"Ang Umibig Sa Maling Letra"

281 7 0
                                    



Ikaw ang 'A' ako ang 'Ya',

Kahit ang alibata sinasabing malayo tayo sa isa't isa.

Ako ang panaguri ngunit hindi ikaw ang aking simuno,

At kahit ikaw ang salitang ugat, hindi ako ang panlaping sa 'yo'y bubuo.

Handa akong mapaos,

Kung ikaw ang ponemang sa dila ko ay dadausdos.

Dahil ikaw ang inaasam-asam kong parirala,

Subalit hindi ikaw ang salitang pupuno sa 'king pahina.

Ikaw ang patinig,

Siya naman ang katinig,

Kayo ang nararapat bumuo ng salitang pag-ibig,

Heto lang ako bibilangin ang inyong bawat pantig,

Habang kayo'y binabaybay ang inyong titig,

Puso ko'y 'di ko na maramdaman ang pintig.

Maaari bang ako na lang ang bantas na kuwit?

At kahit pansamantala lang ang sandali, ay aking mapuslit.

Dahil alam kong siya ang tuldok at sa dulo,

Sa kan'ya ka rin hihinto.

Sana ako na lang ang taludtod na bubuo sa 'yong saknong,

Ngunit isa lang akong patapon na salitang umalpas at naging bulong.

Sapagkat kayo ang magandang paksa,

Sa mga ibuburdang mga tula.

Ayoko nang maging gitling sa inyong dalawa,

Na pumapagitna sa parehong perpektong salita,

Tanggap ko na

Na isa lang akong manunulat

At kayo ang tayutay na aking isinusulat.

Tula Ng Buhay(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon