"Sa loob ng sariling mundo"

328 5 0
                                    




Sa loob ng sarili naming mundo

Maraming hindi nakaka - alam ng aming kwento

Katulad ng pagkaka - kulong sa kadiliman

Katulad ng pagkaka - tago ng aking ituturan

Sa loob ng sarili naming mundo

Mahirap na tanggapin ang totoo

Na hindi na maliliwanagan

Hindi na mapag - uusapan

Ang nasa saloobin

Ang nasa walang anyong salamin

Ang palaging gabing kapaligiran

Ang palaging tahimik na kantahan

Sa loob ng sarili naming mundo

Walang naiintindihan

Walang napapa - kinggan

Walang naisasagot sa katanungan

Mapait na kapalaran para sa aming may kapansanan

Ang hindi namin maranasan ay inyong kinasisiyahan

Ang aming nagagawa ay limitado lamang

Ngunit hindi sa mga katulad niyong kumpletong nilalang

Nagmistulang tumula ngunit walang liriko

Nagmistulang tanong na hindi makakalap ng kasagutan

Nagmistulang tumuklas ng walang basehan

Sa loob ng sarili naming mundo kami'y kulang

Sa loob ng sarili naming mundo

Ay kakaiba ang mga tao

Iba nang kapansanan

Parehas ng nais makamtan

Hindi maka - aninag na mga mata

Hindi maka - rinig na mga tenga

Hindi maka - salita na bibig

Ang sakop sa loob ng sarili naming mundo

Ano mang problema sa pisikal

Puno naman ng pagmamahal

Kakaibang nilikha ng maykapal

Lahat nama'y inihalal

Masaklap man ang mundong kanilang kinabibilangan

Hiling nila'y pantay na turingan

At magkaroon ng kasaganahan

Para bago matapos ang taong malalampasan,

"Sana'y matanggap na ang lahat ng kakaiba sa ating lipunan".  

Tula Ng Buhay(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon