"Ang tulang nakapagpapalipit ng dila"

260 6 0
                                    



Sisiguraduhin kong dila mo'y pipilipit,

Sa kung papaanong ako'y sa kilig namilipit,

Sa tuwing ika'y lalapit,

Nagmimistulang susong palipit na bagong ahon sa bukid.

Noong una kitang masilayan

Puso ko'y tumalon na parang palakang kalabukab kumakalabukab kakakalabukab pa lang 

kumakalabukab na naman.

Napilipit ang dila ko 'di maapuhap ang tamang sasabihin,

Hinihigop ang lakas,

Nauutal, hindi alam kung anong ibibigkas,

Na parang aking sinasambit,

Ang salitang nakakapagpabagabag nang paulit-ulit,

Nakakapagpabagabag

Nakakapagpabagabag

Nakakapagpabagabag

Bakit ang puso kong lagalag lumalayag?

Lihim na pagtingin sayo'y nais ipahayag.

Tibok ng puso ko'y tumatambol,

Sa katotohanang kahit pitong pu't pitong puting butong patani ang aking itanim,

Malabo pa ring sumibol ang 'yong pagtingin.

Maaari bang imekaniko ko ang 'yong puso?

Katulad ng pagmekaniko ni Moniko sa makina ni Monika?

Maaari ko bang itigil ang oras ngayon?

Kahit nakawin ko pa ang relo ni Leroy na rolex.

Tadhana kaya'y sasang-ayon?

Ngunit inuunahan ako ng kaba,

Napipilipit ang dila,

Takot mabigkas ang bawat pantig,

Pagka't nagpakadena sa 'yong titig.

Tula Ng Buhay(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon