Third Person's POV:
Pagkatapos ng christmas party sa school ay nagkanya kanyang gala na ang mga estudyante. Samantalang sina Liana naman ay sama samang dumirecho sa park. Naging atat sila kaya kahit na 1 PM palang ay sinimulan na nila nag mini party nilang magkakaibigan.
Habang si Drei naman ay malungkot na pumasok pero nag enjoy din naman sya dahil isa na daw yon sa memorable na christmas party sa buhay nya. Sinusubukan nyang hanapin si Yana pero too late dahil nag uwian na lahat ng mga students. Kaya naisipan nyang maglakad lakad nalang sa park sa tapat ng school.
"Hays pano ko ibibigay ang gift ko sayo Yana? Eh hindi nga kita makita."-Drei.
Nagpatuloy sya sa paglalakad habang hawak hawak nya yung gift. Di nagtagal ay umupo sya sa isang bench at tumingin sa langit..
"Paano nga ba pigilan ang sariling mafall sa isang tao?"-Drei.
Napailing na lamang sya dahil pati langit ay kinakausap nya na ngayon. Sobrang lungkot nya ngayong araw dahil sa nangyare noong isang gabi habang kachat nya si Yana.
"Makita lang kita Yana, sapat na yun para maging masaya ako ngayong pasko."-Drei.
Tumayo na sya at naglakad na paalis.
Liana's POV:
"Oh asan na si Jan?"-me.
"Ay ganon? Jan agad?"-Coreen
"Jan parin."-Gerard.
Biglang dumating si Jan na may hawak hawak na regalo.
"Present!"-Jan.
"Papi akin ba yan?!"-me.
"Yuck. Anong papi ka dyan?! Tsaka di iyo toh noh bleh."-Jan.
Tinawanan ko lang ang itsura nya. Parang bata pssh.
"Sya mamaya na yan lovebirds. Tara na its time for exchange gifts!"-Kyla.
Nagbunutan kami eh. Although may regalo kami para sa isa't isa, nagbunutan parin kami para masaya. Tsaka andito si Jan ngayon kaya special ang pasko dahil nakompleto kami ngayon.
Ang bilis din noh? 7 days nalang bago magpasko... hays.
"Ok ang nabunot ko ay si..."-John.
Nagsimula na si John.
****
Pagkatapos namin magbigayan ng gifts para sa monito monita, nagbigayan naman kami para sa lahat. Huli kong ibinigay kay Jan yung kanya.
"Ayan na nag gift mo."-me.
He smiled. Sht that smile.
"Eto na yung iyo boss."-Jan.
Inaccept ko yung gift at ganun din ang ginawa nya sa regalong inabot ko sakanya. Maya maya pa'y sabay sabay kaming nagbukas ng regalo.
"Wow you actually bought me the book 2?"-Jan.
Natawa nalang ako sa reaction nya. Tanda nyo pa ba yung time na tumitingin sya ng libro? Tapos andun din ako and eventually I was holding the book that he was looking for kasi ginamit ko yun para takluban ang mukha ko hahahaha!
"Dati ayaw mo ipabasa sakin dahil sabi mo spoiler kasi di ko pa tapos ang book 1. Well I guess I can read this now."-Jan.
"Hahahahaha!"-me.
Binuksan ko na yung mga regalo nila sakin. Notebook ang binigay sakin ni Coreen, phonecase naman galing kay Adrian, chocolate galing kay Gerard, coloring pens galing kay John kasi alam nyang mahilig ako magdrawing, laptop case galing kay Kyla at sandamakmak na Kitkat galing kay Kiana.
Binuksan ko yung regalo ni Jan at omg---
"Moon necklace! Omg thank you!!!"-me.
Niyakap ko sya sa sobrang saya ko. Ang tagal ko na gustong magka moon necklace! Yung blue yung binigay nya sakin. Pero di nagtagal eh humiwalay din agad ako sa hug kasi kahit ako nagulat sa ginawa ko. He remained frozen..
"Uhmm... ano... hahaha sorry nadala lang."-me.
Bumalik naman sya sa katinuan at dahan dahang ngumiti. Phew. Gaga ka Liana nagulat yung tao.
"You're welcome btw."-Jan.
Jan's POV:
The moment na niyakap nya ako I felt something different kaya napatigil ako. Alam nyo yung slowmo? Its like the whole world slows down. After nyang humiwalay it all went in slow motion. Well for me. Natauhan lang ako nung kinausap nya na ako.
I don't get it. Why is there a different feeling? I mean sakanya lang ako nagka slowmo. Teka totoo ba yung slowmo na sinasabi nila? Or natatanga nanaman ako ngayon?
And one more thing. My heart beats so fast and I don't know why. Again.
"Ano tol hulog na ba?"-John.
Siniko ko naman sya sa tagiliran kaya nanahimik na sya at lumayo sakin.
"Guys... sinagot na ako ni Coreen!"-Adrian.
"I wasn't even surprised."-Kyla.
Me too. I mean obvious naman na mutual ang feelings nila for each other. So yun nga nagkagulo sila don at nag asaran. But my eyes only focused on Liana. Ano bang meron kay Liana at nagkakaganito ako? How do I even know if I'm already falling for her?
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Author:
Short ud 💕
-Queen
BINABASA MO ANG
If Only {Kathniel}
Teen FictionMaayos na sana ang lahat... pero sinubok parin talaga kami ni tadhana. Mahirap talaga kalabanin ang panahon. Kinulang ako ng panahon para maiparamdam ko sakanya kung gaano ko sya kamahal. Yun yung isang pagkakamaling nagawa ko... I didn't mind how f...