagpapadala ng mensahe sa messenger kahit puro seen ang ini rereply mo.
Namumutla na ang mga mata ko Hindi mo manlang naisip ang nararamdaman ko.
Dahil nga siguro ang nasa isip mo'y "Bata ako"
Labing dalawa
labing tatlo,
labing apat,
labing lima,
labing anim.
Labing anim na taong gulang na ako.
Ikaw pa rin ang gusto ko.
Ikaw pa rin ang hinahanap ko
Naghihintay pa rin sayo.
Umaasa pa rin ako.
Pero eto ka nga,
Labing anim na taong gulang na ako.
Siya pa rin ang gusto mo.
Siya pa rin ang nakikita mo,
samantalang ako ang nasa likod mo,
umaasa na lilingunin mo pero hindi mo nagawa.
Ano bang meron siya na wala ako?
Pangit ba ako?
hindi ba ako maganda sa paningin mo?
Pero bakit siya?
Siya na laging sakit ang dulot sayo.
Siya na iba ang gusto at hindi ikaw na pinapangarap ko.
Pero bakit siya?
Dahil nga siguro.
Oo na ,
paulit-ulit nalang ba tayo sa salitang "Bata ako"
Sinta, hahayaan mo bang ako'y masawi ng hindi mo nasisilayan?
Sinta, nasasaktan at umiiyak din ako tulad mo.
Pwede bang ako nalang?
Ako nalang ang mahalin mo, huwag na siya.
Ayoko ng masaktan.
Sinta, pwede ba? -alam mo
kaya ka nasasaktan
nagmamahal ka kasi sa maling tao at maling panahon.
BINABASA MO ANG
Tula Ng Buhay(Completed)
Poetry#208 #78 Tula: Kaibigan,Pamilya,Kamag anak,Guro,Kakilala,Bf/Gf,Student,Matatanda,Wasak,Forever,Single,Taken at iba pa Tula para sa inyo Support po Salamat